Seryoso ang aking mukha. Tuwid ang aking tayo sa harapan ng lahat ng tao. Naghihintay ang mga ito sa aking pagsasalita habang abala sa pagkuha ng litrato. Isang beses akong lumunok. Bahagyang ngumiti sa kanila ngunit agad itong naglaho. Wala akong ganang makipagplastikan sa lahat ngayon. Nandito lang naman sila para makitsismis sa akin. "My manager wants me to postpone my statement about these issues for days, but I refused. Hindi ko maatim ang mga kumakalat na fake news sa social media." Binasa ko ang aking labi gamit ang dila. Tanging maririnig lamang dito ay ang pag-click nila ng camera. "Sinabi ko na noon pa na wala kaming relasyon ni Jake but no one believes in me. His fans even bash me, accused, and curse me pero wala akong ginawa that time. Hindi na ako nagpumilit na maniwala ka

