bc

Marrying The Mafia Queen (Filipino)

book_age16+
16
FOLLOW
1K
READ
HE
heir/heiress
secrets
like
intro-logo
Blurb

Kilala si Katana Tan bilang isang magaling na negosyante, bukod sa natural ang kaniyang galaw sa loob at labas ng mga negosyong kaniyang hinawakan ay ganoon din ang kailangan niyang gawin nang mapamana sa kaniya ng ama ang Tan Mafia. Ngunit matapos ang ilang taon nang mawala ang kaniyang mga magulang ay padadalhan siya ng mga ito ng hindi inaasahang regalo na tunay na babago sa kaniyang buhay.

chap-preview
Free preview
1
THIRD PERSON "Almost one-third of the said group was mercenary killers. So, we would probably need some help from the Constellations." Red added while writing her suggestion on the white board in front of them. "Sino sa mga constellations ang available para sa mission?" Tanong ni Orange. Sandaling huminto si Red para mag isip. Sino nga ba ang nag confirm sa sinend niyang memo kagabi para sa undergoing planning para sa mission nila na mangyayari sa susunod na araw? Libra and Aries She wrote on the white board. "Sa ngayon sila palang ang nag confirm sa request natin pero don't worry dahil nga special mission ito sasamahan tayo ni Queen." Napuno ng bulungan ang meeting room nila. Siguro dahil na din sa narinig, hindi naman kasi karaniwang sumasama ang kanilang leader sa mga misyon at kung sasama nga ito ay panigurado na sobrang hirap. Bihira lamang nila makita ang Queen lalo na at nasa mababang pwesto sila sa Mafia Family napakalaking prebilehiyo iyon sa mga kagaya nilang Color group na nakikita lang ang Queen kapag may general meeting assembly sila. "Tutulungan din tayo ni Venus mula sa Planet Group kaya gawin natin ang best natin!" Red said with conviction earning some cheer from her teammates. Kailangan walang maging mali sa kanilang plano dahil hindi lang ito simpleng misyon na pwedeng laru-laruin ng mga agents nila. - "On position. Seven o'clock from West." Aries reported wearing a unique item that resembled stud earrings. To use on their various assignments, the technical producers of their organization created this on their own. "Ready to aim, Boss." The subsequent voice they heard on their handheld devices was Libra's. Nasa pinaka taas siya ng building na ilang metro ang layo sa lugar kung saan gaganapin ang isang napaka halagang deal. Another spotlight for her and for her beloved baby spiner. "Be ready..." Their boss replied. "What's the current situation?" She continues as she also preparing herself by fixing her hair and putting some useful weapon on her hair. "This will do." She muttered. "Queen, this group is on the front gate with about fourteen men executing a handgun." Aries reported, "While there is five left on the truck on the back side alley with a baseball bat." Aries—she was tasked with keeping an eye on their adversary using her computer expertise. She's currently at one of the hotels nearby the area. "Bakit may baseball bat? Ano 'to gang war?" Natatawang puna ni Libra. "Wala silang budget..." seryosong ani ni Sagittarius.Nag hagikhikan naman ang ibang agents sa narinig. Kaya si Libra ang pinakapaborito ng lahat sa mga constellations dahil na din sa ganitong side niya. She always find ways to ease the tension lalo na sa mga misyon na ginagawa nila ngayon. Their leader, which is the Queen walks on her way inside the place together with some of her trusted men where they decided to make the agreement between the another organization. Truly an exciting one, "Be attentive." Paalala nya sa mga kasamahan gamit ang kanilang transmission device. "Yes, Queen." Sabay-sabay na sabi ng kanyang mga tauhan. Buong hangang sumusubaybay at sumusunod sa utos ang mga baguhang agents. Habang naghihintay ang Queen naka standby naman ang kanyang mga tauhan para sa gagawing transaction binabantayan ng mga ito ang bawat kilos ng kabilang grupo na mag dadala ng iba't-ibang uri ng baril at droga ayon sa kanilang napagkasunduan. "Hi." Pag bati ng isang lalaking nag lalakad palapit kay Queen. Sa suot nitong formal na damit masasabing ito na ang kanilang hinihintay. "Let's start this. I know you're a busy person as well as I am." She started. Ngumiti ang lalaki ng nakakaloko, "Straight to the point... I like that." She rolled her eyes. Masyadong madada ang taong ito at wala siyang oras na dapat sayangin. She was bored as hell at binibigyan pa siya ng mas madaming dahilan para ma bored ng lalaking ito. Nakaramdam ng pagkapahiya ang lalaki kung kaya tumikhim muna sya bago mag salita, "Where's the money?" saad nito sabay balik ng ngiting nakakaasar. "Here." Kasabay ang pag bukas ni Queen ng dala dala niyang attached case na naglalaman ng perang sa napag kasunduan nilang halaga. Tumango-tango ang lalaki at lalong lumaki ang gumuhit ngiting nakakapangilabot sa mukha ng lalaki. "Creepy" Dinig niya pang bulong ng isang agents sa kabilang linya. "The guns and drugs?" Tanong naman ni Queen sa lalaki. Binuksan nito ang dalawang case na may lamang mga baril at droga. Ngumiti ng matamis ang Queen na ikinasinghap ng mga kasamahan nya sa kabilang banda at ang pinakamalakas pa ay ang mga constellations na pinapangunahan ni Aries. "'Yan ang mas creepy." Aries side commented. Hindi niya na lang pinansin ang mga tauhan niya at nagpatuloy, "Good." She said and then she give the que on her subordinate to bring the case of drugs and guns from the another organization. Nang matagumpay na makuha ng kanilang grupo ang case ng drugs at baril ay tumango sya sa mga ito, "Nice deal." She offered her hand for a hand shake. When the man took her hand for the handshake napa hiyaw sa saya ang mga kasama ng Queen sa kabilang linya because that's the que for them to start the real battle, "Then... let's see each other in hell." She smirk sabay tutok ng baril sa kaharap. Everything seems on the lightning speed when the fight started. Twenty minutes after and the battle ends. "Queen, clear." Balita ng isang tauhan sabay bow sa harap ng kanilang leader para mag bigay galang. She acknowledge that by giving him a nod, "Good, you can now go back on our headquarters." And then she gave the three suitcase containing the guns, drugs and of course the money. "Add that gun to my collection and then surrender that drugs to her..." Pagbibilin nya. She clicked a button on her earing to communicate in the other line, "While you Aries give me the list of the guests on the next auction of Lavelle Mafia after that send me all the impormation and pictures of the new mafia org. that Louis mention last meeting." "Mars bring back the money on my account. Is my instructions clear?" She used her cold voice to intimidate them. "Noted, Queen." sagot nina Mars at Aries. Naglakad paalis ang kanilang Queen ito sumakay sa kanyang motor. She then started the engine and drive thru the way. After a minute of driving she decided to take a shortcut dahil mali-late na sya sa kanyang corporate meeting. Malapit na sana s'ya sa kompanya ng bigla nalang may tumawid na lalaki kaya agad niyang inihinto ang kaniyang motor. What the f**k! gusto na ba nito mamatay? "Hoy pare dahan-dahan naman sa pag mamaneho akala mo ikaw ang hari nitong daan." sigaw ng binata sakanya. Ito pa ang galit samantalang ito naman ang tumawid sa kalsada ng wala sa wisyo. Papaandarin at hindi na sana niya papansinin ang binata nang biglang hawakan nito ang kanyang braso. "Aba, Sir mawalang galang na po hindi porket maganda 'yang motor niyo ay mananagasa na kayo!" The man again shouted. She rolled her eyes in annoyance. Mas maingay pa ito sa babae. Akala mo naman nasagasaan kung maka react. Ikinagulat ng dalaga ng katukin nito ang suot niyang helmet, "Pare tanggalin mo kaya yang helmet mo bastusan lang ha." Saad pa nito. She was annoyed, "What do you want? How much?" She asked para matapos na 'to, ang dami nya pang kailangan asikasuhin for f*ck sake! "Anong what do you want at anong how much? ang gusto ko lang mag sorry ka 'di ako humihingi ng pera." Sagot nito. "Say how much so that I can now leave and we can both go on our own ways in peace. I have loads of works to do and I don't have a time to debate you." Queen used her cold voice sa pag-asang maiintimidate ito. Lagi itong gumagana sa lahat ng oras pero parang wala itong epekto sa lalaking kaharap dahil bukod sa mas tumindig pa ito ng maayos ay sumama pa lalo ang tingin nito sa kaniya. "Hindi ako nanghihingi ng pera pare sabi ko mag sorry kalang okay na." Really? Sa gitna pa talaga ng kalsada ito nagtatatalak buti na lang ay walang masyadong sasakyan ang dumadaan sa lugar na 'yun kundi ay baka naka abala pa sila. Ayaw niya sana gamitin ang pagiging babae niya para makalusot sa mga ganitong drama pero wala siyang choice kundi gawin iyon kung gusto niyang maabutan pa ang kaniyang scheduled meeting. Dahil sa inis tinanggal nya ang kanyang helmet at binigyan ito ng nakamamatay na tingin. "Makuha ka sa tingin, please." Bulong niya sa kaniyang utak. Kailangan niya talagang mahabol ang meeting na naka schedule ngayon dahil isa ito sa mga malalaking prospect investor niya. Pero tila nabato sa kinatatayuan ang binata ng makitang babae pala ang kanina n'ya pang tinatawag na pare, "Done checking me?" She asked then smirks at him. Malalaman mo talaga na kahinaan ng mga lalaki ang ganitong bagay. "Good boy. So, now that you are aware that I am a lady you should give me the respect that I wanted." Another side comment from her head. She didn't utter another word hinayaan niya lang ang binata na maka pag adjust sa katangahan nito. "Abat ang yabang nito. Hoy miss! Hindi ka maganda wag kang feeling." "Wala naman akong sinabi na maganda ako." Gusto niya itong patulan pero mas pinili niyang wag na lang dahil may mga importante pa siyang aasikasuhin. "I don't care." Sagot ni Katana sabay sakay sa kaniyang motor at bago n'ya isuot ang kaniyang helmet, "And hey! If I'm not beautiful then why are you drooling?" Tanong nya at paharurot na umalis habang ang lalaki naman naiwang nakatulala. He checked his side lip, "Wala naman." He mumble. Tsaka n'ya lang nalaman na naisahan s'ya ng dalaga noong pag lingon niya ay tanging likod na lang ng babae ang kaniyang nakita. "Aish." Sigaw n'ya sabay sabunot sa buhok wala na siyang nagawa kundi maglakad papunta sa pag aaplayan niyang trabaho. Kung hindi sana s'ya muntik masagasaan kanina edi mas maaga siyang nakapunta sa opisina para sa kaniyang interview. In the other hand, the Queen decided to head on her private parking lot so she can change her clothes baka magtaka ang kanyang mga office workers pag nakita nilang may bahid ng dugo ang kaniyang damit. She hissed while changing when she remembers what Atty. Quinzon said to her last time they talked. It's about her inheritance from her mother and what would happen if she doesn't meet the requirements that her mother wrote on the will. Mapupunta naman sa maayos na lagay ang pera and it will automatically go to her mother's favorite adoption center kung sakaling hindi niya magawa ang conditions nito. Wala naman siyang problema kung mapupunta sa lugar na 'yun ang pera pero hindi pa sa ngayon. She needs that money and power to find that person who ordered to kill her parents. So, she decided to marry a man before Monday—which is her 27th birthday. Ang problema sino ang pipiliin niyang tamang tao para dito. Naglalakad na s'ya papuntang elevator ng may malalim na iniisip. Lahat ng madadaanan niya ay yumuyuko sa kaniya at bumabati ng good morning ngunit kahit tango walang silang natanggap na sagot mula sa dalaga. Sumakay na s'ya sa elevator at pinidot ang 22th floor habang naghihintay s'ya biglang bumukas ang elevator at pumasok ang isang lalaki, pinindot din nito ang kaparehong floor. Nanaig ang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang sa tumunog ang elevator hudyat na nasa 22th floor na sila. Naunang lumabas ang dalaga at dumiretso sa kanyang opisina samantalang ang lalaki naman ay dumiretso sa lamesa ng secretary of the CEO para magtanong. "Miss pwede mag tanong?" Magalang niyang turan. "Yes sir what can I do for you?" The secretary asked with a flirty smile. "Ah, Excuse me? Saan po dito yung office ng CEO?" Naiilang na tanong ng lalaki. "Oh that..." Inayos pa nito ang kanyang buhok at inilagay sa tenga, "Just go straight then the last door that's the CEO office." Tumango sya at nag pasalamat dito. Pero bago sya makalayo sa desk ng sekretarya ay muli itong nag salita, "Be careful honey." Pagbibilin ng babae na sinabayan pa ng kindat dahilan para mapangiwi naman ang lalaki. "Tsk, mga babae nga naman sa panahon ngayon." The man said. "Kaya mo 'to, Thunder Bullet Smith para sa nanay mo kaya mo 'to." Pag papalakas nya ng kanyang loob bago kumatok at itulak ang pinto ng opisina. -- End of Chapter 1.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
60.1K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
109.0K
bc

Dangerous Spy

read
326.8K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
100.7K
bc

Agent Series 11: Lie To Me ( SPG R-18 )

read
172.3K
bc

Bastarda (SPG- R-18)

read
236.3K
bc

Agent Series 17: Money Or Kiss Me? (R-18 SPG)

read
188.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook