Hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumasok sa utak ko nai-search ang pangalan ni Rivas. Bigla akong na-curious kung bakit ganoon na lamang kalaki ang tiwala ni Daddy kay Rivas. Mahabang panahon ang kailangang gugulin para makuha ang tiwala ni Dad kaya bakit sa isang lalaki ay pumayag silang ipagkasundo ako. Alam ko naman na mayaman si Rivas. At alam kong hindi ako ibibigay ni Daddy sa isang patapong tao. Naka-indian seat ako. Nakapatong ang unan ko sa aking hita habang ang laptop ay nasa harapan ko. Nakasuot ako ng pajama habang nasa gitna ng kama. Pinanindigan ko talaga ang pagtulog ko rito sa guest room. Mas malaki pa ito kaysa sa kama ko pero mas gutso ko rito kaysa sa kuwarto ni Rivas. Akala niya ba hindi ko napansin ang pagsunod niya nang tingin sa akin kanina habang pumapasok

