bc

Liking Series: Changing My Gay Actor

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
HE
neighbor
bxg
lighthearted
office/work place
virgin
actor
like
intro-logo
Blurb

Solane and Manuel are best friends. They're being called as the star best friends. Why? Because Solane and Manuel are both in the industry. Solane is a model and Manuel is an actor.

Everyone found chemistry between them but everyone knows chances of these two are going to be in a relationship is 0.5% because Manuel is gay.

But what is going to happen if something changes between them? What is going to happen if they share a kiss one drunken night?

Started: Thu, January 6, 2022

Finished: Sat, January 15, 2022

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 - Solane's POV - "Ayan, ayan!" Sigaw ng photographer na kumukuha sa akin habang ako ay ibinibigay ang best ko sa pag-pose. "Ayan! Perfect, perfect!" Malakas nitong sigaw. Pumalakpak ito at sinenyasan akong lumapit. Agad naman akong lumapit at pinakita nya sa akin ang mga litratong kinuha nya. "Napaka ganda po." Nakangiti kong sabi. Hindi ko naman alam kung anong nangyari sa photographer dahil bigla itong natulala sa akin. "Ayos lang po ba kayo? Namumula po kayo." Nag-aalala kong tanong. "A-Ayos lang ako." Sabi nito at bumalik na ulit ng tingin sa monitor at computer. "Nauutal na kayo, magpacheck-up kayo mamaya." Sabi ko at may kinuhang papel sa purse ko. "Ito, ohh. Puntahan mo ang brother-in-law ko para matignan ka nya." Sabi ko at lumapit na sa manager ko. "Nagamit mo nanaman ang kagandahan mo. Muhkang may bago ka nanamang alagad." Natatawang sabi nito. "Huh?" Naguguluhan kong tanong. "Wala. Sabi ko, napakaganda mo." Sabi nya naikinapula ng muhka ko. "H-Hindi naman po." Nahihiya kong sabi. Nakangiti naman itong umiling. "Ohh, tumatawag si Manuel sayo kanina." Sabi nito at binigay sa akin ang phone ko. Agad ko namang nakita ang marami nyang missed calls. Napailing ako dahil muhkang nabully nanaman sya. Ako nga pala si Solane Rosales. I'm 28 year old. I'm An model and, Manuel is my best friend. Simula bata pa kami ay talagang close na kaming dalawa. Kung ang ate't kuya namin ay parang mga aso't pusa, para naman kaming kambal na magkadikit palagi ni Manuel. Ako din ang unang taong nakaalam at nakatanggap na gay sya. Matagal na pero hindi ko parin maiwasang isipin, what if, hindi sya gay? What if, he's just confused? Pero dahil palagi ko syang kasama ay nahahalata ko din na gay talaga sya. Dahil muhkang may nangyari nanamang hindi maganda kay Manuel ay pumunta ako sa tambayan naming dalawa. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng condo na to at tinuturing namin itong hide-out. Pagkatapos naming mag-ayos ay hinatid nila ako sa bahay at agad akong sinalubong ng ate ko. Akay-akay nito ang mga anak nya na malapit nang mag-10 months next week. Agad akong lumapit sa kanila at binigyan sila ng tag-isang halik. "Hi, mga babies." Sabi ko at kumaway pa. "Ohh, hindi mo ba pupuntahan si Manuel? May nan-trip nanaman sa kanya kanina. Si Matias nga ang sumundo, ehh." Sabi nito. Napabuntong-hininga naman ako dahil sa nalaman ko. Nagbihis lang ako ng damit ko at agad na din akong pumunta sa tambayan namin ni Manuel. Alam ko kasing magpapkalasing nanaman iyon dahil sa nangyari sa kanya. Palgi nalang sya ang pinag-tri-trip-an, since high school. Pagdating ko sa loob ng condo ay naroon na sya at umiiyak nanaman. Hindi ko alam pero naawa nanaman ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tumabi ng upo sa kanya sa sahig. Agad syang yumakap sa akin at umiyak. "Shhh... It's ok, it's ok." Pagpapatahan ko sa kanya habang hinihimas ang likod nya. "A-Ayoko na, Solane. G-Gusto ko nang m-mamatay." Sabi nya. Agad kong kinuha ang muhka nya at pinagtingin ang mga mata namin sa isa't isa. "Hindi. Nandito pa ako. Kailangan kita." Sabi ko at ngumiti. "Pagod na pagod na ako, Solane. Sawang-sawa na ako sa ginagawa nila sa akin." Sabi nya. "Nandito lang ako, Manuel." Sabi ko at niyakap sya. Umiyak pa sya ulit ng umiyak at saka sya nakatulog sa balikat ko. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa kusina. Hindi pa ako kumakain simula kanina at alam kong kakain din ang isang iyon. Pagkatapos kong magluto ay sinilip ko muna sya bago ako tuluyang kumain. Nang matapos ako ay bumalik ako sa kwarto nya at tumabi sa kanya ng higa. Dahil busog ako, hindi ko mapipigilan makatulog. - Manuel's POV - Masaya ako ngayon dahil inimbitahan ako ng kaibigan kong si Alfred. Matagal na kaming magkaibigan at nagpapasalamat ako dahil hindi parin nya ako iniiwan at kinakamutan. Ang iba ko kasing mga kaibigan ay iniwan na ako sa ere. Ako si Manuel Flores. 27 years old. And, I'm gay. Bata palang ako ay alam ko nang babae ako sa loob ko. Nahirapan akong itago ito dahil narin sa mga paggalaw ko at kung ano-ano pa. Mas lumala ito ng mag-high school ako, masyado akong nabully. Dahil kumalat na sa buong mundo na bakla ako, naging tumpulan na nga ako ng tukso at madalas na din akong layuan ng mga taong homophobic. Mas lalo akong nahirapan dahil isa ding homophobic ang mga magulang ko. Kahit mga kapatid ko ay ilag din sa akin. Pero kahit na nilalayoan at iniiwasan ako ng marami, meron paring taong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Sya ang bestfriend kong si Solane, kahit mas matanda sya sa akin ay parang magkapatid lang kami. Parang mas bata pa ito sa akin kung gumalaw. Hindi sya immature pero kung kumilos ito ay para itong seven years old na bata. Napakahinhin, maganda, mabait, parang anghel na nga kung tutuusin. Kaya marami ding nagkakagusto sa kanya. Pumasok ako ng bahay nila Alfred at doon palang ay damang-dama ko na ang party. Dahil halos lahat naman ay hindi ko kakilala ay naging maayos ang pakiramdam ko. Pumasok na ako ng tuluyan sa bahay nila at hinanap sya. Nang mahanap ko sya ay naroon sya sa swimming pool nila, walang pang-itaas, at nag-iinom. Halatang lasing na din ito dahil sa paghalik nito sa mga babaeng nasa tabi nya. Lumapit ako sa kanila at gusto kong bumati. "Alfred." Tawag ko sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila at nasa akin ang paningin nilang lahat. "Sino yan?" Rinig kong tanong ni Alfred. "Yung bakla." Sabi naman ng katabi nyang lalaki. "Ikaw nanaman?" Tanong nito sa akin. Lumapit sya sa akin ay binigyan ako ng tingin na pinakaayoko sa lahat. Pandidiri. "You invited me, right?" Nakangiti kong sabi. "Huh. Do you really think I mean it? Do you still think we're friends?" Sabi nya at muhkang alam ko na ang mangyayari ngayon. Ito ang palagi kong iniiwasan. "B-Butーーー" "Ooowwwww!!!" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko at naging maingay ang paligid ng bigla nya akong buhusan ng inumin nila. Ako naman ay naistatwa sa kinakatayuan ko dahil sa gulat. Akala ko kasi ay hindi ito magagawa ni Alfred sa akin. Dahil may nagsimula na, nagsunod-sunod na ang tapon nila sa akin ng kung ano-ano. May nagtapon pa sa akin ng mga pagkain, tapos yung iba ay may kung ano-ano pang nakakadiri at slimy na pagkain o bagay na ipinahid sa akin. Maya-maya pa ay biglamg may tumulak sa akin sa pool. Mabuti nalang at mababaw lamg ito dahil baka nalunod na ako ngayon. Wala kasi akong makita. Dali-dali akong tumakbo papalabas ng bahay nila. Nang may nakia akong dumaan ay nakitawag ako sa kanya para masundo na ako ng kuya ko. Maya-maya pa ay dumating na din sya at nagpahatid nalang ako sa kanya sa bahay. Tahimik lang ako kahit ang dami na nyang tanong sa akin. "Ano ba kasing nangyari sayo? Bakit halo-halo ang amoy mo?" Tanong nito. Nandito ako ngayon sa backset dahil ang slimy na ipinahid nila s akin kanina ay dumi pala ng aso. Kadiri, diba? "Ayoko nalang pag-usapan." Sabi ko. Nang dumating kami sa bahay ay agad akong sumakay ng kotse ko at nagmaneho papunta sa tamayan namin ni Solane. Pagdating ko sa condo ay agad ko syang kinontact pero hindi sya sumasagot. Nalugmok ako doon at hindi ko apam kung ilang oras na akong umiiyak pero bigla nalang dumating si Solane. Agad syang lumapit sa akin at agad naman akong yumakap sa kanya. Hindi ko na din napigilang maiyak lalo. "Shh... It's ok, it's ok." Mahina nyang sabi habang tinatapik ang likod ko. "A-Ayoko na, Solane. G-Gusto ko nang m-mamatay." Sabi ko habang nauutal-utal pa dahil sa pag-iyak. "Hindi. Nandito pa ako. Kailangan kita." Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. "Pagod na pagod na ako, Solane. Sawang-sawa na ako sa ginagawa nila sa akin." Pagmamatigas ko. "Nandito lang ako, Manuel." Sabi nya pa at niyakap ako ulit. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa mawalan na ako ng lakas at makatulog nalang sa sobrang pag-iyak. Maya-maya pa ay nagising ako at natutulog na sa tabi ko si Solane. Dahan-dahan akong tumayo para hindi sya magising at agad akong pumasok ng banyo para maligo at magpalit ng damit. Pagkatapos ko at pumunta namana ko ng kusina. Nang dumating ako ng kusina ay may pagkain doon kaya kumain muna ako. Hindi ko alam pero parang napakasarap talaga magluto ni Solane. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang phone ni Solane kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag. "Si kuya?" Mahinang sabi ko at sinagot ang tawag. "Solane?" "Kuya." "Ohh, bakit na sayo ang phone ni Solane?" "Natutulog kasi sya, ehh." "Ahh, sige. Tawag nalang ulit ako mamaya." "Sige, kuya." Sabi ko at ibinalik na sa kung saan nakalagayang phone nya. Maglalakad na sana ako ulit ng tumunog ulit ang phone nya at ang tumatawag naman ngyon ay ang mommy ko. "Hello?" "Mommy..." Mahina kong sabi. "Where's Solane? I have to tell her something. Give her the phone." "She's sleeping right now, I don't think I canーーー" "Never mind, I'm gonna call her later." "Ok..." Mahina kong sabi. Hindi nya pa ito narinig dahil binababaan nya ako kaagad. Napabuntong-hininga ako at bumalik na sa kusina para iligpit na ang pinagkainan ko. Kakain pa sana ako pero nawalan na ako ng gana. Hindi pa ako natatapos sa paglilinis ay biglang sumulpot si Solane at tumabi ito sa akin. Naghilamos sya sa lababo kung saan ako naghuhugas ng pinagkainan ko at binigyan ko ng ngiti pagkatapos nya. - To Be Continued -

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook