Chapter 57

1324 Words

"Ano na namang kadramahan ang ginawa mo para makalusot sa paglalandi mo, Hope?" Napabuntong-hininga na lamang ako at napairap sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit napunta ako ngayon sa ganitong sitwasiyon. Galing lang ako sa isang restaurant upang makapag-relax naman mag-isa pero ayaw yatang mangyari sa akin iyon ng tadhana at dinala pa talaga niya si Ethyl dito. Kalmado akong nakatayo sa harapan niya, medyo malayo sa isa't isa. Naghihintay sa akin ang aking bodyguard sa sasakyan. May kadiliman ang buong paligid dahil hapon na. Buti na lang talaga walang tao ang dumadaan kung saan kami nag-uusap. Well we're not talking, sadyang epal lang talaga 'tong si Ethyl. Kung ako lang, ayoko siyang kausapin dahil sarado na ang isip niya pero kanina niya pa ako sinasagad. Trip niya yatang magin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD