"Wow, Hope Smith, right?" habang nagniningning ang mata ng foreigner na babae nang makalapit kami sa lamesa niya. Kitang kita ang paghanga sa mukha nito. Nakaupo na sa tabi niya si Rivas at nakatingin pa rin sa akin mula noong papunta kami rito sa kanila. Tipid naman akong ngumiti at tumango sa babae. She's pretty, malayo man o malapit. Maganda rin ang katawan niya dahil fit na fit sa kan'ya ang crop top na suot. Nakikita rin mula sa kinatatayuan ko ang kaniyang cleavage! Nabiyayaan siya, ah! "Oh, my gosh. I can't believe it! My sister is very fond of you! Here, take a seat. Rivas said that we will have a double date," she said fluently. Halata rin sa boses niya ang excitement. Tumingin ang babae kay Rivas saka kinawit ang kamay sa braso nito dahilan ng pagtingin ni Rivas sa kaniya. M

