"Lene!" sigaw ni Xia nang makita niya si Lene na naglalakad palabas ng paaralan. Lumingon sa kanila si Lene, pero tulikod ulit ang babae sa kanila na parang hindi sila kilala. "Nakakahiya talaga sa tuwing tinatawag natin siya. Parang hindi niya tayo kilala. Baka nga nagtataka na ang mga estudyante rito dahil tinatawag natin si Lene, pero hindi man lang niya tayo pinansin," naiinis na dagdag ni Xia. "Ano ba ang sinasabi mo riyan, Xia? Pinansin ka naman niya sadyang ayaw ka lang niyang kausapin dahil ang dal-dal mo. Saka alam mo naman si Lene, ay famous dito dahil sa ugali niya. Hindi siya magpapakita ng emosyon sa mga taong nakakakita sa kaniya. Maliban lang kay Aulora. Hindi pa nga natin siya nakikitang ngumiti e." Kumunot ang noo ni Xia dahil sa mahabang pag-eexplain ni Azaiah. Mas lalo

