CHARLES CHOLO
"Wow! Ang bango ah!"
Nakangiti si Nanny Fe habang pinapanood akong nagluluto. "Anong meron? Bakit ka nagluto?"
"Dito raw mag la-lunch si Georgina, naisipan ko na ipagluto nalang siya ke'sa mag order sa labas."
Agad na nabasag ang ngiti sa mukha ni Nanny Fe nang banggitin ko ang girlfriend ko.
"Ay, alam ko na'yan. Hindi nanaman makakain 'yan." taas baba pang kilay niyang saad.
"Nanny naman, sinarapan ko 'to."
"Alam ko, masarap kang magluto kahit mga salad ang gusto mo. Ang tanong, sasarapan kaya yung girlfriend mo dyan?"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Nanny Fe.Tama siya, sa limang buwan naming magkasintahan ni Georgina ay ilang beses ko ma siya ipinagluto, pero lahat ng 'yon ay hindi niya kinain.
"Alam ko na'yan. Titikim lang yun sabay sabing, hindi masarap o kaya naman ay maalat. Hindi ka ba nasasaktan kapag ginaganyan ka ng girfriend mo, anak?" dagdag niya.
"Nanny, baka hindi palang pumasa yung cooking skills ko sa kanya. Aw!" bulalas ko nang tamaan ako ng talsik ng mantika.
"Hindi pumasa? Ilang sachet ng pampalasa ba ang dapat ilagay para magustuhan niya? Alam ba niyang mahigit sampung kilo na ng karne ang nasayang dito para sa kanya?"
"Nanny..."
"Biro lang anak."
Si Nanny Fe na ang nag-aalaga saakin since I was six years old. Pangalawang nanay na ang turing ko sa kanya.She takes care of everything in this huge mansion.
"Ibinigay mo na ba kay Georgina ang singsing?"
Tukoy ni Nany Fe ang diamond ring na pinasadya ko para kay Georgina.
"Hindi pa Nany, naghahanap pa ako ng tamang tyempo para dun."
"Goodluck, anak."
"Goodluck saan?"
"Goodluck sa desisyon mo."
"Nanny.. Ayan ka na naman."
"Anak, alam kong nagmamadali ka kasi ngayong taon ay lalagpas ka na sa kalendaryo. Pero hindi dapat madaliin ang pagmamahal anak. Limang buwan palang naman kayo ni Gina,baka marami kapang hindi alam sa kanya."
"Nanny, I know nasasabi mo'yan dahil hindi mo tipo si Georgina. Please give her a chance, you'll love her, she's amazing," sabi ko sabay ngiti. Ningitian din ako ni Nanny. Allam kong naiintindihan niya kung gaano ko ka mahal si Georgina.
Tumawag si Georgina na paparating na siya, minadali kong e-setup ang table bago naligo.
"Good afternoon Miss Gina," bati ni Nanny Fe. Nakita ko kung paano siya tinanguan ni Georgina at nilagpasan.Nasa ikalawang palapag lang ako at pinapanuod si Georgina na papasok sa sala.
"Hi, Babe." tawag ko sa kanya habang bumababa ng hagdanan.
"Hi Babe.."
Niyakap ko siya saka hinalikan sa pisngi nang makalapit.
"Bakit hindi ka naka duty today?" tanong niya nang kami ay naupo.
"Sabi mo kasi na dito ka mag la-lunch, naisipan ko na huwag nalang pumasok since minsan lang natin gawin 'to."
"Oh, that's so sweet. Thank you."
"Tara na, baka nagugutom ka na. Nakahanda na ang pagkain sa mesa."
"Tara, gutom narin ako."
Sabay kaming tumayo at naglakad papuntang kusina.
"Ikaw, bakit hindi ka pumasok sa opisina mo ngayon?" Ako naman ang nagtanong.
"Hangover babe, kahapon pa'ko di pumasok dahil sa tama ng inumin. Nag party kami ng mga barkada ko."
Nahinto ako sa paglalakad sahil sa sinabi niya, hindi ko kasi alam ang tungkol doon. "I thought you're just too busy at work kaya ka hindi makapagreply kahapon."
Tinitigan niya ako ng may lungkot sa mukha. "I'm sorry babe."
"You're with your friends? Sino sa mga yun? Bakit hindi ko alam? Sana sinamahan kita."
"Babe, biglaan yung lakad. Babe please kumain na tayo, huwag na natin pag-usapan 'yun. Tapos na 'yun, nandito naman na 'ko," she said giving me a hug.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Alright, umupo na tayo."
Nang makaupo na kami sa lamesa, nilagyan ko siya ng pagkain sa kanyang plato.
"Babe, konti lang, hindi ko masyadong bet ang mga niluto mo."
"You'll love this, babe."
"No.. please.tama na."
Wala pa kaming limang minuto sa lamesa ay tapos na siyang kumain. Hindi ko narin tinapos ang pagkain sa plato ko dahil nawalan ako ng gana.
"What's your plan after this?" tanong ko nang makabalik na kami sa sala.
"Bibisita ako sa office, I know tambak na ang trabaho ko 'don."
"Ihahatid na kita."
"Babe, nagdala ako ng sasakyan. Come with me if you want to."
Iyan ang madalas kong naririnig kay Georgina, niyayaya niya ako kapag sa opisina ang punta niya.
"I can't come, may meeting din ako mamaya."
"Okay. I'll take my leave babe."
Pabagsak akong naupo sa sofa nang makaalis si Georgina. Tinabihan ako ni Nanny Fe nang magpakawala ako ng buntong hininga.
"Okay kalang ba na anak? At least ngayon kinain na niya ang luto mo diba?"
Tumango ako. "Nanny, kayo napo ang bahala sa mga niluto ko, aalis muna ako."
YVE UMBRIE
Hinugot ko saaking bulsa ang nag ri-ring na phone. Kasalukuyan akong nasa palengke para bumili ng karne para ipagluto ang aking sarili ng aking pangmalakasang dish.
"Hello, Girl?" sagot ko kay Sam.
"Nasa'n ka?"
"Nandidito ako sa palengke, bibili ako ng karne kasi gusto kong magluto ng pangmalakasang dish ko."
Kahit wala sa harapan ko si Sam, alam kong tinirikan niya ako ng mata.
"Pangmalakasan? Piniritong karne, pangmalakasan?"
"Bakit, eh, yun ang pangmalakasan ko."
"Samahan mo'ko mag grocery, please."
"Girl, kaya nga ipagluluto ko nalang ang sarili ko dahil ayaw kong luma--"
"Manlilibre ako ng dinner mamaya." salansa niya sa mga sasabihin ko.
"Saang mall ba'yan? Sasamahan kita."
Narinig kong napalatak si Sam sa kabilang linya. "Tsk..tsk..tsk..Ayan, yan na nga ba ang sinasabi ko. Labag talaga sa kalooban mo ang samahan ako eh. Yung libre talaga ang gusto mo."
"Nag offer ka ng motivation, eh. Sige, kita tayo mamaya. Text mo sakin kung saan, bibili na ako ng karne, bye."
"TULONG!!!!!!!"
Lukot ang mukha akong lumingon kabilang stall.May lalaking tumatakbo patungo sa direksyon ko. Napansin ko naman kaagad ang babaeng sigaw ng sigaw sa malayo.
"TULONG! TULONG!"
Marami nang humahabol sa lalaki, bitbit niya ang itim na pouch sa kaliwang kamay. Obviously, he's doing no good. Dinampot ko ang sayote sa stall kung saan ako natapat.
Noong bata pa ako, magaling ako maglaro ng holen, kaya kong e target lock ang maliit na holen kahit pa tatlong dipa ang layo n'on sakin. Kahit pa gumagalaw ang target ay sisiw lang 'yun.
Huminga muna ako ng malalim, hinigpitan ang pagkakahawak sa sayote at tinitigang mabuti ang target. Panahon na para gamitin ko ang aking skills. Tingnan lang natin kung hindi matamaan ang ulo nitong lalaking to.
Isa.Dalawa.Tatlo!
Shoot!
Tinamaan siya sa noo!
Nabitawan niya ang pouch nang sapuhin niya ang kanyang noo. Napayuko siya sa simento habang Hinahaplos ang masakit na parte ng kanyang ulo.
"Salamat... salamat hija."
Hinahaplos ang babaing nasa edad singkwenta ang aking kamay nang iabot ko sa kanya ang kanyang pouch. Tapos na ang gulo, patrol palengke na ang naghatid sa snatcher sa mga pulis.
"Walang ano man po, sa susunod mag-iingat po kayo.May kasama po ba kayo?"
"Oo meron, pero inutusan ko pa, sa sakayan na kami magkikita."
"Ah... " napansin kong kaliwat kanan ang kanyang bitbit. Kaya naman pala madaling nahablot ng snatcher ang pouch niya dahil naka ipit lang 'yon sa kili-kili niya. "Gusto nyo tulungan ko na kayo sa sakayan? Ang dami nyo pong dala." pag-aalok ko, lumiwanag naman ang kanyang mukha.
"Puwedi ba?"
"Oo naman po, tara, mauna po kayo."
Binitbit ko ang malaking eco-bag na nasa kaliwang kamay niya. Habang naglalakad ay sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa sakayan.
"Na'san napo yung kasama ninyo?"
"Hihintayin ko muna saglit. Hija, anong pangalan mo?" tanong niya habang nakangiti.
"Yve Umbrie po, pero Yumi po palayaw ko." Nakakahawa ang ngiti ng babae kaya napangiti rin ako sa kanya.
"Ahhhh. Ako naman si Fe, pero mas sanay ako kapag may Nanny, Nanny Fe."
Hindi na naglaho ang ngitian namin sa isat-isa habang nangpapakilala.
"Yumi, nagtanghalian ka na ba?"
"Po?" may gatla sa noo ko habang nagtatanong. "Uh, hindi pa po, pero bibili ako ng----"
"Sama ka sa'kin sa bahay nang makabawi naman ako sa pagtulong mo saakin kanina. Doon ka na mag tanghalian."
Umiling-iling naman ako agad. "Ay naku, huwag na po. Huwag nyo pong alalahanin yung ginawa ko, yun po---"
"Ay, nandiyan na pala Jimmy."
Napahinto ako sa pagsasalita nang pumarada sa harap namin ang puting van. Bumaba ang driver at kinuha ang mga bitbit namin.
"Yumi, sige na hija, gusto kong bumawi. Tamang tama dahil ang dami naming niluto kanina."
"Okay lang po talaga, NAnny Fe." Para namang kinurot ang puso ko nang bumakas ang lungot sa mukha ni Nanny Fe.
"Sige na, gusto ko talagang bumawi. Alam mo bang isang daang libo ang puweding nawala saakin kanina?"
"Poooo?!" nanlaki ang mata ko sa laki ng pera na laman ng pouch niya. Ganon ka laki?!
"Oo, kaya halikana dahil gusto kong bumawi sa'yo."
Nang binuksan ng driver ang pintuan, hindi na ako nakatanggi nang hilahin ako ni Nanny Fe sa loob.
Habang nasa loob ng sasakyan panay ang tanong saakin ni Nanny Fe, puwedi na siyang mag host ng talkshow sa ginawa niyang pag i-interview saakin.
"Ah, twenty-eight ka na pala. May boyfriend ka na hija?"
May boyfriend nga ba ako? Based on Sam mag move on na raw ako, pero wala pa kaming closure! Kung naririnig ako ngayon ni Sam, malamang tinalakan nanaman ako nun. Ayaw na ayaw ng babaing 'yon ang marinig ang pangalan ng boyfriend kong hindi nagparamdam ng isang taon.Tama si Sam, hanggat maari hindi ko na siya iisipin.
"Iniwan po' ko eh." mahina kong sagot. "Bakit po ganun ka laki ang pera na dala nyo sa palengke? Sa susunod po dapat hindi kayo nagpapaiwan kapag ganun kalaki ang dala nyo." Ewan ko ba kung bakit lumabas sa bibig ko ang pangaral na'yun. Alam kong wala akong karapatang kwestunin siya tungkol sa pera niya.Naman kasi! nagtanong pa tungkol sa boyfriend ko. Iniiwasan ko kaya siyang lumanding sa utak ko!
WOW! Bulong ko sa aking isipan nang pumarada sa harap ng malaking bahay ang sinasakyan naming van. Kung hindi ako nagkakamali, modernong Queen Ann style inspired ang bahay, maraming ganitong istilong bahay sa Britanya.
Pagkababa namin sa sa van, ibinaba narin ng driver ang mga dala ni Nanny.
"Tulungan ko na po kayo."
"Salamat. Halika, pasok ka Yumi."
