Kabanata XXXIII

1474 Words
“Thank you, for healing me again.” Biglang kumunot ang noo ni Eliezar dahil bigla na lang niyang narinig ang boses ni Aulora sa tabi niya. Bakit nandito si Aulora? At bakit hindi man lang bumukas ang pintuan nila? Saka paano makakapasok ang babae kung nakalock ‘yun? Pagkamulat ng mga mata niya, ay wala siyang nakitang Aulora sa kaniyang tabi, Ano ba kasi ang ibig sabihin ng babaeng ‘yun? O sadyang guni-guni niya lang ‘yun? Hindi kaya nananaginip lang siya at si Aulora ang napaginipan niya? Imposible naman ‘yun dahil kakahiga niya lang sa kama pagkatapos maligo. Ano ba ang nangyayare sa kaniya? Bakit palagi na lang si Aulora ang laman ng utak niya? Hindi naman siya ganito noon sa tuwing mga mga babaeng lumalapit sa kaniya. Hindi niya nga pinapansin ang mga babaeng ‘yun. Tapos pagdating kay Aulora pinapansin niya at hindi niya hinahayaan na masaktan ito. “What’s happening to me?” ** “Samahan mo ako sa bahay namin.” Kumunot ang noo ni Aulora at nilapitan si Lene na nagboblower ng buhok. Kakatapos lang nilang maligo. Biglaan kasing pinaligo ni Lene si Aulora. Ito namang si Aulora, ay sumunod na lang kahit hindi niya alam kung bakit siya pinapaligo. Baka raw kasi magalit si Lene kapag hindi siya sumunod. “Kaya mo ako pinaligo para samahan ka? Kaya nga ako hindi pumasok dahil tinatamad ako. Tapos isasama mo ako sa bahay niyo? Anong klase ‘yun?” “Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin na kausapin ko ang tatay ko? E ‘di ‘yun ang gagawin ko. Kaya samahan mo ako dahil ikaw naman ang nakaisip nito. Wala ka ring magagawa dahil sabi ko.” “Napag-isipan mo na na kausapin siya?” “Ano ba ang sinabi ko sa’yo? Magbihis ka na dahil kailangan na nating makapunta ron. Baka hindi natin maabutan sa bahay namin ang daddy ko.” Napabuntong hininga si Aulora at pumunta sa kabinet niya para kumuha ng damit na pang-alis. Pagkatapos niya kasi maligo kanina. Ang sinuot niya ay nag pangbahay. Sa totoo lang hindi siya pumasok dahil sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung bakit sumasakit ang ulo niya. Basta simula noong nagising siya ay masakit na ang ulo niya. Gusto niya sanang puntahan si Eliezar para mawala ang sakit, pero baka magtaka ito sa kilos niya. “Bilisan mo, Aulora. Sasakay pa tayo ng bus.” Ang suot ngayon ni Aulora, ay pantalon at fitted t-shirt. Nagshoshort lang kasi siya kapag malapit lang ang kanilang pupuntahan, pero ang sabi kasi sa kaniya ni Lene medyo malayo ang bahay nila katulad ng bahay niya. “Bakit kasi kailangan pa nating magbus kung pwede naman tayong tumawag ng private cab? Hindi naman siguro masama kung ‘yun ang gagawin natin hindi ba?” “Gusto kong magbus. May magagawa ka ba?” “Sabagay, gusto ko rin maranasan magbus,” pag-iiba ng isip ni Aulora, Hindi kaya masungit ang tatay ni Lene? Paano kung nagtanong si Lene tapos hindi naman niya sinagot? Hindi naman siguro dahil mabait naman ang kaibigan niya. Biglang naalala ni Aulora ang nanay ni Lene na mabait din. Masungit ang kaibigan niya at mabait. Kaya baka namana ni Lene ang pagkamasungit sa tatay nito. “Hindi masungit ang tatay ko.” Sumimangot si Aulora at humiga sa kaniyang kama. “Ano pa ang hinihiga-higa mo riyan?” “Sobrang sakit lang ng ulo ko, Lene. Parang may bumibiak at pumupukpok.” “Bakit? Hindi ka pa ba nakakapunta kay Eliezar para mawalan ‘yang sakit ng ulo mo?” “Hindi ko naman pwedeng basta-basta na lang hawakan ang kamay niya. Lene. Magtataka ‘yun sa kilos ko. Nakakalapit lang ako sa kaniya sa tuwing natutulog siya. Ang hirap nga ng sitwasyon ko dahil siya ang healer ko, pero bawal man lang ako lumapit sa kaniya kasi nga nahihiya ako.” “Pwede mo naman siyang kausapin at hawakan na lang bigla ang kamay niya. O kaya patulugin siya saka mo siya hawakan. Madaming paraan, Aulora. Isa ka pa namang dyosa, pero hindi mo man lang naisip ‘yun.” “Naisip ko ‘yun, pero kasi nagiguilty ako sa tuwing ginagamit ko sa kanila ang kapangyarihan ko. Masakit para sa akin ‘yun. Para ko na ring sinasaktan ang mga kaibigan ko.” “Ikaw ang bahala. Lagyan mo na lang muna ‘yan ng oil para hindi gaano masakit ang ulo mo buong byahe. Saka magdala ka na rin ng jacket just in case na lamigin ka sa bus. Huwag kang mag-alala. Kapag nagutom ka, ay meron namang papasok na mga taong nagtitinda ng mga pagkain. Kaya hindi ka magugutom.” Tumungo na lang si Aulora at sinundan na si Lene. ** “Dito Azaiah!” tawag ni Xia kila Azaiah at Eliezar na may hawak na tray. Ang sabi kasi nila na dapat sama-sama na silang kumain sa cafeteria. Nang makaupo naman ang dalawang lalaki sa kanilang lamesa, ay napansin ni Eliezar na wala si Aulora at Lene. “Bakit wala sina Aulora at Lene?” tanong ni Azaiah. Naramdaman kasi niya na hinahanap ni Eliezar si Aulora. At kilala niya ang kaibigan niya na mahihiya itong magtanong. “May pupuntahan daw si Lene. Habang si Aulora naman ay masakit ang ulo,” sagot naman ni Nia. Hindi matanggal ang tingin ni Xia kay Azaiah dahil sa sobrang gwapo nito. Minsan naiinis din siya kasi palaging sina Lene ang tinatanong ng lalaki. “Ano ang nangyare kay Aulora? Bakit daw masakit ang ulo niya?” “Ang sabi niya sa amin, pagkagising niya lang daw ay masakit na ang ulo niya. HIndi naman niya sinabi sa amin kung ano ang rason kung bakit masakit nag ulo niya. Kaya hindi namin alam.” Naalala ni Eliezar ang boses ni Aulora kagabi. Naniniwala na siya na hindi ‘yun totoo dahil kung naheal niya si Aulora, ay hindi na masakit ang ulo non ngayon. “Kung may pupuntahan si Lene. E ‘di mag-isa lang si Aulora sa dorm niyo?” “Malamang, magulat ka kapag merong kasamang iba ‘yun sa dorm. Puntahan na lang natin siya mamaya pagkatapos ng school. Baka kasi matagalan si Lene sa pupuntahan niya. Kawawa naman ‘yun don.” ** Napaubo si Aulora nang makapunta sila sa tapat ng bahay nina Lene at sabay hawak sa kaniyang ulo dahil mas lalong sumakit ang kaniyang ulo. “Sigurado ka bang may tao sa loob ng bahay niyo? Baka nasayang lang ang pagpunta natin dito dahil walang tao ahh. Saka hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako sa tatay mo.” Huminga ng malalim si Lene at kinuha ang susi ng gate. Nang makapasok sila sa bahay, ay walang ilaw na nakabukas. Kaya medyo madilim. Ang ilaw lang nila, ay ang araw na nanggagaling sa mga bintana. “Sabi na nga ba walang tao rito e.” Pagkatapos na pagkatapos non sabihin ni Aulora, ay napatingin silang dalawa sa lalaking bumaba sa hagdanan. “Hindi mo man lang sinabi sa akin na bibisita ka pala.” Hinawakan ni Lene ang kaniyang noo nang maramdaman niyang lasing ang kaniyang tatay. Meron din kasing hawak na alak ng bote ang tatay niya. Simula noong bumalik siya sa pag-aaral, ay naging gan’yan na ang tatay niya. Nalalaman niya ang lahat ng nangyayare sa tatay niya dahil sinasabi sa kaniya ng kaniyang stepmom. Kahit hindi niya tanungin ang babaeng ‘yun, ay sinasabi pa rin sa kaniya. “Kailangan ko pa bang sabihin sa’yo kung bibisita ako?” “Siyempre, anak kita e.” “Hindi ko na kailangan sabihin dahil pupunta ako rito hanggat gusto ko.” Pinanood nilang dalawa ang lalaki na buksan ang mga ilaw ng bahay. Kaya umupo silang dalawa sa sofa. “Meron kang kasamang kaibigan ah. Sino na naman ‘yang kaibigan mo? Hindi ka pa ba nadadala? Hindi ba ang sabi ko sa’yo, ay huwag ka na maghanap ng kaibigan?” “Kakaibigan ko kung sino ang gusto kong kaibiganin at hindi ka dapat nangengeelam sa buhay ko. Ang problemahin mo ang buhay mo. Look at you right now. Para kang isang pulubi na walang piang-aralan. Fix yourself, Dad.” “Kailangan ko pa bang ayusin ang sarili ko? Buhay ko nga hindi maayos. Sarili ko pa kaya.” “Para kang bata.” “Nawala sa akin, Raelene. Ang mommy mo at ang stepmom mo.” “Iniwan ka ni Mom dahil hindi ka na nagbago. Palagi na lang sakit ng ulo ang binibigay mo sa kaniya. Hindi ko rin naman siya masisisi kung iiwan ka niya. Grow up, hindi ka naman iiwan ng stepmom ko kung walang rason.” “Bakit ka ba nandito?” “May kailangan akong malaman tungkol sa pamilya mo.” “Pamilya ko?” “Yes.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD