Magkasalubong ang aking kilay habang nakahalukipkip. Katabi ko si Rivas. Tahimik siya ngunit panay ang sulyap sa akin. “It looks like labag sa loob mo ang pag-alis natin, Alyzza…” I groaned when he mentioned my first name. Buhat nang magkausap kami ni Rivas iyon na ang tinatawag niya sa akin. Wala pang taong tumatawag sa una kong pangalan. Hindi naman special ang isang 'to. As if wala siyang ginawang kababalaghan sa akin noong isang araw. Hindi ko siya makausap tungkol do'n dahil nahihiya ako! Ibabalik ko sana noon ang halik niya ngunit humiwalay naman siya sa akin. Baka sabihin ng lalaking ito na patay na patay ako sa kan'ya kahit may babae siya. Helly, no! Malakas akong bumuntong-hininga, isinandal ang sarili saka tumanaw sa bintana nitong private airplane niya. Hindi pala kalbo o ma