Hindi ko mapigilang suyurin ng tingin ang buong bahay. High ceiling, tall window with carved mantel ang sumalubong saaaking pagpasok. Grabe, nasa Pilipinas pa ba ako? Para akong dinala sa Britanya. Chandelier, curtains, tables, furnitures, paintings, the British interior designs of the house speaks itself na may lahing banyaga ang nakatira sa bahay na ito.
"Upo ka, Yumi."
Pinaupo ako ni Nanny sa mesa na may anim na upuan.
"Ang ganda naman ko ng bahay nyo," sabi ko habang sinusuyod parin ng tingin ang paligid. Narinig kong bahagyang tumawa si Nanny kaya ibinalik ko ang aking tingin sa kanya.
"Hindi ko bahay 'to, anak ng amo ko ang pinagsisilbihan ko."
Papatangu-tango ako. "Hulaan ko po, hindi Pinoy ang amo nyo no?"
Nasundan pa ang tawa niya dahil sa sinabi ko. "Tama ka, Welsh si Mr. Crew habang Filipino-American naman si Mrs. Crew. Yung alaga ko na anak nila, mukha mang banyaga pero purong Pinoy naman ang puso. Nasa Canada ngayon ang mga magulang niya, habang siya nandidito nag-iisa."
"Po? Iniwan siya?"
"Oo, Iniwan sa'kin."
"Kawawa naman."
"Eh, ayaw naman sumama sa mga magulang niya. Puno man ng pagka banyaga ang disenyo ang bahay na'to, Pinoy na Pinoy naman ang lahat ng naninirahan dito. Magaling managalog yung alaga ko."
"Naks! Kayo lang ba mag-isa naglilinis dito?
Humagikhik si Nanny sa tanong ko. "Hindi, marami akong kasama, wala sila ngayon dahil pinayagan silang mag day-off lahat.
Inilapag ni Nanny sa harapan ko ang mainit na kanin, adobong manok, pork sinigang at pinakbet.
"Wow, Pinoy na Pinoy nga ang nakatira sa loob ng bahay na'to," sabi ko habang natatakam sa mga hinain ni Nanny.
"Kumain ka na Yumi," sabi niya sabay lapag sa jiuce.
"Hindi nyo po ba ako sasabayan?"
"Tapos na ako, sige na kumain ka na, masarap 'yan. Gusto mo ng salad? Igagawa kita."
Pagkasabi niyang salad ay umiling-iling ako kaagad. "Huwag na po, okay nato, salamat."
Habang kumakain ako, abala naman si Nanny na pinupunasan ang mga prutas na hinugasan niya. Habang ginagawa niya 'yon, pinagpatuloy niya ang naputol na talk show namin kanina sa van.
"Kumusta ang adobo,Yumi?" tanong niya nang mapansing naubos ko na ang dalawang hita ng manok.
"Ang sarap po!" magiliw kong sagot sabay kaway kaway pa ng tinidor sa ere. "Ay, sorry po," ngisi ko sabay baba saaking kamay.Tuwang tuwa nanaman siya saakin.
"Puwedi na ba mag-asawa ang nagluto niyang adobo?" Medyo malakas na boses niyang tanong.
"Po? Wala pa kayong asawa?"
Humalakhak sa tawa si Nanny Fe. "Hindi naman kasi ako ang nagluto niyan."
"Ah, ganun po? Hmmm, Oo, puwedi na mag-asawa ng nagluto nito, ang sarap kaya!" Sagot ko saka kinagat ang pangatlong hita ng manok.
"May nagsabi kasi saakin na maalat daw."
"Maalat?" Huminto ako saglit para lumunok "Anong klasing taste buds ba meron ang nagsabi niyan? Hindi naman po, masarap, promise."
"Nagdududa na nga siya kung masarap ba talaga o hindi ang luto niya,"
"Nawalan po sya ng self confidence? Hmmm.. Para sa kanya isasakripisyo ko ang adobo ng nanay ko. Rank one itong sa kanya tapos i-ra-rank two ko naman kay nanay.Oh, ayan ha."
Humagalpak sa tawa si Nanny Fe at nilapitan ako. "Ayus ka talagang bata ka!" Sabi niya sabay salin ng juice sa dalawang baso. "Ibig sabihin niyan pasok sa taste mo yung adobo? Sigurado ka ha puwedi na mag-asawa?"
"Opo, sigurado."
Ini-angat ni Nanny ang baso na may lamang juice saka ibinigay saakin. "Dahil dyan, cheers!"
Kunot noo akong nakipag cheers sa kanya bago ininom ang juice. Bakit kailangan mag cheers? Aliw na aliw siya saakin habang puri ako ng puri sa adobo.
"Kanina ka pa diyan, Cholo anak. Alam kong narinig mo lahat ang papuri ni Yumi sa adobo mo, puwedi ka na raw mag-asawa. Rank one pa nga yung adobo mo sa kanya."
Nang ibaling ko ang tingin sa direksyon kung saan nakatingin si Nanny Fe, nakita ko ang lalaking nakabundol saakin weeks ago. Nakahubad-baro itong nakasandal sa hamba ng pintuan.
"A---anak nyo po?" tanong ko kay Nanny matapos lumunok ng sariling laway.
"Siya yung alaga ko, Si Cholo."
"A---ang akala ko bata, matanda na pala?"
"Oo. Sya din ang nagluto ng adobo na nilantakan mo." hagikhik ni Nanny Fe. "Kain ka pa hija, ubusin mo."
Itinuon kong muli ang tingin saakin plato. "Busog na po ako." sabi ko sabay inum ng tubig. Gagi! narinig ba niya lahat ang pinag-usapan namin kanina?
"Cholo, halika."
Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na inabutan ni Nanny Fe si Cholo ng damit mula kung saan. Isang sigundo ko silang tiningnan at nakita kong hinila ni Nanny si Cholo papalapit sa lamesa.
"Umupo ka, alam kong hindi ka halos nagtanghalin kanina."
Sa lahat ng hinilang upuan ni Nanny, yung nasa tabi ko pa!
"Yumi, siya si Cholo, alaga ko. Cholo, si Yumi, inimbitahan ko siya dito dahil tinulungan niya ako kanina sa palengke, muntikan na ma snatch yung pouch ko. Salamat kay Yumi at ligtas ang isang daang libo na pina withraw mo saakin."
"May masama bang ginawa ang snatcher sa'yo Ny?" seryoso niyang tanong saka umupo sa hinilang upuan ni Nanny.
"Salamat sa Diyos at wala naman. Nadala narin sa mga pulis ang snatcher. Teka, hindi lang ba kayo magkakamayan? Pinakilala ko kayo sa isat-isa ah."
"Magkakilala na kami," maikli at diretsong sagot ni Cholo.
"Ha?!" Parang nagbukas ang langit sa liwanag ng mukha ni Nanny Fe. "Paano?"
"Nabundol po niya ako ng sasakyan lastweek," matipid kong sagot.
Inilipat-lipat ni Nanny Fe ang tingin niya saming dalawa, kapagkuwan ay humagalpak naman sa tawa. "Ay! tadhan--- panahon nga naman."
"Nanny.." ibang tonong tawag ni Cholo.
"Ano ba ang kakainin mo nang maihanda ko?"
Umiling siya. "Hindi ako kakain, itatanong ko lang kung napagawa na ba ni Jimmy yung sira ni blackie."
"Oo, bakit sa'n punta mo?"
"Sa mall, magkikita kami ni Gina after her work."
Pumalakpak ng dalawang beses si Nanny Fe na abot tayngang nakingiti saakin. "Tamang tama! Diba sa mall din ang punta mo, Yumi? Diba nabanggit mo 'yon kanina?"
Napa kurap-kurap ako. Narinig pala niya ang tawag ni Sam kanina sa loob ng van. Sinabi kasi nito na alas kuwatro ay dapat nasa mall na ako. "Ha? Ah.. ano po, uuwi pa ako boarding house ko."
"Ahw, gentleman naman itong alaga ko, puwedi ka niyang hintayin. Diba Cholo, anak?" She said shifting her gaze to Cholo. Matiim niyang tinitigan ang alaga niya na hindi ko mawari kung bakit.
Tumayo si Cholo saka naglakad palabas ng kusina.
"Cholo, saan ka pupunta?" kunot noong tanong ni Nanny Fe. Maging ako ay nakatingin sa likod niyang palabas ng kusina.
"Magbibihis na'ko. Hintayin nyo nalang ako sa sala. Nanny paki sabi kay Jimmy gagamitin ko si blackie."
"Okay, anak!"