“Hindi po nagwagi ang unang paglusob sa babaeng pinapabantayan niyo, aking panginoon.” Kininuyom ni Muzan ang kaniyang dalawang kamay dahil sa galit. Hindi siya makapaniwala na tinalo ng isang babae ang kaniyang low rank. Ang gusto pala ng babaeng ‘yun, ay ‘yung mahihirapan siya. Pwes kung gusto niya ng ganito. Wala siyang magagawa kung hindi ang ipadala ang middle rank.
“Simpleng babae lang ‘yun, pero hindi nila masugatan? Kausapin niyo ang mga maire dahil hindi pwedeng ganito sila. Kailangan nating mapatay ang babaeng ‘yun hanggat hindi pa sila nakakapasok dito.”
“Sa totoo lang po napagsabihan ko na po sila. Ito po ang nangyare sa laban kanina.” I[inakita sa hangin kung ano ang nangyare kanina sa laban ni Aulora at ang mga alagad niya.
Napangisi na lang siya dahil kahit ibang katawan ang babaeng ‘yun ay parang si Drimeathrya pa rin. Nakikita niya sa babaeng ‘yun si Drimeathrya at hindi mapigilan ang mapangiti.
“Meron po bang problema sa kaniya?”
“Siya nga si Drimeathrya. Kamangha-mangha talaga ang kapangarihan niya. Kahit nasa ibang katawan siy, ay gayang-gayang pa rin ng babae ang galaw ni Drimeathrya. Para na rin silang iisa. Hindi ako makapaniwala na ganito ang sasabihin ko sa kaniya, pero napakaganda ng kaniyang wangis. Kailangan mo talaga siyang madala rito dahil gusto kong makita ang wangis niya ng malapitan.”
“Yes, panginoon.” Habang pinapanood ni Muzan ang kaniyang tao na palabas, ay tumingin siya sa mukha ng babae sabay ngumisi. Hindi niya maialis ang tingin doon dahil sa sobrang ganda nito.
Alam niya namang maganda rin si Drimeathrya, pero mas nagagandahan siya sa katawan niya ngayon.
Basta ang nasa isip niya lang ay kung paano mapapatay ang babaeng ‘yun at dapat hindi ‘yun pakapasok sa mundo.
Ang tagal niya nang plinano na makuha ang mundo ‘to. Kaya hindi niya hahayaan na makuha ulit ‘to ni Drimeathrya. Nasa kamay niya na ang Dream World. Wala ng magagawa ang babae para makuha ‘to. Isa na siyang makapangyarihan na dyos at walang kung sino man ang makakatalo sa kaniya. Kahit ang babaeng sinapian ni Drimeathrya.
Hindi rin siya papayag na matalo. Kaya maghanda na ang babaeng ‘yun dahil bibigyan niya ito ng malupitang gera. Kung bigyan niya kaya palagi ng warning o sign si Aulora kung kailan siya magpapasugod ng alagad. Mukhang magadang idea ‘yan. Para matakot at mapraning ang babae. ‘Yun na lang ang gagawin niya para naman may magawa siya sa napakaganda niyang palasyo.
**
[Bakit pa rang nangayayat ka?] tanong ni Gloria sa kaniyang anak. Nakavideo call sila ngayon dahil namiss na ni Gloria si Aulora. Ilang linggo na rin kasi ang lumipas ng hindi niya pa nakikita ang kaniyang anak. Gusto nga sana nitong bisitahin ang kaniyang anak, pero madami pa silang gagawin sa kanilang kompanya at wala rin sila ngayon sa Pilipinas.
“Hindi ako nangangayayat, Mom. Sadyang nasa video call lang tayo kaya akala mo payat na ako. Wala namang nagbago sa akin. Ganito pa rin ako.”
[Wala ba talagang nangyayare sa’yo, anak? Hindi ka pa nagkekwento sa amin ng daddy mo. Baka naman may nangyare na sa’yo riyan. Sasabihin mo naman sa amin kung meron problema hindi ba?]
“Mom, you’re acting like a child again. Simula noong umalis kami sa bahay, ay walang nangyare sa akin. Kaya huwag ka pong mag-alala.”
[May aasikasuihin lang kami ng daddy mo, pero tatawag ulit ako ah.]
“Sige po.”
Pagkapatay ng tawag ay tumingin si langit si Aulura. Napakaganda talaga ng mga bituin. Lumipad siya papuntang bubong ng kanilang building at itinaas ang kaniyang kamay.
Noong nakilala niya si Drimeathrya, ay araw-araw niya nang ginagawa ‘to dahil katungkulan niya raw ang mag-alis ng masasamang panaginip sa mga tao. Tinuruan siya ni Drimeathrya kung ano ang dapat niyang gawin. Nagugustuhan niya rin naman ang trabaho niya dahil gusto-gusto niyang makitang umiilaw ang kaniyang kapangyarihan sa buong kalangitan.
Nang makuha ni Aulora ang bawat panaginip ng mga tao, ay agad siyang napangiti dahil mas madami ang magandang panaginip kaysa sa masasama.
Ang ginawa niya sa masasamang panaginip ay ginagawa niyang maganda. Kaya nga minsan ang mga panaginip natin, ay nag-iiba dahil ang gusto ng ating dyosa na lahat ng tao, ay masaya. Sino ba naman ang may gusto ng nakakakot na panaginip hindi ba? Lalo na ‘yun mga demonyo o kaya p*****n. Mas gugustuhin pa rin nating mapaginipan ang ating mga mahal sa buhay.
“Hindi talaga ako nagsisisi na ikaw ang pinili ko bilang kapalit ko. Hindi ko rin naman inaasahan na ikaw ang mapipili ko dahil kasama ko si Bathala ang nagdesisyon na ikaw ang piliin ko. Ang sabi niya sa akin na mas mabuti kung ikaw ang hahawak ng lahat ng sa akin dahil nararamdaman niya ang mabuti mong presensya. Kaya simula bata ka pa lang ay nasa katawan mo na ako.”
Humiga si Aulora sa bubong at pinanood ang mga parang wires na kulay gold sa kalangitan. Napakaganda talaga ng kaniyang kapangyarihan. Kaya nga minsan iniisip niya ay napakapalad niyang babae dahil sa dinami-raming babae sa mundo. Siya ang napili ni Drimeathrya.
“Thank you for trusting me, Drimeathrya.”
“Thank you for staying.”
Pagkatapos niyang gawi ang trabaho niya ay agad siyang pumunta sa dorm sabay uminom ng tubig. Nakuha kasi ng kapangyarihan niya ang enerhiya niya. Kaya napagod siya. Ayus sana kung kasama niya ron si Eliezar para lumakas agad ang enerhiya niya.
Bigla tuloy niyang naalala si Eliezar. Mahalaga sa kaniya ang lalaking ‘yun kaya hindi niya hahayaan na masaktan ito o kaya ang mga kaibigan niya. Kahit ilang kapangyarihan pa ang ilabas niya ay hindi siya papayag na mahawakan ng mga maire ang kaibigan niya.
**
“Bilisan mo ang kilos mo!” sigaw ni Drimeathrya. Sa panaginip kasi ni Aulora ngayon ay kinakalaban niya ang mga maire. Sa sobrang strict ng dyosa sa pagtuturo, ay nagagalit na ito.
“Binibilisan ko naman ang pakikipaglaban ah? Hindi pa ba mabilis para sa’yo ‘to?” saad naman ni Aulora. Kahit tumatambling ang babae para maiwasan ang mga atake ng maire ay nagagawa pa rin nitong magsalita.
Nahihirapan din kasi si Aulora kahit low rank ang kalaban niya ngayon, ay napakadami naman nito. Kung ilan ang napapatay niya mas lalo naman itong dumudoble. Naiisip nga ni Aulora na huwag na lang kalabanin ang mga maire dahil dumadami lang din naman ang mga ‘to, pero kung hindi niya ito kakalabanin, ay siya ang magiging kawawa.
”Huwag mong gawing biro ang paghuhusay, Aulora. Low rank pa lang ang kalaban mo, pero ang kupad mo na gumalaw. Magkaparehas na magkaparehas tayong makipaglaban, pero hindi naman ako gan’yan kabagal.”
Humugot si Aulora ng lakas sa hangin at agad na naglabas ng malakas na kapangyarihan sabay inilabas ito sa mga maire. Kaya naglaho ang mga maire na nagbabalak na lumapit sa kaniya.
Agad niyang ginamit ang speed power and teleportation sa mga maire na natitira. Seryoso niya itong pinagsasaksak. At nang matapos niya ‘yun, ay nakangiti siyang tumingin kay Drimeathrya na seryoso pa rin ang mukha.
“Iyon ba ang mabilis para sa’yo?”
“Hindi pa, may mas mabilis pa roon.”
“Kung may mas mabilis pa sa ginawa ko ngayon. Bakit hindi mo agad na iwasan ang atake ni Muzan sa’yo?”
“Hinayaan kong mangyare ‘yun, Aulora. Alam kong hindi ko kayang talunin si Muzan dahil siya ang lalaking minahal ko at alam ko rin na mangyayare ‘yun dahil napaginipan ko ang mangyayare sa akin. Alam ko na mamamatay ako sa braso niya at bibigyan ako ng pagkakataon I Bathala para makabangon ulit.”
“Ang ibig mo bang sabihin ay tanggap mo na mawala ka sa mundo mo at maibigay ang kapangyarihan mo sa iba?”
“Oo, kahit ayaw kong bitawan ang katungkulin ko, ay kailangan kong gawin dahil iyon ang parusa na binigay sa akin ni bathala. Wala akong magagawa kung hindi ang sundin ang hinaharap na nakita ko, Kaya ito ako ngayon, ineensayo ka para mas lalo kang lumakas at magkaron ka ng enerhiya sa dadating na laban.”
“Ayaw mong patayin si Muzan. Kaya hinayaan mong patayin ka niya.”
“Mali ang sinasabi mo.”
“Nararamdaman ko na meron ka pa ring natitirang pagmamahal kay Muzan kahit sobrang sama at dami na nang nagawa ng lalaking ‘yun sa’yo. Nakikita ko sa mga mata mo.” Umiwas ng tingin si Drimeathrya kaya lumipad si Aulora at pinantayan ang tangkad nito,
“Hindi ko na siya mahal. Gusto ko lang talaga maramdaman niya na minahal ko siya, pero kaya niya pala akong paslangin. Kaya niyang mabuhay ng wala ako.”
“Gumising ka na, Aulora. Alam kong may klase ka ngayon. Sabay-sabay na tayong pumunta sa school dahil nalaman kokay Eliezar na may umaalgid na m******s sa kanto natin,” rinig ni Aulora na sabi ni Xia.
Humikad siya at umupo sa kaniyang kama. Gusto niya munang magmuna-muna bago tumayo.
“Mag-almusal ka muna.” Ibinigay ni Nia ang isang mangkok na may nakalagay na champorado kay Aulora, “Masarap ‘yan lalo na kapag may gatas. Sure ako na magugustuhan mo ‘yan,” dagdag pa nito at blinower ulit ang buhok nito.
Pagkatikim niya naman sa pagkain, ay agad niya itong naubos dahil sa sarap. Para itong chocolate na may gatas. Ang dami niya pa lang pagkain na hindi niya pa nagtitikman at sana habang nandito siya sa mundong ‘to, ay matikman niya na.
“Gusto niyo bang magfood hunting tayo pagkatapos ng school?” Tumingin ang dalawang magkaibigan sa kaniya at agad na tumungo. Excite pa nga ang dalawa dahil libre ni Aulora.
Siguro naman masaya ang trip na ‘to.
“Isama natin sila Eliezar dahil alam naman natin na mahilig sa pagkain si Azaiah. Hindi dapat natin sila iwan.”
“Ang dami mong sinasabi, Xia. Hindi mo na lang aminin na may gusto ka kay Azaiah,” pang-aasar ni Nia sa kaibigan nito.
Nakita ni Aulora na tapos nang maligo si Lene. Kaya kinuha niya na ang towel niya sabay pasok sa loob ng banyo.