Chapter 2

388 Words
Kamuntikang kilig Habang nag aayos ako ng binili kong electic stove sa kitchen sumunod pala sa akin si Miguel. "Oh asan kapatid mo?" Tanong ko nang mapansin kong hindi niya kasunod si Christine "Tumawag si mommy nagpapasama sa kanyang magpa spa" Sagot 'nya "Kita mo yung taong yon di manlang marunong magpaalam" Sambit ko "Finally naisipan mo ding bumili ng gamit dito sa kusina mo. Magaral ka na nang hindi puro fastfood laman ng tiyan mo." Sermon nya sakin "Heto na nga po diba? Turuan mo na nga lang ako kesa sinesermonan mo ako jan" Para kaming na co-cooking lesson ngayon ni Miguel, halatang naiirita na sya sakin dahil sa pag hihiwa pa lang palpak na ako. "Ano ka ba naman Antonette maghihiwa lang ng gulay di mo pa kaya, kababae mong tao daig pa kita." Tiningnan ko sya namg masama "Baka naman kasi nag aaral pa lang magluto diba Atty.? Nakakainis ka" Patampo kong pahayag. At the age of 25 naging abogado na si Miguel and he is now working sa isa sa pinakamalaking firm dito sa Pilipinas. At his young age masasabi ko nang successful sya sa field niya. Me on the other hand, I'm working as an HR Professional. "Sorry na. Pano na lang kung maging mag asawa tayo diba? Ako nalang ba lagi ang mag luluto?" Napasinghap ako sa sinabi nya "Joke lang. Hahaha. Di tayo pwede may Stephanie na ako!" Yung kilig na naramdaman ko kanina biglang humupa. Parang may sumakit sa dibdib ko pero di ko nalang pinansin. Nabigla lang siguro ako sa sinabi nya "Speaking of Stephanie, tagal mo nang nanliligaw sa kanya ah wala pa rin?" Tanong ko "Malapit na nararamdaman ko na. Oo nga pala, she invited us sa launch ng magazine na siya yung cover. She wanna see you daw" Steph is a model. Masasabi kong mabait si Steph pero may pagka b***h din. Madalas ko na syang nakasama at naging close na din kami dahil kay Miguel "Kailan? Wala akong damit. Tinatamad ako." Sa totoo lang ayoko talagang sumama. Minsan kasi na fi-feel ko hadlag ako sa kanila "Sumama ka na! Don't worry I'll provide your dress. Please?" Lagi naman eh. Para ko na ngang naging supplier ng damit tong taong to sa dalas ng party na inaattendan nya na ako ang kasama "Fine. Pero uwi ako agad pag na bored ako." "Okay. Alam kong di mo matitiis tong gwapo mong bestfriend. Loveyou Toni" Hinarap nya ako sa kanya at hinalikan ako sa noo. TANGINA! NATULOY YUNG KILIG KO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD