Hindi ako makapaniwala na sa ibang lugar pa gaganapin ang aming kasal. Kung ako ang tatanungin, ayos na ang simpleng pirma sa contrata. Hindi na kailangan ipagdiwang ang kasal namin dahil hindi naman talaga ito totoo. Gumagastos lang siya nang malaki. Nag-aaksaya ng pera sa walang katuturang bagay. Malakas at problemado akong napabuntong-hininga. Hindi ito tumunog sa social media na aking ipinagtaka. Kaya walang sumusugod na reporter or journalist kapag lumalabas ako ng bahay. Siguro ay inayos na nina Mommy ang tungkol doon. Kahit sinong kaibigan ko, maging si Brian, ay hindi ko sinabihan tungkol dito. This is not my special day pero kayna Mommy parang ito na ang pinakamalaking event na mangyayari sa tanang buhay nila. Lumingon ako sa labas ng bintana. Kitang kita mula rito ang magandan

