4

545 Words
Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang naglalakad kami papunta sa veranda, hawak ko ang dalawang shot glass. Nakasunod naman si Sancho sa akin, hawak naman ang dalawang bote ng hard liquor sa magkabilang kamay. Ako ang pumili ng iinumin naming alak ngayong gabi. I chose Jack Daniels because that's the only hard drink I know we have on our liquor rack. Besides, papa don't drink it. Hard drinks are only served for our alcoholic vistors when there's a home party. Minsan, kapag nandito ako, ako ang umiinom. Muntik pa kaming mag-away ni Sancho kanina dahil sa pagpili ng alak. Pinigilan niya ako sa gusto kong inumin. But I'm too persistent to get drunk and wasted tonight. Pinasadahan ko ng tingin ang liquor rack na puno ng iba't ibang uri ng alak. Naghanap ako ng pweding magpalasing sa akin. Jack Daniels is our hardest drink we have here, I think? "San Mig Light na lang sa'yo." sabi ni Sancho nang dinampot ang isang light drink para sa akin. Nagtaas naman ako ng isang kilay sa kanya at gustong matawa. "Seryoso ka ba? San Mig Light? Anong akala mo sa akin...mahina?" iritado kong saad. This is why I don't like him. Pinaparamdam niyang mahina akong tao. He treats me like I'm some fragile glass that any moment of his time, I'm gonna break into pieces. I don't like that! "Wag ka ng makulit. Heto na lang inumin mo." pag-alok niya sa hawak niyang light drinks. Imbes na pakinggan siya, tumalikod ako sa kanya at kinuha ang gusto kong alak. "I want Jack Daniels! Kung ayaw mo nito, bahala ka! Hahanap na lang ako ng ibang kainuman." deklara ko. Naglakad na ako palabas para hanapin na si Rico o si Arthur. I'm sure hindi sila kill joy tulad ni Sancho. Matutuwa pa 'yung mga 'yon kapag inalok ko sila ng inuman. Naramdaman kong sumunod siya sa akin. "Tigas talaga ng ulo nito." dinig kong bulong niya kahit nadinig ko naman. Humarap ako sa kanya at nagtaas ng isang kilay. Nakasimangot naman niyang kinuha ang dalawang bote ng Jack Daniels sa kamay ko. I couldn't help but to flash my victory smile. Papayag din naman pala, pinahirapan pa ako. Tss. "Kumuha ka na ng baso natin. Hihintayin kita dito." aniya At ayun nga, sumunod ako sa utos niya. Kumuha na ako ng shot glass sa kabinet ni papa at sabay na kaming naglakad papunta sa veranda. This isn't the first time that I drink with someone. To be honest, hindi ko na mabilang kung ilan. At kung susubukin ko man bilangin, baka abutan pa ako ng siyam-siyam. Way back in LA, I used to go in both public and high-end bars with my American friends, Dalton and William. We drink all night and flirt with girls. We even tried bar hopping to three exclusive clubs in the city. We also experienced gate crashing to different night parties just to filled our thirst for alcohol. Ngayong iniisip ko na magpapakalasing ako kasama si Sancho, pakiramdam ko hihimatayin ako sa sobrang kaba. Why do I feel this way? Diba dapat expert na ako sa inuman? Why am I so nervous? I'm not a beginner! Tinignan ko si Sancho. He looks calm and cool. He doesn't look nervous at all. f**k! Binuksan ko agad ang ilaw sa veranda ng makadating kami. Nilapag ko ang shot glass sa lamesa at binuksan ang glass door na konektado palabas sa garden. I pressed the button on the side which opens the glass ceiling above, presenting the celestial view of the stars embedded beautifully on the night sky. Umihip ang preskong hangin papasok sa veranda mula sa glass door. Napangiti ako. This is perfect. A perfect night to drink with...tinignan ko si Sancho at napangisi... ...my most hated person. Nakita kong nakatingin sa akin si Sancho, tahimik at madilim ang mukha, habang nakaupo. The two bottles of Jack Daniels are already served on the marble table, waiting for us to drink them. Lumapit na ako at umupo sa isang upuan malapit sa kanya. Nakasunod naman ang tingin niya sa akin. "Let's start?" excited kong anyaya, dinig ang malakas na kabog ng aking dibdib. "Tss..." he hissed. Tumingin siya sa kalangitan at bumuntong hininga, tila naroon ang kasagutan kung paano mapakalma ang sarili. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sarili ko, natutuwa ako dahil stress na stress siya sa pag-inom namin. Nagsalin ako ng alak sa bawat shot glass namin habang nag-iisip ng topic na pwedi naming pag-usapan. Ang boring naman kung wala kaming pag-uusapan diba? "How's your papa? Is he doing fine?" I asked unconsciously. Mula noong nalaman ko na nagkasakit si tito Alejandro, hindi ko na nasundan ang mga nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung okay na ba ito o nakarecover na. I attempted to asked papa about uncle Alejandro but we were always interrupted with his hectic schedule. Hindi ko naman matanong si Sancho noon dahil bukod sa hindi naman kami close, ay naiirita ako sa kanya. He took his shot and drink it without hesitation. Kita kong nalukot ang mukha niya sa tindi ng alak. Dumaan panandalian ang malungkot na ngiti sa labi, bakas ang pag-aalala para sa ama na may sakit. "Okay na siya. Sabi ng doctor, kailangan niya pang magpahinga pero maayos na daw ang kalagayan niya at kailan na lang talaga niya ng konting panahon para makarecover" he said, with his serious tone. I smiled genuienly. "That's good to hear. I wish sana magtuloy tuloy na" I sincerely meant it. Ininom ko ang shot ko. Naramdaman kong humagod ang alak sa lalamunan ko. I tried my best not to react from the taste of it but it really is, too, strong! I love it! Nilingon niya ako at ngumisi, kahit may kadiliman sa mata. "Malaki ang utang na loob at pasasalamat namin sa papa mo. Kami ni mama. Kung hindi dahil sa mga doctor na pinapadala niya para i-check si papa, baka lumalala na ang sakit niya." Nagsalin ulit ako ng shot para sa kanya. Kinuha naman niya iyon at ininom. Nagsalin din ako para sa akin. "Tito Alejandro has been faithful employee to our family. Naging mabait siya sa akin at isa siya sa mga nag-alaga sa akin noong bata pa ako. Kapag may problema si papa sa farm o sa pagitan nila ni mama, siya palagi ang tinatakbuhan niya. Naging mahalaga na din si tito Alejandro sa pamilya namin. Tinuring na din siya ni papa bilang matalik niyang kaibigan. Hindi na bilang empleyado o trabahador namin." sabi ko at ininom ang shot ko. Tumango si Sancho habang bakas ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko. "Nahihiya nga kami ni mama sa inyo dahil sobra sobra na ang nagawang kabutihan ng papa mo sa amin." Tinignan ko siya. He really looks sincere to his word. "Bakit naman?" Nilingon niya ako. Agad namang nagtagpo ang mga mata namin. Sinubukan kong tagalan ang titig niya pero napaiwas din ako ng tingin kalaunan, hindi ko na nakayanan. "Nagpadala ang papa mo ng private nurse para alagaan si papa." bunyag ni Sancho Doon napabalik ang tingin ko sa kanya. "Talaga?" I know papa. If he cares for someone, he'll provide and help his friend when they are in need. Tumango si Sancho sa akin. Nagpatuloy ako sa pag-inom ng shots. "Isa din 'yon sa dahilan kung bakit gusto kong magtrabaho sa farm niyo...kahit ngayong nagpapagaling lang si papa sa sakit niya at bakasyon naman sa school." Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "Nagsaliksik muna ako bago sumabak dito sa farm niyo. Pinag-aralan ko pa kung paano alagaan ang isang bukid. Gusto ko, kapag nagtrabaho ako, matuwa kahit papaano sa akin si sir Ansel. Ayaw ko siyang madisappoint. Gusto kong suklian yung ginawa niyang kabutihan." sabi niya, nakatitig na ngayon sa sahig. Tumango ako at sumang-ayon sa kanya. Now I know his reason why he wanted to work for us. Akala ko noon, nagmamagaling lang siya. Gusto lang pala niyang suklian ang ginawa ni papa para sa kanila. Hindi ko namamalayan, sunod sunod na pala ang paglagok ko ng alak. Hindi ko na nabigyan si Sancho ng shot. I started to get tipsy at umiikot ang paningin ko. Magsasalin na sana ako ng panibago para sa akin nang pigilan ako ni Sancho. "Tama na 'yan. Tignan mo oh, namumula ka na" aniya, inagaw ang baso sa akin. Bumusangot ako at dinampot ang bote ng Jack Daniels para uminom pa. Hindi pa ako lasing! "Nagsisimula pa lang tayo!" sabi ko at nilagok ng inom ang bote. Mabilis na inagaw ni Sancho sa akin ang alak. Napadaing naman ako sa iritasyon. "KJ ka!" Hindi pa nga ako nalalasing eh! Tss. Naging seryoso naman ang mukha ni Sancho, naiirita yata sa akin. Kung naiirita siya, wala akong pakealam! Sinubukan kong agawin ang bote mula sa kanya pero mabilis niyang nailayo iyon sa akin. Tinignan ko siya ng masama. Umiling lang siya sa akin. "Hindi ka pweding malasing baka ano pang gawin mo..." aniya Ilang sandali lang, natigilan siya at tila may naalala. Kita kong napailing siya sa sarili dahil sa mga naisip. Sinubukan ko muling agawin ang bote sa kanya pero mabilis siya. "Akin na 'yan!" "Hindi pwede." si Sancho, kalmado ang mukha. "Pag hindi mo binigay yan, hahalikan kita, kita mo!" pasigaw kong banta Magkasalubong naman ang kilay niya nang napalingon siya sa akin dahil sa banta ko. Kalaunan, umiwas siya ng tingin at biglang namula ang tenga niya. Naningkit naman ang mata ko dahil sa reaksyon niya. "Nakwento na ni papa sa'yo yung mga ginawa ko sa LA no? Kapag lasing ako?" I accused. Hindi malayo na mangyari iyon. Papa trust him the way he trust tito Alejandro. O baka higit pa. Naalala ko tuwing nalalasing ako noon at nakakagawa ng kalokohan sa LA, agad bubungad ang sermon sa akin ni mommy kinabukasan. Magbabanta siya na isusumbong ako kay papa kahit alam kong tatawag din siya dito sa Pilipinas para talaga isumbong ako. Napangiti ako, tila nababaliw na sa katotohanang maraming alam na detalye si Sancho tungkol sa akin. "I'm sure kahit deepest darkest secret ko, alam mo na?" I said, sarkastiko ang ngiti. Hindi siya kumibo. Nanatili lang magkasalubong ang kilay niya, hindi nagustuhan ang tono ko. I knew it! Kung ganon, wala pala akong maitatago sa kanya? Uminit ang pisngi ko at tinawanan lang iyon imbes na pagbuntungan ko na naman siya ng panibagong iritasyon. We're here to have fun. Hindi para mabad trip. "Tss." si Sancho, naiinis yata. Mas lalo akong natawa. I like this scenario much better. Sancho being pissed at me, this is heaven! I laughed more to provoke him. "At masaya ka pa talaga sa mga kalokohan mo?" umiiling siya, kita ang pagiging disappointed niya sa akin "What?" painosente kong tanong, natatawa. Sumimangot naman siya at ininom ang boteng ininuman ko kanina. Nakatikom naman ang bibig ko, todo pigil ako sa tawa. Tinignan niya ako ng masama at binagsak ang hawak na bote sa lamesa. "Sumasakit na nga ulo ng parents mo sa'yo tapos tinatawanan mo lang" patuloy niyang sermon. Nagsalin siya ng shot para sa kanya at ininom iyon ulit. Mabilis din akong nagsalin ng shot para sa akin pero sumalubong sa paningin ko ang nagbabanta niyang tingin. Ngumiti ako at hindi nagpaawat. Ininom ko pa din ang shot ko kahit nakakamatay na ngayon ang tingin niya. "Tigas ulo...tss." Mas lalo akong naeexcite dahil sa frustrated niyang mukha. Kinuha ko ang pagkakataon ns iyon para uminom ng uminom hanggang sa maubos ko ang isang bote at halos masuka na ako sa tindin ng alak. I'm in heat! My sanity is shaking. The alcohol inside me is already incharge now. Tumawa ako at tumayo, naligalig sa nararamdaman kong init. I feel hype! I feel like my system is active! Uminit pa lalo ang katawan ko. I want to release this heat. I need music! "I want to dance!" sabi ko at binuksan ang speaker sa veranda na nakareserve para sa outdoor parties namin. I connected my phone to the speaker using bluetooth and put my playlist into life. Nagsalubong kilay niya habang nakatingin sa akin, at tila agila siya na nakaantabay sa bawat galaw ko. I laughed more, leaving my sanity away from myself. The loud music starts to indulge the whole area around us. Napasigaw ako sa sobrang excitement at nagpatatalon talon, kasabay ng beat ng kanta. Tuloy tuloy lang ang pagsayaw ko. Madilim ang mukha ni Sancho habang hindi naman ako mapirma sa sobrang kasiyahan ko. I smirked and walk near him while dancing. "Let's dance! Tara, samahan mo akong sumayaw" hinila ko siya mula sa pagkakaupo niya. I don't want to see people getting bored because of my company. Even though he's no fun to be with because he's a probinsyano and he's not used to this kind of thing, I want him to atlease have fun with me. Kahit ngayong gabi lang. Umiling si Sancho. "Ayaw ko. Hindi ako sumasayaw"aniya, nanatili sa kanyang upuan. "Boring!" I said I stick my tongue out and gave him thumbs down. Nagsalin ako ng shot sa akin at mabilis na ininom iyon. Baka pigilan pa ako ni Sancho no! Sayang ang shot! Tumawa ako at napasigaw nang naramdaman ko ang init sa lalamunan dahil sa ininom na alak. Patuloy pa din ako sa pagsayaw. Tumayo si Sancho para agawin sa akin ang aking shot. "Tama na 'yan. Wag ka ng uminom. Sumayaw ka na lang." mariin na pakiusap niya at nilayo na sa akin ang inumin. "You're so boring!" sigaw ko Lumabas siya para itago ang alak. Ilang sandali lang, bumalik din siya habang hawak ang pitsel na may tubig at baso. Tumalikod ako sa kanya at sumayaw sa tugtugin. This is boring! Wala na akong alak! Nilayo na ni Sancho mula sa akin. Umupo muli si Sancho sa kanyang upuan at binantayan ako. Bumusangot naman ako dahil pinagsisihan kong inaya ko siyang uminom kasama ko. Sana pala, ako na lang mag-isa. The music continues. Pumikit ako at dinama na lang ang pagsayaw. Ilang sandali lang, may naisip akong kalokohan sa kanya. I smirked devilishly. Tinignan ko si Sancho na seryoso pa din nakatitig sa akin. Humanda ka sa gagawin ko. Sisigurado kong pagkatapos ng gabing na 'to, hindi mo na gugustuhing makita pa ako ulit. I've took my phone on the table and search for any sexy stripping music. Nang makahanap ako, I played it immediately. Nagsimula ang kanta. Tumawa ako at tinaas ang kaliwang kamay para kunin ang atensyon niya. "Hey, Alesandro..." I called his full name using my sexy voice. I want to be a stripping teaser tonight, a macho dancer. Like those men from Magic Mike. Kita kong mas lalong nagdilim ang mata niya, seryoso na ngayon at wala ng kahit anong humor sa mukha. Ngumisi ako at mabagal na naglakad papalapit sa kanya, nang-aakit. Mabilis ang kabog ng dibdib ko pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong asarin siya. Walang makakapigil sa akin. "Anong ginagawa mo?" tanong niya sa malalim at madiin na boses, magkasalubong ang kilay. Nagsimula akong gumiling sa harap niya, ninanamnam ang bawat galaw. Pinipigilan ko ang tawa ko dahil sa ginagawa. I need to be focus here! I need to be more sexy, attractive, and irresistable in his eyes. Paharap akong umupo sa hita niya habang gumigiling. Magkalapit na ngayon ang mukha namin dahil sa pinili kong posisyon. Ramdam ko na sa pisngi ko ang paghinga niya. Natawa ako nang nakita kong stress na siya at nahihirapan habang nakatingin sa akin. Which boost me more to dance sexily on his lap, and to tease him more. I want to witness his embarrassed face in close up look. That would be a great scenery for me. "Zoren...tigil mo na 'to, please..." he said in hoarsed voice, almost begging. I bit my lower lip to seduce him convincingly. It looks effective. Kita kong napatingin siya sa labi ko at napalunok. My seducing power has effect on him! Ngumisi ako ng tagumpay. This is great. Makakaganti na din ako sa kanya sa pamamahiya niya sa akin! Humawak ako sa matigas niyang balikat habang nakapatong ako paharap sa hita niya. I slighly brush my body on him to tease him...to feel me. "Zoren..." nagbabanta na ang boses niya, namamaos at nahihirapan. That's more like it! I want that! Nilapit ko ang mukha ko sa kanya para sana kunwari halikan siya pero mabilis niyang iniwas ang mukha niya sa akin habang nakagat sa pang-ibabang labi...nagpipigil. "Oh come on, Alesandro!" mahina akong humalakhak. Nadinig ko ang mahina niyang pagmura. Hindi siya makatingin sa akin. "Lagot ako kay sir Ansel nito..." bulong niya sa sarili. Ngumuso ako at kunwari nalungkot sa ginawa niyang pagtanggi sa halik ko. "Gusto ko lang naman ng kiss mo. Bawal ba?" I asked innocently habang nakanguso ang labi, nagpapacute sa kanya. Madiin siyang napapikit, tila nagdasal na. Humalakhak pa ako dahil doon. He looks helpless now. Kita ko ang unti unting pagpula ng tenga niya. I noticed that when he's shy or blush, the first reaction that comes into red is his ears. Minulat niya ang kanyang mata para tignan ako ng masama, nakabawi na sa pang-aakit ko. "Wag mo kong niloloko ng ganito, Zoren. Hindi nakakatuwa" Hindi ko pinansin ang nagbabanta niyang boses. Hinayaan ko siya. Mas gusto kong ganito siya, nahihirapan sa pagtitimpi sa akin. Marahan kong pinadausdos ang daliri ko sa katawan niya. Naglakbay iyon simula sa kanyang leeg pababa sa kanyang abdomen. His body stiffened, reacting sensitively to my touch. "Hindi kita niloloko." sabi ko habang pinagmamasdan ang katawan niya. Everything about him screams power and authority. I couldn't help but to praise his body. He really is, indeed, mascular and manly. Inangat ko muli ang tingin ko sa mukha niya. Unang bumungad sa akin ang maumbok niyang labi. Sandali akong napatitig doon at tila nahipnotismo. I suddenly felt the urge to kiss his lips now, for real. Nakaka-akit. It looks so soft, so tender and... Nilapit ko ang mukha ko sa kanya para halikan na talaga siya pero mabilis niya muling iniwas ang kanyang mukha. This time, may ibang effect 'yon sa akin. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan at nairita na sa kanya, unti unting kumukulo ang dugo ko dahil hindi ko matanggap ang ginawa niyang pag-iwas sa halik ko! Bahagya akong nasaktan. "K-Kung ayaw mo kong halikan, hahanap na lang ako ng iba na willing halikan ako!" I shouted angrily, to save my face from humiliation. I was about to stand up from his lap and willing to find someone who can really kiss me, when suddenly...he pulled me back to my position on his lap, snake his arms around my waist and claim my lips gently as if it's his world. Hindi ako agad nakahinga dahil sa halik niya. Hindi ako naka-react. I appreciated his gentle arms around my waist. Dahil kung wala 'yon, baka dumausdos na ako pababa dahil sa panlalambot. Napapikit ako nang gumalaw ang labi niya. Humawak ako sa balikat niya para kumuha ng lakas doon at sabayan siya. Nagulat ako nang niyakap niya ako ng mahigpit sa bewang at mas pinalalim ang halik. Sa pagkakatanda ko, ako ang boss at ang nagmamanipula sa kanya. Hawak ko siya sa leeg kanina. Why does it turns out that I'm in his trap now? Naghabol kami pareho ng paghinga nang naghiwalay ang labi namin. Nakalimutan yata naming huminga dahil sa mainit na halikan. Mapungay ang kanyang mga mata, animo'y napagod, habang patuloy sa pagtaas-baba ang kanyang dibdib mula sa paghingal. Kalaunan, ngumisi siya sa akin. "Mula sa gabing 'to, hindi ka na pweding humalik ng ibang lalaki bukod sa akin." deklara niya, tila inaangkin ako. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD