YVE UMBRIE
"Sa'n ang boarding house mo?"
Tanong niya nang makapasok kami sa itim niyang Lamborghini.
"May terminal naman siguro ng tricycle malapit dito, doon mo nalang ako ihatid."
"Is that an answer to my question? and If Nanny Fe will know na hindi kita inihatid, papagalitan ako n'on. Nakita mo naman kanina kung paano niya ako tiningnan para isabay ka diba?"
Oh, thats it! Tama nga pala, pinandilatan siya ng matanda kanina kaya labag sa loob niya ang isabay ako. Labag naman pala sa loob niya eh, ihatid nalang niya ako sa sakayan ng tricycle!
"Hindi niya malalaman, hindi na kami magkikita ulit," pagrarason ko.
"Malay mo."
"The world is so big."
"Indeed, pero nagkita tayo ulit."
"I wont tell her kapag nagkita kami ulit, I promise."
"Sorry pero honest ako kay Nanny Fe. So, tell me the address para maliko ko na sa tamang direksyon si blackie."
Palihim ko siyang inirapan. "Mc Arthur, malapit sa pharmacy."
Nang nasabi ko na ang address ay namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Natanggal na ba ang tahi sa sugat mo?" basag niya.
"Oo." matipid kong sagot.
"Kumusta naman?"
"Naghihilom na yung sugat which is good."
"Nakapag pageant ka na ba ulit?"
Toink! Paniwalang paniwala siya sa sinabi ni Sam. Umiling ako. "Hindi pa. Hindi na muna siguro hanggang hindi pa tuluyang naghihilom yung sugat ko."
Namayani ulit ang katahimikan hanggang sa nakarating kami sa tapat ng gate ng boarding house.
"Salamat sa paghatid," sabi ko habang tinatanggal ang aking seatbelt.
"Okay, dito lang ako maghihintay."
"Ha?" taas kilay kong tanong.
"Diba sa mall naman ang punta mo?"
"Ah......hindi na...sasakay nalang ako ng taxi mamaya. Matatagalan pa'ko eh, maliligo pa kasi ako."
"I told you, I'm honest to my Nanny."
"I have my reason, so its okay na hindi mo ako masasabay papuntang mall."
Tumango siya. "Okay."
Hay salamat naman at hindi na siya nag insist! "Salamat ulit." Tuluyan na akong lumabas ng sasakyan at walang lingon likod na pumasok ng gate.
As if on cue, nag ring ang cellphone ko pagkapasok ko ng kuwarto.Its Sam.
"Girl nasan kana?"
"Nagbibihis na, ikaw?"
"Papunta na sa mall, bilisan mo."
"Okay,okay, magbibihis na."
"Hintayin nalang kita sa loob ha, alam mo na saan ako uupo."
"Okay, bye."
Nang maibaba ko ang cellphone ay hinablot ko ang tuwalya saka pumasok sa banyo para maligo.
Wearing my white denim short and gray statement tee, nagmadali kong isukbit ang aking sling bag at isuot ang flat sandals bago lumabas ng silid.
Nakatayo ako sa labas ng gate habang nahihintay ng masasakyan. Gagi, mukhang mapapamahal ako ne'to. Kailangan ko nga yatang mag taxi para mas mabilis akong makarating. Thirty minutes ng naghigintay saakin si Sam. Kapag hindi pa ako magmadali, baka bawiin niya yung libreng dinner, sayang naman!
"Ay, Gagi!" bulalas ko nang bumusina ang sasakyan na pumarada sa harapan ko pa mismo. Muntikan ko pa mabitawan ang phone ko!
Napanganga ako habang pinapanuod na bumababa ng salamin ng passenger seat. Teka, kay Cholo to ah.
"Sorry, did I startle you?"
"Akala ko umalis ka na."
"Sabi ko naman kasi sa'yo, honest ako kay Nanny Fe. C'mon, hop in."
Hindi na ako nagdalawang isip pa at sumakay sa passenger seat. Kailangan kong sumakay kasi mag ta-transform si Sam ng anyo kapag natagal pa ako ng another thirty minutes. Isa pa libre, nungcang mag bayad ako ng mahal sa taxi.
Animoy nag lock-jaw ang panga naming dalawa habang nasa loob ng sasakyan. Hindi ako nagsasalita dahil hindi din naman siya nagsasalita.
RrrING! RrrrING! RrrrING!
Its Sam. Paktay'na!
"Hello, Girl?"
"Girl, init na init na itong pwet dito sa kinauupuan ko, nasan ka na ba?"
"Parating na, malapit na."
"I don't believe you. Kanina sabi mo magbibihis ka na, duda ko naliligo ka pa no'n!"
Napakagat labi ako sa sinabi niyang iyon. "Girl, parating na, swear."
Nakatuon ang tingin ko sa harapan ng sasakyan. Habang nakikinig ako sa pinagsasasabi mi Sam sa kabilang linya, na sagi ng mata ko ang rearview mirror. Nakikita ko si Cholo mula sa salamin na seryosong nagmamaneho.
He has diamond-shaped face, well defined jawline and a polished faux hawk haircut. My gaze travelled to his well trimmed bushy eyebrows, lashes to die for, beguiling deep-set emerald eyes down to his proud nose and...... tempting ......lips.
Ay gagi!!!!
Nag-iwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ni Cholo sa rearview mirror.
Susmaryosep! Nahuli ba niya ako? Hindi naman siguro, nag iwas naman ako agad ng tingin. Tama, hindi niya ako nahuli.
"Yumi, nakikinig ka ba? Nasan ka na? Kumain nalang muna tayo, nagugutom na kasi ako. Thirdfloor, doon sa paborito ko."
Narinig ko na ang pangalan ko sa bibig ni Sam, galit na ang babae!
"Ha?! Ahhhh..Yah, malapit na'ko. Okay, in ten minutes nandiyan na ako."
Dahil sa sinabi ko, naramdaman ko namang mas pinabilis ni Cholo ang takbo ng sasakyan.
Nang maiparada niya ang sasakyan sa parking lot ay bumaba na ako, gano'n din naman siya.
"Thank you."
Pa simple siyang ngumiti. "Your welcome," sabi habang inilalagay ang susi sa kanyang bulsa.
"Papasok na'ko." Kinawayan ko siya, tumalikod at naglakad patungo sa elevator.
Nakatayo ako sa harapan ng elevator kasama ang dalawang lalaking katulad ko ay naghihintay rin. Habang naghihintay, itinext ko si Sam na nasa ibaba na ako at huwag na siyang mag-alboroto.
DING!
Pumasok na'ko sa elevator. Kung kanina ay tatlo lang kami, ngayo'y marami na akong kasabayan. Ang lalaking kasama ko kanina sa sasakyan, hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na.
Umatras pa ako ng umatras dahil marami pang pumapasok, mayamaya pa ay naramdaman ko na ang malaming na dingding ng elevator.
Isang matipunong dibdib ang paharap na tumabi saakin. Pamilyar na saakin ang puting polo na suot nito. Hindi ko man iangat ang aking tingin, alam ko na kung sino ang lalaking nakaharap saakin.
Habang naghihintay na umakyat ang elevator, there's this scent that peirce my nostrils and turns-on my attraction! Not too sweet and not too strong scent.It smell like peach, plum, vinilla, patchouli....Aaarggh, gagi! It smells like dessert! Nakakatakam!
Naman...ang tagal mag thirdfloor!
"Are you okay there, Yumi?"
Napa angat ako ng tingin. I met his eyes up close.It's sparking emerald!
"Oo,okay lang ako." Hindi ko na pinatagal ang pagtitig sa kanya at yumuko na.
Palihim akong humugot ng malalim ng paghinga. Grabi, ang bango! Hindi ko sinasadyang mapapikit at namnamin ang mabangong amoy na palapit ng palapit sa ilong ko. Suminghap pa ako ng ilang beses, kapagkuwan ay napalunok. Ahhhh.Nakakabuhay namaman ng pag---
"Ahem."
Nakarinig ako ng tikhim na nagpagising ng aking diwa. Nang nagmulat ako ng mata,gagi! leeg! leeg ang nakita ko!
"Do I smell that good?" A heavenly voice whispered through my ears.
Nag-angat ako ng tingin. Gustong lumuwa ng mga mata ko nang tumama ang ilong ko sa ilong ni Cholo.
"S---sorry."
Bahagya kong binilisan ang aking hakbang nang makatungtong na sa thirdfloor. Agad kong tinungo ang restaurant na paborito ni Sam.
Nang nasa loob na, sinuyod ko ang aking tingin para hanapin kung saan table nakaupo si Sam. Kinawayan naman niya ako kaya agad ko siyang nakita.
"NO."
Napa kunot noo ako sa kanyang bungad nang makaupo sa kanyang harapan. "Ha? Anong no?"
"That statement on your shirt. My answer is NO."
Napangisi ako nang muling mabasa ang statement na nasa aking damit. "Do I make you look fat?" tanong ko sa kanya habang binabasa ang nakasukat sa statement tee.
"No nga. Sesh! Di magtatagal ma-a-achieve ko rin ang bente singkong baywang," sabi niya saka tinirikan ako ng mata. "Pero bago ang lahat kumain muna tayo. Antagal mo, naglakad ka ba?"
Bumungisngis ako. "Hindi, sorry na."
Hindi na kami nag chuk-chakan at umorder na ng pagkain.
"Girl...." pukaw ko kay Sam habang kumakain.Nahinto kasi siya sa pagnguya habang naka tuon ang tingin sa ibang direksyon.
"Tingnan mo."
Lumingon ako kung saan nakatuon ang tingin ni Sam. Si Cholo na may kasamang babae pala ang nakita niya na papasok sa restaurant kung saan kami kasalukuyang kumakain.
"Ganda," puri ko.
"Ay, hindi din," puna naman niya.
Tumaas ang kilay ko sa kanya. " Taas talaga ng standards mo sa ganda."
"Heller! Iba-iba lang ang tingin natin sa ganda."
Ibinalik kong muli kay Cholo at sa babae ang aking tingin. "Maganda naman siya, Girl."
"Kinulang sa height." puna nanaman ni Sam.
"May heels naman."
"Ah basta, hindi sila bagay."
Ibinalik ko na ang tingin saaking kinakain, hindi na ako nakipagtalo pa kay Sam dahil alam ko kung gaano ka taas ang standard niya pagdating sa ganda.
"Teka, bakit ka nga pala nanlibre, anong meron?"
"Nanliligaw sa'kin yung crush ko, I just wanted to celebrate," sabi niya na may mapanlarong ngiti at mata.
"Ah, so nasa pakipot stage ka na?"
Itinaas baba lamang ni Sam ang kanyang kilay bilang sagot.
"Susunggaban mo na?"
"Hmmm.Wag muna."
"Diba ang tagal mo nang crush yun? Kailan mo ba balak sagutin?"
"Bukas na."
"Gagi ka, akala ko sa susunod na buwan pa. Maka pakipot 'to twenty fours hours lang naman pala ang kaya. Ang rupok!"
"Shhhh, baka kasi mawala pa, sayang naman."
Ibinalik namin ang aming pansin sa kinakain, hindi nagtagal ay may nasapansin na naman si Sam.
"Girl... girl.. tingnan mo, dali dali." bulong niya.
"Huh?"
"Tingnan mo yung table ni guwapo at GF niya, ...." Sam pouted his lips to other direction.
Dahan dahan naman akong lumingon sa direksyon ng table na tukoy niya.
"Nag-aaway ba sila?" tanong ni Sam nang makita naming walang ka gana ganang kumakain si Cholo. Sino ba naman kasi ang may ganang kumain kung ang ka date mo ay busy sa cellphone.
"Malay na'tin sa kanila." Ibinalik kong muli ang aking tingin sa pagkain." Puwedi ba Girl, nag fo-focus ako sa pagkain." Pagrarasaon ko. Ang totoo ayaw ko lang maisip yung kahihiyan na nagawa ko kanina sa elevator.
"Wow, 'yan ang gusto ko sa'yo eh, basta pagkain hudas ka. Hinay hinay naman, baka mabilaukan ka."
Nginisihan ko lang si Sam bilang sagot.
Pagkatapos naming kumain, agad na kaming bumaba sa groundfloor para mag grocery.
"Sige itulak mo pa," utos ko kay Sam habang sumasakay sa pushcart.
"Yve Umbrie, bumaba ka nga! Nakakahiya kang babae ka, ang tanda tanda mo na!"
"Girl, back subject ko talaga 'tong pagsakay sa pushcart. Wala kasi 'to sa probinsya namin eh." Hindi parin ako bumababa.
"Okay, sa birthday mo alam ko na ang iririgalo ko sa'yo."
"Pushcart?"
"Hindi, basket."
"Bruhilda ka!"
Bumaba ako ng pushcart at nag presinta na itulak iyon. Kumukuha na si Sam ng mga kailangan niya, maging ako ay nag grocery narin.
"Girl, doon tayo sa fresh, hindi kasi ako nakabili ng carne sa palengke."
Nangunot ang noo ni Sam habang naglalakad kami. "Huh? Diba nasa palengke ka na kanina?"
Oo nga pala, hindi niya alam ang nangyari. "May nangyari kasi kaya hindi natuloy. Tara, samahan mo'ko."
Habang namimili ko ng carne, may napansin akong nakatalikod na lalaki na nakatayo malapit sa estante ng mga prutas.
"Huy, ano? naka pili ka na ng carneng lulutuin mo para sa pangmalakasang dish mo?"
Hindi ko kinibo si Sam kahit narinig ko pa siya. Pinanatili ko ang aking paningin sa lalaki.
"Huy!" Sam snapped his fingers in front of me, pero hindi iyon tumalab para ibaling ang atensyon ko sa kanya.
"Girl, he's here."
Lumingon si Sam sa direksyon tukoy ko. Maging siya ay lumuwa ang mata nang makita sa Erick. Mag-isa itong namimili ng prutas.
"Oh.. my.. prutas!" dahan dahan niyang sambit.
"Girl, nananaginip ba ako?" My heart is pounding!
"No, siya 'yan. Si Erick!" kumpirma niya nang tumagilid ito na pareho namin nasilayan ang mukha.
"Hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon,Girl."
Humakbang na ako papalapit sa kinaroroonan ni Erick. Naglakad ako nang hindi iniaalis ang tingin sa kanya.
Nasa anim na hakbang palang ang nalalakad ko nang hablutin ni Sam ang damit ko at hinila sa likod ng estante ng mga de lata.
"What are doing? Lalapitan ko na si Erick!" nainis pa ko ng bahagya kay Sam dahil sa ginawa niya.
"Now look at that!"
Sabay namin sinilip sa likod ng estante si Erick. He's with a girl!
"Yung akala nating wala siyang kasama, meron pala," sambit ni Sam.
Unti-unting naninikip ang dibdib ko habang pinapanuod ang nakakamatay na eksenang nasisilayan.
Ang lalaking hinintay ko ng mahabang panahon, kapiling na ng ibang babae ngayon!