Pumasok sa eskwelahan si Eliezar na init na init at basa ang ulo sa sobrang pawis. Hindi niya nga alam kung ano ang nangyayare sa kaniya dahil gumising na lang siya na pawis na pawis kahit ang fan naman, ay nakatutok sa kaniya at hindi pa naman maaraw nong gumising siya. Saka hindi naman siya ganito noon. Giniginaw pa nga siya sa tuwing dadaan ang madaling araw dahil nakabukas din ang kaniyang bintana para pumasok ang lamig ng hangin. "Ayus ka lang ba talaga, Eliezar? Parang masama kasi ang pakiramdam mo at pawis na pawis ka. Kahit naligo ka na, ay pinapawisan ka pa rin. Hindi pa naman mainit ah?" "Iyan din ang pinagtataka ko, Azaiah. Hindi naman ako pinagpapawisan noon at alam mo 'yun, pero ngayon. Sobra-sobra ang pawis na lumalabas sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayare

