“Ano ‘yun?” Nakakunot na tanong ni Azaiah nang magising sila. “Ito ba ang sasabihin niyo sa amin?” dagdag pa nito at tinignan sina Nia at Xia na natutulog pa. “Ano ang ibig sabihin nito? Bakit pa sila natutulog?” “Kumalma ka muna, Azaiah,” mahinang saad ni Eliezar. Kaya tumingin si Azaiah sa kaibigan niya na may kunot sa noo at hindi maiwasan ang pagkakagulo ng kaniyang isipan. Ang dami niya nang tanong na gustong masagot, pero hindi niya alam kung ano ang itatanong. “Paano ako kakalma kung hindi ko alam kung ano ang nangyayare sa akin ngayon. Aaminin ko, meron akong kapangyarihan na hindi ko alam kung paano ako nagkaron. Kaya pwede bang sabihin niyo sa akin kung ano ang nangyayare ngayon? Alam niyo ba kung ano ang nangyayare sa akin?” Hinawakan ni Aulora ang noo ni Azaiah at pinatulog

