Boss
"Hello! Date tayo bukas!" Sa energy pa lang ng kausap ko alam ko nang si Kevin to.
"May trabaho ako no! Di mo ko kasing yaman na pwedeng magliwaliw lang" Sagot ko
"Grabe ka naman Mary. Di ako nagliliwaliw nagpapahinga lang muna ko." Tila ba nagtatampong saad niya
"Joke lang no. Di ka pa rin talaga nag babago matampuhin ka pa rin. Haha" pang aasar ko pa
"Ikaw din. Di ka pa rin nag babago, mahal mo pa rin siya. Hahaha." Rinig na rinig konang lutong ng halakhak ni Kevin
"Hoy Kevin ah! Bahala ka nga sa buhay mo ibababa ko na to"
"Wait lang! Joke lang naman. Date tayo bukas, dinner lang after ng work mo? Sunduin kita?"
"Fine. Sunduin mo ko sa AdVoc. Alam mo naman siguro yon no?"
"Oo kaibigan ko yung anak ng may ari non. Sige na matulog ka na. Bye iyakin. Mwah!" Asar talaga tong taong to
Paano naman kaya ako makakatulog eh halos maghapon na akong nakatulog. Pabiling bilig ako sa kama ko pag tingin ko sa oras 3am na. Sht. May pasok pa ako. Zombie nanaman ako nito.
Nakatulog ako ng halos dalawang oras dahil kailangan ko nang gumayak para sa trabaho. Kahit antok na antok pa ko pinilit kong kumilos para hindi ma late.
"Good morning ma'am!" Bati sakin ng mga nakasalubong ko habang papunta ako ng office ko. Napahilot ako sa sentido ko dahil sa puyat.
"Sheena pabili ako ng coffee saka pancake" utos ko sa assistant ko. Nang makita ko ang isang tambak na files sa mesa ko napa buntong hininga nalang ako akala ko makkapag pahinga ako dito.
"Ma'am eto na po yung food nyo. May iuutos pa po ba kayo?" Tanong ni Sheena
"Wala na. Sige na gawin mo na yung trabaho mo" nginitian ko lang siya at nagsimula na din akong magtrabaho habang kumakain.
Nang sumapit na ang hapon naisipan kong lumabas at nagtaka naman ako kung bakit nag bubulungan.
"Sheena anong meron don?" Tanong ko sa screyary ko
"Ah Ma'am. Dumaan po kasi yung anak ni sir Adrian kasama yung kaibigan niya. Ang gwapo po pareho. Hay nako Ma'am kinikil-- ay ayan na po sila ulit." Napalingon naman ako sa gawi ng elevator at nakita ko nga yung anak ng may ari ng kompanya at si Kevin na naka ngisi
"Hey there my little Mary" Nakangising sambit ni Kevin habang papalapit sakin.
"Nako Kevin hah! Lubayan mo ko. Di mo ko madadaan sa ganyan." At ang loko hinalikan lang ako sa pisngi kaya napasuntok ako sa dibdib niya. Grabe ang tigas. Paano kaya nila napag sasabay ang gym at trabaho. Parehas sila ni Miguel well toned ang mga katawan. Tss.
"Haha pikon ka pa rin" Sagot niya "Oo nga pala, bro si Antonette kaibigan ko." Pagpapakilala niya saakin sa anak ng boss ko. Nginitian ko lang siya "Di na kita ipapakilala bro halata naman kilala ka na dito." Halakhak nanaman ni Kevin amng narining ko
"Hi Antonette, I'm Cedric. Walang kwenta talaga tong kaibigan kong to eh" Malalim ang boses ni Sir Cedric. Masarap pakinggan. Ano ba tong sinasabi ko. Nakipagkamay nalang ako sa kanya para mabali ang iniisip ko
"Bro pwede bang hiramin ko muna si Mary? Mag de-date kami eh. Haha. Pumayag ka na ah" parang bata talaga tong isang to kahit kailan
"Isip bata ka talaga." Oh diba! Parehas kami ng iniisip ni sir. "Sige, go ahead malapit na din naman mag uwian." Sabay ngiti niya. Ang cute may dimples. "It's nice to meet you Antonette. Hope to know you more" makahulugang pahayag ni sir Cedric bago siya tumalikod at magpaalam na aakyat na sa office ng daddy niya.
"Mukhang mag kakaroon ka ng bagong admirer Mary" Naka ngising pahayag ni Kevin
"Ewan ko sayo Kev. Jan ka na lang intayin mo ako kukunin ko lang bag ko." Sabay irap ko sa kanya. Dami talagang alam sa buhay nitong taong to.