Chapter 6

342 Words
Bestfriends Umuwi na din agad si Miguel after namin mag dinner. Nang naiwan akong mag isa sa condo, napaisip ako. Kailan ko ba simulang minahal si Miguel? Naalala ko dati nung unang kita namin kasama siya ni Christine sa coffee shop na palagi kong pinupuntahan. Ang sungit nung taong yon tinatarayan ako palagi. Naging madalas ang pagkikita namin dati sa coffee shop hanggang sa naging habit na ata namin ang pag punta doon. Palagi kaming nag she-share ng kung ano ano sa isa't-isa kahit walang kwentang bagay pinag uusapan namin. Hanggang sa dumating sa point na kahit saan magkabuntot kaming dalawa. Sa mga party, sa mga kalokohan. Pinakilala na din nya ako sa circle if friends niya, pati sya ipinakilala ko na din sa friends ko. Madalas kaming napag kakamalan dating mag boyfriend pero tinatawanan lang namin sila. Noong nakilala niya si Stephanie ako pa ang nag push sa kanya na ligawan niya si Steph. Kaya alam ko kung gaano niya kagusto at kamahal si steph. Noong pumasa si Miguel sa bar exam ako ang unang nakaalam, ayaw niyang tingnan ako results kaya ako ang tumingin para sa kanya. Masayang masaya siya noong panahong yon, dahil bukod sa pumayag na si Steph na manligaw siya kasali pa siya sa top 10 ng bar exams. Nakita ko kung paano nasaktan si Miguel noong umalis si Steph dahil kailangan niyang mag aral sa ibang bansa. Kahit nasasaktan ako dahil kitang kita kong sobrang nahihirapan na siya pinilit kong ipaliwanag ang rason kung bakit umalis si Steph. Noong bumalik si Steph ipinagpatuloy ni Miguel ang panliligaw niya, ako pa ang tumutulong sa kanya sa pag paplano ng magiging date nila ni Steph. Habang nag paplano kami para sa date nila, alam kong masama pero pinangarap kong ako sana ang nasa lugar ni Steph. Naisip ko noon na siguro sila talaga ang para sa isa't isa at kami? Hanggang matalik na kaibigan lang ang kaya. Pinilit kong kalimutan kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya. Naputol ang pag iisip ko nang biglang nag ring an cellphone ko. "Hello! Date tayo bukas!" Masayang bati ng nasa kabilang linya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD