Chapter 3

440 Words
Bomb Today is Saturday at ngayon ang launch ng magazine ni Stephanie kaya naman hindi ako kumuha ng overtime sa trabaho. Kailangan ko makauwi agad para makapag ayos na. Nung nakaraan pa kami bumili ni Miguel ng damit na susuotin ko sa party. Isang red dress na above the knee ang napili ko. Pag kauwi ko ng condo nag ayos na ako, marunong akong mag make up sa sarili ko kaya hindi ko na kailangan pang pumunta ng salon. 6:30 nang matapos akong magayos at 7 pa ang usapan namin ni Miguel kaya na nood muna ako ng TV. Di ko namalayan nakatulog pala ako ng nakaupo, nagising na lang ako nang marinig kong may tumatawag sakin. "Hello" Inaantok ko kong sabi "What the hell Mary Antonette! Kanina pa kita tinatawagan bat ngayon mo lang sinagot!" Nagising ako bigla sa sigaw ng nasa kabilang linya. Nang tingnan ko yung caller na pa sht nalang ako nakalimutan ko may party nga pala "Sorry nakatulog ako. Nasan ka na ba? Mag 8pm na ah" paliwanag ko "Akala ko kung ano na nangyari sayo. I'm with Steph right now ako ang sumundo sa kanya. Dadaanan ka nalang namin jan" Kaya naman pala ang tagal nya "Okay. Intayin ko na lang kayo sa baba." Pagkasabi ko non binaba ko na yung phone. Tumingin muna ako sa salamin bago ako bumaba at tumungo sa lobby para intayin sila After 10 minutes nakita ko na ang sasakyan ni Miguel sa entrance kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa sasakyan para di na nya ako tawagan. Syempre sa likod ako sumakay dahil nasa harap si steph. "Hi!" Masiglang bati sakin ni Steph "You look sexy in that dress" kinindatan pa niya ako "Thankyou! Congratulations nga pala." Nginitian naman nya ako at nag thankyou din. Kahit nag tatampo ako kay Miguel hindi ko kayang mainis kay Stephanie dahil mabait naman sya sakin. "Sabi ko sayo wag yang dress na yan bilhin natin eh. That's too revealing" paninita ni Miguel sa suot ko "Tatay naman minsan lang to. Sexy ko nga daw sabi ni Steph eh." Pang asar na sagot ko "Stop calling me tatay. Di kita anak" Init ng ulo nito "Then stop acting like one" balik kong sagot "Hep! Calvin, hayaan mo na yang bestfriend mo, ano ka ba di na bata yan" Natatawang paninita ni Steph ka Miguel Ako lang ang tumatawag kay Miguel sa 2nd name niya. Ewan ko ba, ang cute din naman ng Miguel parang pang proffessional kaya nasanay na rin ako. He is Calvin Miguel Sarmiento. Minsan pag iniinis ko sya Miggy ang tawag ko sa kanya, tagumpay naman lagi syang pikon. "Oo nga pala Calvin. I have something important to tell you later" nakangiting sambit bi Steph. Bigla akong kinabahan sa sasabihin niya na para bang isa yong bomba na anumang oras ikakasira ko kapag sumabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD