Trying hard
Pagkatapos kong magdrama magdamag kay Kevin hinatid na niya ako sa condo ko. Sa sobrang pagod at puyat nakatulog na ako agad pag uwi ko.
Nagising nalang ako nang may kumakatok sa labas na para bang sisirain n yung pinto ng condo ko.
"Whta the fu--- Miguel? Ang aga aga naman nambubulabog ka!" Asar kong sabi kay Miguel. Anong oras na ba? Bat nandito agad to.
"Anong maaga ala una na! Saan ba kayo galing kagabi ni Kevin hah!? Dumaan ako dito kagabi wala ka pa din!" Halos sumigaw na si Miguel at halatang halata ang pag kainis sa mukha niya.
"Pumasok ka nga muna! Wag ka jan mag wala pwede ba! Kakagising lang nang tao sisigaw sigawan mo ko jan agad!" Pasigaw kong sagot sa kanya
"Saan ba kasi kayo galing?! Saka bakit ganyan mata mo?" Sht. Naparingin ako agad sa salamin. Mugtong mugto pala ang mata ko.
"Ah ano.. sa.. basta tumambay lang kami nag roadtrip. Ano.. sa puyat lang tong mata ko." Hirap na hirap akong humanap ng idadahilan ko sa kanya
"Nakakainis ka, edi sana nag celebrate pa tayo kagabi dahil finally napasagot ko na si Steph tapos sumama ka kay Kevin." Umasa pa ako. Umasa akong nag aalala siya sakin kaya sya nagagalit na di ako nakauwi kaagad.
"Sorry na. Babawi ako sa susunod, patulugin mo muna ako please?" Pagod na ako. Physically and emotionally. Baka pag may sinabi pa si Miguel di ko na mapigilan ang sarili ko.
"Okay fine. Tara tabi tayo, namimiss na kita eh" malambing niyang sabi. Masaya na ako, kahit kaunting atensyon lang niya. Masayang masaya na ako.
Natulog kami ng magkatabi, nakasanayan na namin 'to dati pa. Wala naman nang yayari samin kahit yakap wala, malaki naman kasi ang kama ko kaya kasyang kasya kami.
Pagkagising ko wala na sa tabi ko si Miguel. Umuwi na rin siguro, or nakipag kita sa girlfriend niya.
Lumabas ako ng kwarto nang nag iinat inat pa. Pag tinging ko sa oras 6pm na. Ang tagal ng tulog ko. Nagulat ako nang may biglang nag salita galing sa gilid ko.
"Hey buti gising ka na. Mas malakas ka maghilik ngayon ah" Humalakhak naman siya na para bang nang aasar pa.
"Tse. Ikaw nalang nakikitulog nag rereklamo ka pa."
"Nag luto ako. Kumain ka na." Napangiti naman ako. Lagi niya akong pinagluluto, dati dadalin niya lang dito yung mga niluluto niya kasi wala naman akong lutuan.
"Anong niluto mo Atty. Miggy? Masarap ba yan?" Pang aasar ko sa kanya
"Mas masarap ako." Kinindatan niya ako at mabilis na tinalikuran
Habang kumakain kami hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. He looks really happy.
"Ang saya mo no?" Tanong ko
"Yup! Last night was the best night of my life." Napapikit ako ng mariin. Im trying my best not to show what I feel.
"Nakakainggit! Sana magka boyfriend na rin ako!" Masigla kong sambit para maitago ang nasasaloob ko
"Anong boyfriend! Bawal ka pa no!" agad na sagot no Miguel
"Hoy matanda na ko no. Kapal nito, pag nagka boyfriend ako pipili ako ng deserving. Haaaay" binatukan ako ni Miguel. Kainis
"Sabihin mo sakin pag may nagugustuhan ka na hah? Gusto ko ako ang unang makaalam." Kung alam mo lang Miguel.