3

467 Words
I'm so pissed! Kung may choice lang ako para paalisin siya dito sa farm, matagal ko ng ginawa. Kung may alam lang ako sa farming at kung pinagkakatiwalaan lang ako ni papa sa bukid, baka naetsapwera na siya dito. Pasalamat siya, wala pa akong interest sa farming ngayon dahil kung nagkataon, hindi na namin kakailanganin ang tulong niya! "Alis na tayo para maaga tayo makabalik. " si Sancho nang pinuntahan niya ako sa kwarto ko matapos kong magwalk-out sa kwarto niya. My nerves are calm now. Kung galit pa ako ngayon sa nangyari kanina, baka kanina ko pa siya sinigawan dito. Tumango ako sa kanya at tahimik na nilagpasan siya para magtungo sa sasakyan na gagamitin namin. I don't want to open my mouth and say something to insult him. I know I will regret that later. Ramdam kong nakasunod lang siya sa akin at panay ang sulyap sa pananahimik ko. Gusto ko man ipakita sa kanya ang iritasyon ko pero alam kong walang maidudulot na mabuti ang pagpatol ko sa pang-aasar niya. Palagi na lang akong napapahiya! Mas gugustuhin ko pang tiisin ang pagtitig niya kaysa sa gumawa na naman ako ng isang bagay na magpapahiya sa akin. Pumasok ako sa shotgun seat habang si Sancho naman ay sa driver seat. Gamit namin ngayon ang isang Isuzu Truck na madalas na ginagamit ni papa sa paghahakot ng tanim o ng binhi. Kita kong nakatingin sa akin si Sancho nang umupo siya sa tabi ko. Tinapunan ko siya pabalik ng naiiritang tingin. Ano bang problema nito? "What?" magkasalubong ang kilay ko, iritado sa kanya. He smirked. "Hindi tayo aalis hangga't hindi ko nasisigurado ang kaligtasan mo. Safety first. Magseatbelt ka" aniya Sa hindi ko malaman na dahilan, biglang kumulo ang dugo ko sa kanya. "Paano kung ayaw ko?" pagmamatigas ko Ngumisi siya. He crossed his arms at sumadal sa upuan niya. "Kung ganon, hindi tayo aalis. Bahala ka. Ikaw din mapapagalitan sa papa mo kapag hindi pa nakadating dito ang mga binhi" panakot niya Suminghap naman ako at kinalma ang sarili. Bakit ba ako naiirita sa kanya? He just want me to wear my seat belt. That's all. Ano bang mali doon? "Heto na! Tss." Padabog kong sinuot ang seat belt ko at bumaling muli sa kanya, nakataas na ang kilay. "Ayos na?" Humalakhak siya at pinaandar na ang sasakyan. Umiling naman ako at tumingin sa labas ng bintana, naasar sa presensya niya. He's so f*****g annoying! "Wag ka masyado nagsusungit, mas lalo kang nagiging cute sa paningin ko. Sarap mo tuloy halikan" bulong niya sa huling sinabi kahit nadinig ko naman. Iritado ko siyang nilingon. "What did you say?" nanliit ang mata ko I know what I heared. It's crystal clear. Humalakhak siya at umiling. "Wala." aniya habang bakas pa din sa labi niya ang ngisi. Hindi ko alam kung paano ko natiis na kasama siya sa buong byahe. Buti na lang at maganda ang view sa labas ng bintana. The sun is still giving its marvelous ray in the afternoon and the green trees are standing tall along the stretch of the farm road. Ilang oras lang ang lumipas, hindi ko namalayan na nakadating na pala kami sa Tarlac. Even without the radio music, the view outside the window is all enough to ignore his annoying presence while we're at the road. I'm so thankful that he's quiet and serious while driving the truck. "Pirmahan niyo lang po dito" sabi ng isang staff sa pinagkuhanan namin ng binhi nang nakadating kami sa store nila. Nakita kong hinahakot na ang mga sako-sakong binhi papunta sa truck