"May curfew ka ba ngayon?" tanong sa akin ni Francine. Hawak niya ang aking baywang habang sabay kaming naglalakad patungo sa party. Pakinig mula rito ang malakas na tugtog. Kita ko na ngayon ang puno ng tao. Nagsasayawan ang iba habang may hawak na bote ng alak. Umiindayog kasabay ng tugtog. Naglakad lang kaming apat dahil malapit lang naman ito. Hindi rin ako nagreklamo dahil maganda nga na maglakad sa ilalim ng buwan. Hinahampas ng hangin ang aking mahaba at nakalugay na buhok. Patin na rin ang aking dress. Hindi naman ako nag-abalang hawakan ang laylayan dahil hindi naman ako makikitaan. Hindi kasi sobrang tumataas ang suot kong damit. "I don't have a curfew. Nagpaalam ako kay Manang Betta kanina," sagot ko kay Francine. "Who's that?" "Nanay-nanayan ko. Nanay na ang tingin ko s

