“Alam niyo ba kung saan tayo pwedeng kumain? Kanina pa tayo naglalakad. Gutom na gutom na ako. Halos nadaanan na natin ang mga nagtitinda ng mga kung ano-ano maliban lang sa mga pagkain.” tanong ni Nia sa kanilang magkakaibigan. Naglalakad kasi silang anim sa palengke dahil ang sabi ni Nia, ay mas masarap kumain kapag sa palengke raw nila makikita ang pagkain.
Wala namang alam si Lene at Aulora sa mga ganito. Kaya hinayaan na lag nila sila Nia.
“Ang alam ko may mga street foods dito e. Malapit na tayo ron kaya huwag na kayong mainip. Alam kong hindi na kayo makapaghintay makakain e,” saad naman ni Nia. Si Nia kasi ang maghilg mamalengke sa kanilang magkakaibigan kaya alam niya kung nasaan ang mga pagkain sa palengke. “Alam ko naman ang mga pasikot-sikot sa palengkeng ‘to. Nagtinda pa nga ako rito noon ng mga gulay para meron akong pera,” dagdag pa nito kaya napabuntong hininga na lang si Xia.
Sa dami ng hinakbang nila, ay sa wakas nakadating na rin sila.
Sobrang saya ng mga kaibigan niya, ay hindi niya na namalayan na merong mga maire na nakatingin sa kanila. Nagpapanggap ang mga ‘to na tao kaya hindi talaga mapapansin ni Aulora ang mga kalaban.
Kapag tapos na sila sa isang cart, ay sa kabila naman para lahat ay matikman nila. Iba’t ibang klaseng uri rin ng streets ang kinakain nila. Kahit ano ang makita nilang sa tingin nila masarap, ay ‘yun ang kinakain at binibili nila.
Nakakita sila ng table at upuan sa tabi ng kalsada kaya napagpasyahan nila na bumili na lang ng ibang pagkain na hindi pa nila na kakain o kaya pagkain na kailangan ng lamesa katulad ng pares at mami.
“Gusto ko mami at pares. ‘Yun na lang ang bilihin natin. Meron naman siguro non dito.” Naghanap silang lahat maliban lang kay Aulora at Lene na nagpaiwan sa upuan. Kapag kasi hindi sila umupo ron ay baka may kumuha.
“Wala ka bang nararamdaman?” Kumunot ang noo ni Aulora at tinignan ng seryoso si Lene.
“Anong nararamdaman? May nararamdaman ka ba?”
“Hindi mo napapansin na may nakatingin sa atin kanina pa? O sadyang napapansin mo, pero wala ka lang pakeelam?” Tumingin sa paligid si Aulora, pero wala siyang nakitang nakatingin sa kanila.
“Parang wala naman.”
“Hindi talaga titingin ‘yun dahil nakita ka nilang tumitingin sa paligid, pero kanina ramdam ko ang titignan ng ilang tao sa atin. Hindi ko alam kung sino sila, pero sigurado ako na merong nakatingin sa atin at hindi lang ‘yun dalawa kung hindi lima.”
Naisip tuloy ni Aulora na baka ang mga maire ang nakatingin sa kanila. Napatayo siya bigla nang maalala niya ang mga kaibigan nila.
“Sila Nia.”
**
“Ang yaman talaga ni Aulora ano? Grabe, pwede niya na siguro tayong buhayin,” nakatatawang saad ni Xia habang naglalakad silang apat sa kanto na dinaanan nila kanina. “Meron ba talagang mamihan dito? Napapalayo na tayo kila Aulora,” dagdag pa nito.
Kanina pa talaga dumadaldal si Xia dahil ang mga kasama niya ay tahimik lang. Hindi niya nga alam kung bakit tahimik mga ‘yun e. Simula kasi nong nawala siya kanina at nahanap niya ang tatlo, ay naging tahimik na ang mga ‘to. Nakailang tanong narin siya, pero hindi naman siya sinasagot.
“Hindi ba talaga kayo magsasalita riyan? Nagmumukha na akong tanga rito o. Buti na lang talaga at walang tao rito sa looban na ‘to dahil kung meron talaga sigurado ako na pagtitinginan na nila ako.
“Ano ba?! Hindi ba talaga kayo magsasalita?” Pagkaharap ni Xia sa tatlo. Imbis na makita niya ang mga kaibigan niya. Ang nakita niya ay ang tatlong halimaw na mas malaki pa sa kaniya.
**
“Nasaan na ba ang babaeng ‘yun? Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Nakailang beses na akong nagsabi sa kaniya na huwag humiwalay sa atin, pero ito na naman siya kumukulit. ‘Yan tuloy nasayang na ang oras natin kakahanap sa kaniya. Hindi na tayo nakahanap ng mami at pares kakahanap sa babaeng ‘yun,” inis na saad ni Nia pinagmamasdan ang kaniyang paligid.
“Anong oras ba siya nawala kanina?” tanong naman ni Azaiah na kakadating lang dahil hinanap niya sa loob ng palengke si Xia. “Wala siya sa loob ng palengke. Kaya baka nandito lang siya sa labas. Kailangan lang talaga natin maghanap ng mabuti dahil madaming tao rito,” dagdag pa nito kaya tumungo ang tatlo.
“Maghiwalay-hiwalay tayong lahat para mas madali natin siyang mahanap.” Tumungo ang dalawa sa sinabi ni Nia. Paalis na sana silang tatlo nang biglang tawagin sila ni Aulora.
“Lene, ikaw muna ang magbantay sa tatlong ‘to,” seryosong saad ni Aulora habang nakatingin sa dadaanan.
“Saan ka pupunta, Aulora!” sigaw ni Azaiah. Susunod na sana si Azaiah kay Aulora nang pigilan siya ni Lene. Hindi rin naman kasi lumingon si Aulora dahil seryoso pa rin ito sa paglalakad. Malakas din ang aura na naramdaman nila noong dumaan sa kanila si Aulora.
“Bakit parang may problema si Aulora?” tanong ni Azaiah kay Lene.
“Iba ang aura niya ngayon. Nakakatakot,” saad naman ni Nia. “May pupuntahan ba si Aulora? Hindi ka ba nalaman niya na nawawala si Xia?” dagdag pa nito.
Si Eliezar naman ay hindi matanggal ang tingin sa likod ni Aulora hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Kahit siya ay nagtataka kung bakit gano’n ang kinilos ni Aulora. Unang beses kasi nilang nakitang gano’n si Aulora.
**
Sumigaw ng malakas si Xia nang makita niya ang tatlong halimaw sa kaniyang harap at bigla itong nahimatay sa sobrang takot at kaba. Ang akala kasi ng babae ay sa panaginip niya lang nakikita ang mga ‘yun. ‘Yun pala ay sa totoong buhay din. Ang nakita niya kasing halimaw ay ang kinakatakutan niya sa mga panaginip.
Lalapit na sana ang mga maire nang biglang humarang si Aulora sa gitna nila na galing sa itaas. Agad niya namang kinuha si Xia at nagteleport sa walang tao na malapit kila Lene.
Hinawakan niya ang noo ni Xia para magalingin ang babae. Dahil sa ginawa niya ay nagising na ang babae. Takot na takot pa nga ang babae nang magising ito, pero pinakalman muna siya ni Aulora.
“Hindi mo ba nakita ‘yun, Aulora? Bakit tayo nandito? Hindi ba nasa kabilang looban tayo? Hindi mo nakita ang mga halimaw?” Hindi nagsalita si Aulora. Tumayo ito at hinawakan ang dalawang balikat ni Xia.
Tinitigan niya ang dalawang mata ni Xia, nang maging dilaw ang mata ng babae, ay inumpisahan niya na ang pagsasalita. “Naligaw ka lang at wala kang nakita. Ang sasabihin mo sa mga tanong nila mamaya, ay nawala ka dahil nakakita ka ng pagkain at napunta ka madaming tao na hindi mo na sila nakita.”
“Sige po.”
Nang maging normal ulit ang mata ni Xia, ay nginitian siya nito at hinawakan sa braso.
“Buti na lang nakita mo ako, Aulora. Kanina pa ako naghahanap sa inyo. Hindi ko naman alam kung saan na pupunta dahil ang daming tao. Nakakalito ang daanan talaga sa palengke. Tignan mo ngayon nasa looban tayo. Walang mga tao. Tara na nga hanapin na natin sila Nia. Baka nag-aalala na ‘yun sa akin. Saka papagalitan ako no’n kapag nakita niya ako. Nakailang sabi na rin kasi siya sa akin na huwag lalayo sa kaniya, pero lumayo pa rin ako.”
“Huwag ka na lang lalayo next time dahil napakahirap mong hanapin.”
“Sorry.”
Kung hindi sinabi sa kaniya ni Lene kung ano ang nararamdaman niya, ay baka hindi niya na naabutan si Xia na buhay. Buti na lang kami maaga siyang dumating at nalaman niya agad kung nasaan ang babae.
Kinabahan at natakot siya sa oras na ‘yun dahil ipinangako niya sa kaniyang sarili na poprotektahan niya ang mga kaibigan niya. Kapag hindi niya ‘yun nagawa, ay baka hindi niya mapatawad ang kaniyang sarili.
“Xia!” sigaw ni Nia nang makita niya si Xia na palapit sa kanila. “Saan ka ba pumunta? Tinakot mo kami. Ang akala nami, meron nang nangyare sa’yong masama. Buti na lang talaga nahanap ka ni Aulora dahil kung hindi baka palaboy-laboy ka na rito. Alam mo na ngang hindi mo alam kung saan ang daan pauwi. Sa susunod talaga hindi na kita isasama,” dagdag pa nito.
“Sorry na, naligaw kasi ako dahil nakakita ako ng pagkain kanina tapos pagkaharap ko sa inyo wala na kayong tatlo sa tabi ko. Hindi ko naman sinasadya eh,” pabebeng saad nito habang ginagalaw ang braso ni Nia.
“Anong ginawa mo kay Xia?” bulong ni Lene kay Aulora.
”Maya na lang natin pag-usapan. Mukhang hindi ito ang magandang oras para pag-usapan ‘yun sa madaming tao.” Hinawakan ni Lene ang braso ni Aulora at hinila ito sa medyo malayo kila Xia.
“Inalis mo ba ang memorya ni Xia?” Tumungo si Aulora bilang sagot. “Anong ginawa mo sa mga maire?”
“Hindi ko sila kinalaban dahil masikip ang looban kanina. Baka kung ano pa ang mangyare kay Xia kapag nakipaglaban ako sa kanila. Saka magtataka sina Nia kung hindi ako agad babalik kasama si Xia. Ayus na ba ang rason na ‘yun?”
“Bakit mo inalis ang memorya niya?”
“Dahil nakita niya ang mga maire. Nagpanggap ang tatlong maire bilang Nia, Eliezar, at Azaiah. Kaya ang akala ni Xia ang kasama niya, ay ang totoo niyang mga kaibigan, pero hindi. Kaya kailangan kong alinis ang memorya niya at sabihin kila Nia ‘yung sinabi ni Xia sa kaniya, Mali ba ang ginawa ko?”
“Tama ang sa akin lang, ay kailangan mo pa ring patayin ang mga maire na nakita mo dahil baka makasakit pa ‘yun ng ibang tao.”
“Hindi sila magdadamay ng ibang tao maliban lang sa mga kaibigan ko dahil ako ang gusto nilang makita patay man o buhay. Makikipaglaban ako sa kanila kapag malayo kayo para maayos ang kalagayan niyo.”
“Hindi ko kailangan ng protection mo dahil kaya ko na ang sarili ko.”
“Alam ko, pero hindi lahat ay kaya mo. Iba ang maire, Lene. Minsan kailangan mo ng kapangyarihan para mapaslang sila. Kaya kailangan mo ako. Huwag na matigas ang ‘yong ulo dahil wala ka namang magagawa.”
**
“Kahit anong gawin niyo. Basta nakukuha niyo ang pansin ng babaeng ‘yun, ay gawin niyo lang dahil hindi tayo titigil hanggat hindi siya nahuhuli at nabibigay sa ating panginoon.” Tumungo ang limang middle rank sa kanilang commander.
Nasa isang kalye sila ng napakadilim kaya walang makakakita sa kanila at kahit anong gawin ng mga tao, ay hindi sila nito makikita dahil sa kapangyarihan na ibinigay sa kanila ng kanilang panginoon.
“Sugudin niyo ang babae na ‘yun sa gabi para hindi niya makuha ang mga panaginip ng mga tao. At kapag hindi niya nakuha gagawa tayo ng magandang palabas para sa kanilang lahat.”
**
Nang makapasok sila sa kanilang dorm ay kusa ang mga katawan nila na humiga sa kama. Sobrang pagod kasi nilang lahat ay hindi na nila napansin na gabi na pala.
Si Aulora naman nang makita niyang natutulog na ang mga kaibigan niya, ay agad siyang pumunta sa bubong ng building para kuhain sana ang mga panaginip ng mga tao, pero hindi niya ‘yun nagawa dahil sumugod agad sa kaniya ang mga maire na dapat kinalaban niya na kanina pa.
Kaya pala may pakiramdam siya na may susugod sa kaniya dahil nasa tabi-tabi lang ang mga pisteng halimaw. Hindi talaga sila titigil hanggat hindi siya nakukuha o hindi sila napapaslang. Kailangan pa ata siya ang gumawa ng paraan para mawala ang mga maire na paulit-ulit nagpaparamdam sa kaniya. Minsan kaya nakakapagod nang makipaglaban. Lalo na’t hindi naman gaano kalakas ang kalaban mo. Biro lang ito naman. Minsan na nga lang magyabang.
“Pakisabi sa commander niyo. Wala siyang mapapala kung hindi siya ang makikipaglaban sa akin,” malakas na saad ni Aulora. “Alam ko na ang plano niyo.”
Itinaas ni Aulora ang kaniyang kamay at lumipad sa ere para hindi siya maabot ng mga maire na gustong-gustong hulihin niya. Kailangan niya pa ring makuha ang mga panaginip ng mga tao dahil kapag hindi niya ‘yun nakuha. Baka pumalpak ang trabaho niya at pagalitan pa siya ni Drimeathrya.
Nang magawa niya ang trabaho niya ay nagsummon siya ng sandata sabay kinalaban ang mga maire na kanina niya pa gustong patayin. Kanina pa kasi siya napipikon. Katulad nga ng sabi noon. Siya na lang huwag ang mga kaibigan niya,
Halos atake lang ang nagagawa niya dahil hindi naman makapalag ang kalaban niya dahil sa lakas ng pag-aatake niya. Gumagamit din siya ng teleportation para biglaan na lang siya magpapakita sa kalaban at agad itong papatayin o kaya susugatan kapag hindi siya nakakita ng daan para mapaslang ito.
Sinugod siya ng isang maire, pero hindi niya inaasahan na may susugod ulit na isa. Kaya ang ginawa niya ay binato niya ang kaniyang sandata sa nauna sabay tumalon ito ng malakas para kuhain ang sandata at mabilis na sinaksak ang papunta.
Nang makita niyang malinis na ang paligid, ay nilaho niya na ang kaniyang sandata at napabuntong hininga.
Katulad ng ginagawa niya palagi. Pumupunta siya sa bubong at tinitignan ang kagandahan ng kalangitan. Gusto niya sanang matulog na dahil sa pagod, pero ayaw niya pa.
Nagteleport na lang siya sa dorm nila Eliezar at hinawakan ang kamay ng lalaki. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman niya na bumalik ang enerhiya niya sa dati. Agad itong naging full charge. Hinding-hindi na siya magsisisi na hindi niya nilayuan si Eliezar dahil napakaimpotante sa kaniya ng lalaki.
“Thank you, for healing me again.”