Chapter 62

1963 Words

“Teka nga. Teka nga!” Padarag kong inalis ang kaniyang kamay na nasa aking baywang nang makalabas sina Manang Betta at Manong Ben sa aming kuwarto. Halata sa mukha nila ang saya habang unti-unting sinasarado ang pinto. May kahinaan naman ang aking boses, baka nadiyan pa sa labas sila at nakikinig lamang sa amin. “Sino'ng may sabing dito ka matutulog, Rivas? This is my room. Doon ka sa kabilang kuwarto.” “Your room is nice,” pagbabalewala niyang ani saka iginala ang kaniyang mga mata sa apat na sulok ng aking kuwarto na halos kulay puti na lahat. Kung wala lang ang aking mga make up at ibang gamit ay baka maging puro puti ito. Nakaangat nang kaunti ang gilid ng labi nito. Hindi ko alam ngunit may nakikita akong amusement sa kaniyang mga mata. “Doon ka sa isang kuwarto.” Isang beses na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD