Napatingin si Aulora kay Eliezar nang marinig nilang may kumakatok sa kanilang pinto. “Buksan ko ba?” tanong ni Eliezar. Nagdadalawang isip pa kasi si Aulora kung bubuksan niya o hindi dahil hindi niya alam kung sino ang taong kumatok. “Hindi natin alam kung sino ‘yan.” “Malay mo si Lene.” Kumunot ang noo ni Aulora at inisip niya kung nakauwi na ba ang kaibigan niya o hindi pa. Hindi pa nakakadating si Lene? Pagkabukas ni Aulora ng pintuan, ay biglang bumungad sa kaniya ang kaniyang mga anak na masayang makita siya. Ano ang nangyayare? Meron ba siyang ginawa sa mga anak niya na magpapasaya sa kanila? “Ina,” rinig ni Aulora na saad ni Reyah. Kaya kumunot ang noo niya. Ano? Alam na nila na siya ang kanilang ina? Pero paano? Hindi naman niya sinabi at walang nakakaalam nito kung hindi