namin. Tumulong din si Sancho sa pagbubuhat ng mga sako at mukhang napabilis sila dahil sa kaniya. Tss. May silbi din pala ang pagsama niya dito. Binalik ko ang tingin sa pinipirmahan at binasa muna sandali iyon. Tumawag na si papa sa akin kanina tungkol dito bago pa kami makadating sa store. He said that I should read the paper first before signing it. Pinirmahan ko na ang papel nang masigurado kong ayos na iyon. Nagpasalamat muna ako sa staff bago hinarap si Sancho na abala ngayon sa mga sako. Lumapit ako sa mga natitirang binhi na nililipat nila at akmang tutulong sa pagbubuhat nang napansin ako ni Sancho. Nagsalubong agad ang kilay niya sa balak kong pagtulong. "Mabigat 'yan. Kami na lang ang magbubuhat. Pumasok ka na sa sasakyan, hintayin mo na lang ako doon." he said coldly using his calm voice. Kumunot ang noo ko at nainsulto sa sinabi niya, kahit alam kong hindi naman ganon ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam kung anong parte sa sinabi niya ang nagpa-insulto sa akin pero hindi ko nagustuhan yung pagkakasabi niya. Ang dating kasi sa akin, mahina ako at hindi sanay sa pagbabanat buto! Hindi ako mahina no! Imbes na gawin ang inutos niya, humarap ako sa mga sako at sumubok na magbuhat ng isa. Mabilis ang paghinga ko sa iritasyon dahil sa pagmamaliit niya. "Zoren! 'Wag! s**t!" pagpigil ni Sancho sa akin pero huli na ang lahat. Marahas kong binuhat ang isang sako gamit ang dalawa kong kamay. Sa sobrang inis ko at sa determinasyon kong patunayan kay Sancho na kaya kong magbuhat ng mabigat...na malakas ako at hindi mahina tulad ng iniisip niya, hindi ko napansin na tumagas na pala ang binhi sa lupa dahil nabutas ko pala iyon sa sobrang panggigigil kay Sancho. Napasinghap ako nang madinig ko ang unti unting pagkapunit ng sako. Natigilan ang lahat ng tao sa paligid nang sumabog ang hawak kong binhi at tuluyang nahulog ang laman sa lupa! Napatingin ang ibang staff sa akin at nagbulungan sila. May nadinig pa akong isang babae na pinagtawanan ako. "Cute sana siya kaso lampa." "Oo nga. Nagmamagaling kasi akala mo naman kaya niya." bulong ng isa pang babae. Sa sobrang kahihiyan ko, tumakbo na ako papasok sa truck at nagtago doon. Ilang sandali lang ay pumasok na din si Sancho sa tabi ko at pinaandar na ang sasakyan paalis. Hindi na ako nagsalita sa buong byahe pauwi namin kahit gusto kong pagbuntungan ng sisi si Sancho. Kasalanan niya ito! Kung hindi niya ako minaliit, baka hindi ako napahiya sa mga tao doon! Nanatili lang ako nag-iisip ng palusot habang nasa byahe kami, kung sakaling papagalitan ako ni papa sa ginawa kong kahihiyan sa store. Matalim kong tinignan si Sancho. Tahimik lang siya at hindi niya ako inasar. Focus lang siya sa minamaneho niya at mukhang wala yata siyang balak magsalita. Hindi ko alam kung anong nangyari o kung anong sinabi ni Sancho kay papa pero pagdating namin sa bahay, nag-eexpect ako na papagalitan ako ni papa. Pumunta ako sa office niya sa hapong iyon dahil pinatawag niya ako. Namumutla akong pumasok sa loob at hinanda ang sarili sa sermon pero nagulat ako na hindi nangyari. Imbes na sermon, iba ang dumating. Sinalubong ako ni papa ng ngiti niya. "You did a great job, son. Nabawasan kahit papaano yung mga iniisip ko. Salamat." tuwang tuwa si papa sa akin, niyakap pa ako. "Huh?" Hindi ko magets ang nangyayari. "Dahil sa'yo anak, hindi ko na iniisip ang mga binhi. Isa din kasi iyon sa mga inaalala ko. Buti ma lang at nagvolunteer ka" Awkward akong tumawa. "W-Welcome, pa. Anytime." Masayang bumalik si papa sa swivel chair niya at nagpatuloy sa pagtatrabaho. "Take a rest, anak. Mukhang napagod ka sa byahe. Salamat ulit" Confuse of papa's reaction, tumango ako at nagpaalam na sa kanya para bumalik na sa kwarto ko at magpahinga. Sa sobrang pagod ko sa araw na iyon, nakatulugan ko na ang pag-iisip tungkol kay papa. Naalimpungatan ako dahil sa tawag ni mommy sa phone ko. It's eight o' clock in the evening at alam kong sa mga oras ito ay papasok na siya sa work niya. Paumaga na sa Los Angeles ngayon. Binuksan ko ang camera ng phone ko para sa videocall. Kinamusta lang niya ako at yung mga ganap dito. Nakwento ko sa kanya yung nangyari kanina sa store. I expected that she will be worried about me but instead she laughed at me. "Mommy!" ngumuso ako sa pagtatampo. Tuwing naalala ko ang nangyari kanina, mas lalo akong nafufrustrate. Mas gusto ko tuloy ngayon uminom ng beer hanggang sa malasing ako at makalimutan ang kahihiyan. "Bakit naman kasi binuhat mo pa? 'Yan tuloy..." bumunghalit muli siya ng tawa. Bumusangot naman ako. Ilang sandali lang ay natigil si mommy sa pagtawa at bahagyang sumeryoso, naisip niya yata ang balak kong paglalasing. Mommy knows that if I'm on my frustrated self or kapag may tinatakasan akong kahihiyan, umiinom ako ng alak para makalimot. "I know that look, Zoren. Stop that thought now." Nagtaas ako ng kilay. "What?" nang-aasar kong tanong, nakangisi na. Si mommy na ngayon ang sumimangot. "Oh please, alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Zoriel Renzon Meritt-Gonzalo! " pagtataray niya Mahina akong humalakhak, nagkunwaring walang alam. "What?" painosente kong tanong Mommy rolled her eyes. "If you're planning to get drunk tonight, please don't get wasted. Pakonti konti lang, Zoren. I'm begging you, anak. 'Wag kang pasaway. You're doing wild things when you are drunk." Tumawa naman ako sa paratang niya. "No, I'm not!" I denied, kahit alam kong maloko nga ako kapag lasing. Umirap siya at mas natawa ako sa reaksyon niya. "Nakalimutan mo na ba yung ginawa mo last month noong nalasing ka sa party na pinuntahan mo dito sa LA? Oh my gosh! Hindi ko alam kung anong gagawin ko that time! Gusto na kitang itakwil bilang anak ko! You dare to kissed my boss' son! Pasalamat ka't open minded siya dahil kung nagkataon, baka nabugbog ka na no'n! Or worst, napakulong!At hindi lang yun isang beses, you even kissed the US President's nephew!" naghisterya na si mommy, tila hindi niya maproseso ang mga ginawa kong kalokohan. Humalakhak na lang ako at pinakinggan ang sermon niya. "If you want to drink beer or alcohol tonight, ask your father to drink with you. Don't drink alone." paalala niya. Tumango ako. "Yes, mom" kahit hindi ko alam kung sasamahan nga ba ako ni papa tonight. He's busy and I know that he needs to wake up early tomorrow to plant seeds to our farm. Alam kong hindi niya pauunlakan ang anyaya ko. Besides, drinking alone, peace and quiet at the veranda, is more better than having a company. Naghabilin lang si mommy sa akin ng ilang paalala bago siya nagpaalam. When she ended our video call, bumaba na ako para kumain muna ng dinner sa dinning room bago maglasing. Si Rosana ang naghapag ng pagkain para sa akin. Mag-isa lamang ako sa mahaba naming mesa. "Si papa kumain na ba?" tanong ko kay Rosana nang pinagsalin niya ako ng tubig sa baso ko. Tumango siya, naramdaman ko ang pagka-tense niya sa akin. "Opo, kanina pa, sir. Pinahatid niya sa office niya ang pagkain." Tumango ako at nagsimula ng kumain. Papa is working so hard to maintain our family business and the farm. Minsan naaawa na ako sa kanya dahil subsob siya sa trabaho. Buti na lang at may kasama siya sa pamamahala dito. Kahit papaano, nababawasan ang pagkainis ko kay Sancho, kapag naiisip kong malaki ang naitutulong niya kay papa. I'm in the middle of enjoying my kare-kare with bagoong, when Rosana spot someone from my behind. Nakatalikod ako sa entrance ng dinning room kaya hindi ko nakita kung sino ang pumasok. "Oh nandito ka na pala Sancho, halina, upo na! Paghahapag kita ng makakain" si Rosana, nabuhayan ang diwa mula sa kaninang pagkataranta sa akin. Napatingin ako kay Sancho na kakapasok lang. Tumingin muna siya sandali kay Rosana, ngumiti at sandali itong kinausap, bago bumaling sa akin. Umupo siya sa harap ko. Nanatili naman akong tahimik habang sumusubo sa kinakain. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Ilang sandali, bumalik si Rosana dala ang pagkain ni Sancho at masayang hinapag sa harap nito. Ngumiti si Sancho kay Rosana at nagpasalamat. Nagsimulang kumain si Sancho ng tahimik. Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa kanya at isipin ang iba't ibang dahilan ng pagkairita ko sa kanya. Looking back, I don't really remember the time when my annoyance towards him started. I just know that I don't like him because he makes me feel so uncomfortable and irritated to myself. He makes me think that he has more power over me. That he's the dominant here and the predator! But thinking with reasons now and with blind judgements, I just realized that he didn't do anything bad to me at all. He's just really a teasing person and he respects our family so much, specially papa. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya nang napansin yata ang pagtitig ko. Umiling ako at tumingin sa pinggan ko. I don't really know what to say to him. Dapat ba akong may sabihin sa kanya o mag-alok ng kahit ano? Ah! I remember! Umiinom kaya siya ng alak? "May gagawin ka ba bukas?" tanong ko bigla, out of nowhere. Napakunot siya ng noo, bakas ang gulat sa tanong ko. Napakurap kurap siya ng ilang sandali, hindi makapaniwala sa pag-approach ko. Kalaunan, napaisip siya ng isasagot sa akin. "Marami...pero sa tanghali pa iyon. Pinapa-inspect lang ni papa mo yung kamote farm niyo bukas ng umaga. Bakit mo natanong?" si Sancho, gulat at hindi pa din yata siya makarecover sa tanong ko. Umiling ako at naramdaman kong uminit ang pisngi ko. "Wala naman. Uhmm...umiinom ka ba? I mean ng...alak?" tanong ko Nakita kong napasinghap siya at naging mas naging seryoso, nawiwindang sa mga pinagsasabi ko. He clenched his jaw and he looks more dark and serious now than his usual. Umiwas ako ng tingin at napabuntong hininga. Ayaw niya yata... "Kung ayaw mo, si Rico na lang yung aayain--" "Gusto ko." sagot niya sa malalim at namamaos na boses. Kalmado akong tumango kahit naghuhuramentado na ang puso ko. "S-Sige, sa v-veranda tayo?" nauutal kong alok. Mas maganda kasi doon. Presko at maganda ang night view. He nodded darkly. "Kain lang ako tapos inom na tayo" malamig niyang sabi at nagsalin na ng tubig sa baso niya para uminom, tila nauhaw sa mga tanong ko. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD