"Sandali...a-ano? Hinalikan ka nino?" tanong ni Dylan habang magkasalubong ang kilay.
Hindi yata nagsink-in sa kanya ang mga sinabi ko.
Nang nabalitaan ko ang pag-uwi niya dito kagabi mula sa Guagua, hindi ko na hinintay pang sumikat ang araw at sinugod ko na siya ng madaling araw sa kanila.
Madilim pa sa labas nang umalis ako sa bahay para maglakad papunta kina Dylan.
Nang nakadating ako sa tapat nila, pinagmasdan ko ang kanilang isang two storey house na walang pintura at tila kinapos sa materyales.
Compare sa bahay namin na medyo spacious at modern dahil sa ginawang renovation, ang bahay nina Dylan ay maliit lang at simple. A typical house in province.
"Ano nga ulit sabi mo?" he asked, lumapit na siya sa akin para mas madinig ako ng malinaw.
Huminga muna ako ng malalim at bumuntong hininga bago ako humarap sa kanya para ulitin ang sinabi ko.
"Sancho kissed me last night." I confessed again.
And for the f*****g third time, nasabi ko ulit ang katotohanang iyon! I can't believe it! Everytime I think of it, rumirehistro sa utak ko ang mukha ni Sancho habang...hinihingal siya at pagod sa halikan namin. f**k!
That bastard kissed me last night! He took advantage of me at our house veranda with open curtains and f*****g lights on! Kung may napadaan man kagabi sa garden, siguro akong nakita na nila ang mainit naming pagpapalitan ng halik!
"Hinalikan ka ni Sancho?" tanong niya, kinokompirma mula sa akin, hindi pa din naniniwala.
Iritado akong tumango, nakukulitan sa paulit ulit niyang tanong.
"Yes! That Sancho guy na golden boy ni papa!" inis kong sabi, hindi na napigilan ang pagtaas ng boses.
Tumango tango si Dylan at tila kinompose ang lahat ng mga narinig na impormasyon mula sa akin.
Nandito kami ngayon sa living room nila at dito namin naisipan mag-usap. Mas ligtas man dito sa loob pero halos pabulong lang kami naguusap, baka kasi magising namin yung parents niya na natutulog lang sa kabilang dingding.
Pinasadahan ko ang pamilyar na living room na hindi nagbago ang ayos sa pagdaan ng panahon. They still have their three old black sofa on each corner at isang lumang TV na nasa malapit sa curtainless nilang bintana.
Nakaupo kami parehas ni Dylan sa mahabang sofa nila.
The sun is still rising. Nang umalis ako kanina, madilim pa. Ngayon, sumisilip na ang liwanag.
"Okay linawin natin ang lahat..." Dylan started.
Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.
"Ang sinasabi mo...inaya mo ng inuman si Sancho kagabi para mag-cease fire na sa iritasyon mo sa kanya at balak mo nang kilalanin siya tulad ng pagkakakilala ng papa mo sa kanya. Tama?" he asked, waiting for confirmation.
Tumango naman ako, naiirita pa din sa paulit ulit niyang pagtatanong. Tumango din siya at nagpatuloy.
"Nang nalasing ka, sinubukan mo siyang akitin pero bigla mong nararamdaman sa sarili mo na gusto mo siyang halikan? Tama?" diretsa niyang tanong, naghintay muli ng kompirmasyon mula sa akin.
Uminit ang pisngi ko at naalala ang eksenang iyon.
Mapungay ang aking mata habang nakaupo ako paharap sa hita ni Sancho at nakayakap ang mga kamay ko sa leeg niya. Hawak naman ni Sancho ang bewang ko, inaalayan ako ng mabuti. Magkalapit ang mga mukha namin, pinagmamasdan ang mukha ng bawat isa. Hanggang sa kalaunan unti unting naglapit ang aming mga labi. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.
Sancho's pouty lips started to press against mine. I felt him right away. Napapikit ako. His lips continously rubbed at mine...he's so soft and tend--
Wait...what the f**k?
I shooked my head and immediately ignore the thought. Why am I thinking that?!
Uminit lalo ang pisngi ko at mas nairita kay Dylan, blaming him for remembering that sinful scene last night!
That kiss was a big mistake!
"Wag mo na nga ipapaalala iyan! Oo na! Naakit ako! Naakit ako sa labi niya! I'm drunk! Hear me? Lasing ako!" I shouted, wala akong pakialam kung magising ko pa ang mama niya.
Nataranta naman siya sa ingay ko at napatingin sa pinto ng kanyang mga magulang, iniisip na baka magising ko nga ang mga ito. Tss. OA.
"Shh..." he shush me, trying to stop me from creating more loud noise.
Bahagya akong nanahimik at narealized na baka nga may magising ako. Tumayo si Dylan para i-check ang kwarto ng magulang niya, at ng mga kapatid niya.
Bumali muli siya sa tabi ko nang makumpirmang wala namang nagising sa pamilya niya.
"Nakakainis ka kasi!" mahinang sisi ko.
He chuckled.
"Ako pa talaga sinisi mo. Ikaw na nga itong nambulabog sa akin sa madaling oras ng umaga tapos ako pa sisisihin mo? Iba ka din no?" at humalakhak ulit.
Sumimangot ako. Pasalamat siya, nandito kami sa bahay nila.
"Paulit ulit kasi ang tanong mo! Tatlong beses ko na inulit, hindi mo pa din nakukuha!"
Ngumuso ako para pigilan ang paparating na inis. Nanatili naman siyang tumatawa.
"Eh kasi naman, Zo, impossible naman ang sinasabi mo. Si Alesandro Lagman ang tinutukoy mo...yung snobber ng bayan natin. Oo, gwapo nga at matipuno pero tahong ang gusto non! Hindi talong! Straight siyang lalaki at hindi baluktot. Hindi siya tulad ko."
I, somehow, felt something weird inside my heart when I heard Dylan's last sentence.
He said Sancho is a straight guy.
There's something about that statement that starts to bother me. Hindi ko alam pero bigla akong nanlamig at...may kumirot sa loob ng dibdib ko?
"Paano mo nasabing hindi siya kailanman magiging attracted sa lalaki?" I asked, hoping for any satifying answer from him...to please myself.
Sandali siyang nag-isip ng eksplenasyon. Kalaunan, nilingon niya ako at nagkibit balikat.
"Hindi ko alam. Siguro sa gaydar ko?" aniya
Nagsalubong naman ang kilay ko.
"Gaydar?"
I don't belive on the logic that only gay people can sense someone's identity. Is it because they act and feel the same way? Kung totoo iyon, bakit ko nahuhulaan na bading si Dylan noong nakilala ko siya at yung ibang friends ko sa LA? Ibig bang sabihin, bakla din ako?
I remember when I first met Dylan. Malambot siya at medyo mahinhin. Hindi tipikal sa mga lalaking nakakasalamuha ko. Hindi siya matikas.
At first, I gave him the benefit of the doubt. Baka sadyang malambot lang talaga siya pero sa loob, lalaki pa din. But when he approached me and talk to me, I had this weird feeling about his distinct voice na tanging naririnig ko lang kapag kausap ko ang mga gay friends ko sa LA. That moment, sinisigaw ng isip ko...gay alert!
Sooner, when his father rented a one hecter land from my papa to farm the usual three consecutive crops (rice grains, corns, and potato) from different harvest seasons, we became friends. That started our closeness. Tuwing nasa Pilipinas ako, siya ang kakuwentuhan ko.
He soon confess his discreet identity to me. I was right all along about him! He's gay. I have a gaydar.
Tumango si Dylan sa akin. Nanatili naman akong tahimik.
"Hindi bakla si Sancho. Hindi ko siya nasesense sa gaydar ko." aniya, tila sapat ng ebidensya iyon na straight ngang lalaki si Sancho.
If my gaydar is really accurate to people and circumstances, totoo nga ang sinabi niya. Like what he's gaydar detected, I can't also sense Sancho. He's not gay. He's too manly and powerful to be one.
Sinandal ko ang aking ulo sa sofa nila at napatitig sa kisame.
"You're right. Sancho isn't gay..." I declared, kahit hindi nagustuhan ang katotohanang iyon.
I sighed deeply. Hindi ko maintindihan kung bakit tila may parteng gumuho sa loob ko.
Naramdaman kong humiga sa hita ko si Dylan. Tinignan ko siya at nakitang malalim din ang iniisip.
"Sa totoo lang, noong sinabi mo sa akin na hinalikan ka ni Sancho kagabi, ayaw ko talagang maniwala. Kasi naman, bakit naman niya gagawin iyon sa'yo? Anak ka ng boss niya at snobber siya. Kung papansinin ka man no'n, baka inutos lang sa kanya ng papa mo."
Nagsalubong ang kilay ko, hindi nagustuhan ang sinabi niya. Mabilis ang pagrehistro ng iritasyon sa mukha ko.
"Bakit naman siya uutasan ni papa na pansinin ako? Kung ayaw niya, edi wag niyang gawin! Hindi ko naman ikakamatay iyon!" naiirita kong sabi.
Nagkibit balikat si Dylan.
"It's just my gut." aniya
Sandaling lang akong natahimik. Nakita kong natingin lang siya sa kisame habang nagiisip. Kalaunan, nagsalita muli siya.
"Pero kilala din kita. Minsan, oo, alam kong may pagkasinunggaling ka pero hindi sa mga ganitong bagay. Alam kong hindi ka magsisinunggaling para sirain ang kapwa mo lalo na kung sa mga paratang na ganito."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa sinabi niya. Imbes na mabadtrip, tinawanan ko na lang. Somehow, totoo ngang nagsisinunggaling ako para sa ibang bagay. Lalo na kapag gusto kong magpalusot kay mommy dahil inaya ako ng mga kaibigan kong uminom at magparty.
"Gago..." mahina akong tumawa.
Natawa din siya.
"Sa totoo lang, hindi talaga ako makapaniwala nang sinabi mo sa aking hinalikan ka ni Sancho. Mas maniniwala pa ako kung ikaw ang humalik sa kanya."
Pinukulan ko siya ng masamang tingin pero nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.
"Alam mo bang marami ng sumubok para bihagin ang puso niya pero walang nagtagumpay? Snobber kasi siya!" si Dylan habang nakangisi.
Nagtaas ako ng kilay.
"Kahit ikaw?" pabiro kong paratang.
Bahagya akong nagulat nang nakita kong pumula ang pisngi ni Dylan at napatayo sa pagkakahiga mula sa hita ko. Tinignan niya ako ng masama.
"Noon 'yon! Hindi na ngayon!" he confessed, iniwas ang tingin sa akin, nahihiya.
Humagalpak ako ng tawa. Oh my, what a revelation!
"I can't believe it! Kaya pala palagi mong sinasabi sa akin na snobber siya, eh ni-reject ka naman pala niya." at muli akong humalakhak.
This time, mas pumula ang pisngi niya at nanatili ang masama niyang tingin.
"Totoo naman na snobber siya ah!" he beamed, pissed at me.
Hindi ako nagpapigil, tinawanan ko lang siya. Asar talo siya. Kaya pala hindi niya ako agad pinaniniwalaan kanina kasi iniisip niya palang baka nireject din ako ni Sancho tulad ng ginawa nito sa kanya.
Ngumuso siya and he smoothly changed the topic. Humupa ang tawa ko. The topic was still associated with Sancho.
"Naalala mo si Leticia Salvador? Yung apo ng isang senador, alam mo bang binasted 'yon ni Sancho! Masugid na pumupunta si Leticia araw araw sa bahay ng mga Lagman para bisitahin si Sancho pero iniignora lang siya nito. One day, bigla na lang lumuhod at nagmakaawa si Leticia sa harap niya sa paningin ng maraming tao pero sa huli... ni-reject pa din siya ni Sancho. Hindi yata type..."
Doon na ako nagseryoso. I know Leticia Salvador. Nakita ko na siya noon sa isang campaign site noong bumisita kami ni papa sa Maynila. Papa told me that the Salvador family also lives in Pampanga. Hindi ko pinagtuonan ng pansin iyon noon pero ngayong pinaguusapan namin, hindi ko maiwasang isipin ang mukha ni Leticia.
Leticia is undeniably beautiful and sexy. Kung committed lang akong tao, baka niligawan ko iyon. Nung nakita ko siya one time sa plaza habang naglilibot yata sila kasama ng body guards niya, dang, nabighani ako. She has the curves, the big boobs and nice booty na type ko sa mga babae.
Now that I'm thinking about Leticia almost begging Sancho for wanting a relationship with him, I suddenly felt turn off.
"Sayang. Ganda na ni Leticia eh." si Dylan, nanghihinayang sa oppurtunity ni Sancho.
Tumango ako. I agree. Leticia is pretty. Pero sa parteng nanghihinayang, ewan ko pero parang hindi ako agree.
"Oo, maganda siya pero baka tulad nga ng sabi mo, snob si Sancho kaya niya ni-reject si Leticia?"
Dylan pouted his lips and wonder. Naghintay naman akong ng sagot.
"Kung sana naging magnobyo sila, bagay na bagay sana sila. Mayaman din si Leticia. Kung nagkatuluyan sila, hindi na poproblemahin ni Sancho ang pagpapagamot sa papa niya. Sigurado akong tutulungan siya ng lolong senador ni Leticia." si Dylan, muling humiga sa hita ko.
Nagsalubong ang kilay ko at nagdilim ang aking pakiramdam. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ko nainsulto ako. Sa parteng aasa ang pamilya ni Sancho sa senador, bumibigat ang dibdib ko.
Dahil lang ba naging nobyo ito ng apo niya, doon niya lang tutulungan?
Politician should help people unconditionally because that's how they served the country, the poor, and the people who are in need. That's their work. They can't reach into that position they possess without the people who voted them.
Papa is helping tito Alejandro because he cares for him. He cares for his friend. Hindi siya humihingi ng kapalit.
"Papa is helping tito Alejandro! That's already enough! He doesn't need any help from any politician! Specially from that senator!"
Mabilis ang aking paghinga at mabigat ang aking damdamin. Hindi ko alam kung bakit galit ako ngayon. Napansin iyon ni Dylan at naningkit ang mata niya.
"Bakit parang nararamdaman kong ayaw mong magkatuluyan si Sancho at Leticia?"
Napatayo siya muli mula sa pagkakahiga sa hita ko at mas sinuri ang reaksyon ko. Tinapunan ko siya ng iritadong tingin at handang bugahan ng apoy mula sa bibig.
"Pinapalabas mo kasi na parang magagamot lang si tito Alejandro sa sakit niya kapag nagkaroon si Sancho ng mayamang girlfriend!"
Hindi ko alam pero iritadong iritado talagaako. Mas naging dahilan iyon para mas lalong naging suspicious ako sa paningin ni Dylan.
"Theory ko lang iyon, Zo. Iyon lang ang possible na mangyayar once na maging sila ni Letic--" I cut him off, hindi ko gustong madinig ang sasabihin niya.
"Our family is enough! Hindi na kailangang magnobya ni Sancho ng mayamang babae para gumaling siya! Kung hindi man matugunan ni papa ang medical needs ni uncle, I can offer my savings. Basta 'wag lang siyang maggirlfriend!"
Napatitig si Dylan sa akin ng mabuti. Ilang sandali, napangisi siya sa sarili at tila may napagtanto.
"Bakit parang sa tono mo...pinagkakait mo sina Sancho at papa niya mula sa lahat ng mayamang babae? Bakit? Sino bang gusto mo para kay Sancho...ikaw?"
Umiinit ang pisngi ko at napakurap kurap. Kalaunan, marahas akong umiling.
"No way! I hate that probinsyano guy!"
That's the truth. I don't like Sancho.
I change the topic immediately nang sumubok si Dylan na dugtungan pa iyom. I don't want to talk about that part anymore, kahit iyon naman talaga ang sinadyan ko dito sa bahay nila.
Sa sobrang distraction ko habang kausap si Dylan, hindi ko na napansin ang oras. Maliwanag na sa labas at tiyak kong anong mang oras ay magigising na ang parents niya.
Bago pa ako makita ng mama niya, nagpaalam na ako kay Dylan. Panigurado papagalitan siya kapag nakita kaming magkasama.
I went home. Papasok pa lang ako sa gate ng bahay nang maaninag ko na agad si Sancho sa front garden habang pabalik balik ang lakad, animo'y may hinihintay at hindi mapakali. Magkasalubong pa ang kilay nito, malalim ang iniisip.
Mabilis akong nagtago sa poste ng gate. Marahan ko siyang sinilip sa posisyon niya. Palakad lakad pa din siya at tumitigil lang kapag may bumabagabag sa kanya.
Bakit siya nandito? Sinong hinihintay niya? Imposible naman na ako? Alam niya bang maaga akong umalis ng bahay?
I shooked my head and ignore that thought. Bakit naman niya ako hihintayin? Para saan? Para sa nangyari kagabi?
Kung iyon lang naman pala, pwes, I don't need that!
I was about to sneak quietly and hide behind the bushes to crawl up to the back gate just to avoid him when he noticed my presence. f**k!
Napatayo siya ng diretso nang nagtagpo ang mata namin. Agad naman ako umiwas ng tingin at lakas loob na naglakad papasok, nilagpasan ko siya.
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahinang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Zoren..."
Imbes na harapin siya, naglakad na ako papasok sa loob ng bahay para umiwas sa kanya. I don't want to hear anything from him.
At first, akala ko nakasunod siya sa likod ko para habulin ako. But then, who am I kidding?
I suddenly remembered Leticia and her rich status.
If nagkataon na farmer din ang family side ni Leticia at naging magkaibigan ang papa nila ni Sancho, ganito din kaya ang mararamdaman niya para sa lalaki iyon?
Kung si Leticia kaya ang nasa posisyon ko, matutuwa kaya siya na hinalikan siya ni Sancho?
But then, Leticia likes Sancho. She's also a girl. And from the way Dylan describe Leticia's affection towards Sancho, baka magtatalon pa siya sa tuwa.
Hindi ko napansin na magkasalubong na pala ang kilay ko habang paakyat sa office ni papa. Nasa pinakababang hagdan palang ako nang maaninag ko ang isang babae na kalalabas lang sa office ni papa. The girl looks like in her late-40's and she's wearing an all-white uniform entitling her profession as nurse.
Bakit may nurse dito? May sakit kaya si papa? From his work, I guess?
I tried to look at the nurse's face and scanned her for any familiarity. Pero hindi ko makita ng maayos ang mukha nito dahil palinga linga siya sa paligid, tila isang magnanakaw na ayaw mahuli.
Bumagal ang paglalakad ko nang matagpuan ko ang mata niya. Bahagya siyang nataranta at umiwas ng tingin nang nakita ako. She then later composed her self and walk down to the stairs normally. Nang mas nagkalapit kami habang paakyat ako at pababa naman siya, doon ko mas naaninag ang mukha nito.
Nalaglag ang panga ko. What the f**k?
This nurse....bakit kamukha siya ni mommy?
"Excuse me..." I tried to stop her and pull her left hand to face me so that I can see her face clearly.
Baka kasi nagmamalik-mata lang ako.
But then she drifted away from me. Naglakad na siya palayo, tila hindi ako nadinig at mukhang nagmamadali. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakita kong nakalabas na siya sa pinto.
Why does that nurse looks like mommy?
I've been with my mommy almost my time in all my years of existence. Kung si papa pa iyon, baka hindi ko na pinansin. But it's mom! I'm pretty sure kamukhang-kamukha iyon ni mommy!
From her white complexion and her face feature...siyang siya. Ang kaibahan lang, medyo voluptous ang nurse.
Mommy is sexy slim. She's still working as a commercial model in LA up until now and she works in a office to most of her days in weekdays.
Mapapansin ko naman siguro kung tumaba si mommy kapag nag-uusap kami sa video call. And also, mommy is a weight conscious. Kaya impossibleng siya iyon.
And I doubt it. That's not mommy. Bakit naman siya uuwi dito sa Pilipinas? And seriously...nurse? It doesn't make sense! Mommy is a graduate of Business Administration and I don't remeber she tooked any medicine related course in her college days.
Nagmadali akong umakyat sa office ni papa para makausap siya. Pagpasok ko, nakita ko si papa na nakangiti habang nakatingin sa kisame, naglalakbay ang isip.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko.
I know papa and mommy are divorced couple now but that doesn't mean na wala silang pag-asang magkabalikan diba? They can still fix it. They can still remarried again. I know, deep inside of their hearts, mahal pa din nila ang isa't isa. O baka...
Kumatok ako sa pinto para kunin ang atensyon ni papa. Gulat siyang napatingin sa akin at napaupo ng diretso. Biglang nagseryoso ang mukha niya habang sinulang magbasa ng mga papel.
Lumapit ako sa kanya para itanong ang nasa isip ko.
"Pa, sino po yung nurse na pumunta dito? Nakita ko po siyang lumabas sa office niyo. Sino po siya?" I asked directly.
Kita kong bahagya siyang nagulat at napaangat ng tingin sa akin.
"Uhm...that's Irene."
Tumango ako at naghintay pa ng karugtong. Napabuntong hininga siya at napailing.
"That's your...uhmm...tito Alejandro's private nurse."
Nawala lahat ng iniisip kong pangamba kanina para sa divorce kong magulang dahil napalitan iyon ng pag-aalala para kay tito Alejandro.
"How's he po? Sancho said he's doing fine. Is that true papa?" I finally bring this up to him after so many days of his hectic schedule.
Papa smiled sadly and he nodded.
"Alejandro is doing fine. Nagrerecover na lang siya, anak, pero hindi pa tayo dapat mapanatag. But we're hoping for his fast recovery."
Nabuhayan ako ng loob dahil kahit papaano, gumagaling si tito.
'That's great, papa! Hiling ko sana magtuloy-tuloy na."
Nanatiling malungkot si papa. Kumunot naman ang noo ko.
"What's wrong, pa?Ano pong problema?" I asked, medyo kinakabahan na reaksyon niya.
I'm sensing bad news will gonna come. Pero sana hindi naman...
"Uhm...your uncle wants to talk to his family." si papa, bakas ang lungkot para sa kaibigan.
Napakunot ang noo ko, hindi maintindihan kung anong problema doon.
"If that's the case, tawagan natin sila, pa! Kung mas mainam, sunduin natin!" I suggested, eager to help tito Alejandro to talk to his family.
"But that's the problem, anak."
Nagsalubong kilay ko, mas lalong naguluhan.
"Huh?"
"We tried to contact Sancho's mother but she's out of reach. Siguro ayaw niyang makausap si Alejandro. Mula nang lumayas siya, wala na kaming balita sa kanya." bunyag ni papa, malungkot.
Nawindang ako sa nalaman.
"But Sancho said yesterday...tita Glenda was happy because we're helping them with uncle's medical need!"
I can't belive Sancho lied to me about his mother. But then, bakit naman niya sasabihin sa akin ang totoo?
Umiling si papa.
"Glenda stormed out to their house three months ago. After that, nagkasakit na si Alejandro."
Three months. Naluha ako nang maalala ko ang paglayas ni mommy sa puder ni papa para pumunta ng LA at magsimula muli ng byhay doon.
Sancho and I went into the same situation. We went into the same pain.
The only difference is, Sancho's wound from that scene is still fresh because it was months ago. While mine is now fully healed, and it leaved a scar.
"Nasubukan niyo na po ba sa mga kapatid ni tito? His...relatives?" I suggested continously, hoping for good feedback.
Humingang malalim si papa at tumango.
"Yes, we tried. We already called them so many times. But like Glenda, out of reach silang lahat. May mga nakausap naman kaming kamag-anak ng tito Alejandro mo pero nang binalita namin ang kalagayan niya, binabaan lang kami ng telepono, iniisip yata nila na hihingi tayo ng pera sa kanila para sa pagpapagamot" si papa
Hindi ko na maiwasang maluha dahil sa balitang iyon. How cruel they are! How can they do this to tito Alejandro?
And Sancho...how can he put up with these kind of people around him? f**k them all.
"Sinubukan niyo na po bang tumawag ulit? Sa kanila?" my voice is now cracking, still hoping for good news.
Papa sadly nodded. Napamura ako.
"Oo, maraming beses na. Paulit-ulit. When we attempted to call them, lahat sila ay hindi na makontact."
Pumatak na ang luha ko sa pisngi. Halos nawala na isip ko ang problema ko kay Sancho. Hindi ko na maalala kung bakit ko siya iniiwasan. Mas nanaig sa akin ang awa para sa papa niya at para sa kanya.
But then, I remember the kiss. Our kiss. Last night.
Narealize ko, bakit ko ba ginawang big deal ang paghalik niya sa akin? I mean, this isn't the first time I kissed someone on the lips, specially to men when I'm drunk. He's one of my many drunk kiss victim. He isn't special at all.
He maybe good-looking pero kumpara naman sa ibang nahalikan kong lalaki o sino man sa mga nakainuman ko, pamangkin man yan ng US president at anak ng isang business tycoon sa Seattle, walang wala siya kumpara sa kanila.
Sancho is just only a probinsyano guy with a sick father and a dysfunctional family!
Kissing on someone's lips isn't a big deal with me.
Mabilis na dumaan ang araw at sumalubong na sa amin ang buwan ng Abril.Tuwing nagkikita kami ni Sancho sa dinning room o sa farm, hindi ako umiiwas sa kanya. Kinakausap ko siya pero casual lang. Buti na lang din at busy siya sa isang farm namin kaya minsan lang kami nagkikita. Nagpapasalamat din ako na ramdam niya ang awkwardness ko kapag nandyan siya. Kasi bukod sa hindi naman kami close, wala naman kaming topic na pweding paguusapan?
Bakit? Kung sakali mang mag-usap kami, ano naman paguusapan namin? Yung halikan namin sa veranda?
Uy, hey, Sancho! Hi! By the way, ang sarap mong humalik. Ako ba, oo? Ganon?
Tinanghali ako ng gising sa araw na iyon. I invited Dylan yesterday afternoon to go in provincial plaza and we strolled up to many places. Sa sobrang saya namin, nakalimutan na namin ang oras. Ginabi kami.
Bumagal ang lakad ko nang nakita kong seryosong nag-uusap si papa at si Sancho sa dinning room.
Naalala ko, hindi naman pala ako gutom. Mamaya na lang siguro ako kakain?
Tatalikod na sana ako para bumalik sa kwarto ko nang tinawag ako ni papa.
"Zoriel Renzon, finally! Kanina ka pa namin hinihintay ni Sancho dito. Saan ka pupunta? Come here, anak. Eat with us." anyaya ni papa.
Marahan lang ako napikit at napamura sa sarili. I flashed my million dollar smile nang humarap ako sa kanila.
"Okay, pa!" at lumapit na sa kanila.
Umupo ako sa isang pwesto kaharap kay papa. Si Sancho naman ay nasa tabi niya, ramdam ko ang seryosong pagtitig niya sa akin. Hindi ko siya nilingon kahit kating-kati na akong pukulan siya ng masama kong tingin ay pinigilan ko.
Nag-utos si papa ng maid para ipaghanda ako ng makakain. Rosana is serving papa's and Sancho's food. While the other maids served the side dishes, and our desserts.
May naghapag ng pagkain sa harap ko at pinagsalin na ako ng tubig sa aking gilid.
"Thank you..."
I, then started to eat my food and ignore Sancho's glare, like usual.
Kung hindi lang ako naaawa sa kanya at sa papa niya, baka kinaldakad ko na siya paalis sa amin.
Nang nalaman ko ang kalagayan ni tito Alejandro, pinigilan ko na ang sarili kong mairita kay Sancho. I decided to let him work here peacefully...just for the sake of his father.
"Zoriel, may sasabihin pala ako sa'yo..." si papa, nagsimula na ding kumain.
Sandali akong nag-angat ng tingin kay papa para tignan siya. Kalaunan, binalik ko din sa pinggan ang atensyon ko dahil sa hinihiwang steak.
"Ano 'yun, pa?" I asked nonchalantly, busy slicing my medium rare steak using my knife.
I tried to act normal. Kahit mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa madiin na titig ni Sancho. Wala yata siyang pakealam kung makita man siya ni papa na gano'n.
"May business trip ako sa Cebu para sa isang client natin doon. Baka mawawala ako hanggang sa end of May. I want you behave here while I'm gone. Ayaw kong mabalitaan na naglasing ka pag-uwi ko" si papa
"Copy, pa" sabi ako habang patuloy na ninamnam ang steak.
Ayos lang sa akin na umalis si papa. This is isn't the first time he leave me here for his business trip. I understand that he's doing this to work for us and for the farm. Besides, I can live with myself alone without any help. I'm independent.
Pero hindi ko yata maasam ang independent life vacation na gusto ko dahil sa sunod niyang sinabi.
"Also...gusto ko samahan mo si Sancho araw araw para icheck ang farm natin. I want you to be with him all the time. Help him if you can." si papa, munching and savoring his food.
Nabitawan ko ang fork and knife na hawak ko. Muntik ko ng maibuga ang laman ng bibig ko.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko, nabingi na yata habang may laman pa ang bibig.
Patuloy lang sa pagkain si papa. He ignored my question and continue talking.
"Hinabilin na kita kay Sancho. Babantayin ka niya hanggang sa pagbabalik ko." si papa, hindi na hinintay ang reksyon ko dahil pinal na ang desisyon.
Nilingon ko si Sancho at nakita kong nakangisi siya ng nakakaloko, natutuwa sa sitwasyon.
Fuck! Why do I have to always put up with him?
***