YVE UMBRIE
"Hello, Bem?"
Sagot ko sa tawag ng kapatid kong si Bem-Bem. Kasalukuyan akong naglilinis ng aking silid.Nakasanayan ko na mag linis ng buong silid tuwing weekend.
"Ate Yumi, kumusta ka na diyan?"
"Okay naman ako Bem.Si nanay at tatay kumusta naman?"
"Mabuti naman po ate. Si tatay abala sa pag-aalaga ng apat na baboy, si nanay naman nasa tindahan nagbabantay."
Apat na buwan na ang nakalipas mula noong nagpadala ako ng pera kina tatay para bumili ng biik. Iyon kasi ang kahilingan niya sa kanyang kaarawan, para mayroon daw siyang pagkakaabalahan. Ang maliit na tindahan naman ni nanay ay naipatayo namin noon nakaraang taon pa.
"Ikaw Bem, kumusta naman ang pag-aaral mo?"
"Mabuti naman po ate, gaya ng lagi mong paalala, nag-aaral po akong mabuti."
"Si Miguel, nasan siya?" tukoy ko ang kapatid naming lalaki na katulad bi Bem-Bem ay nasa kolehiyo narin.
"Nandidito po sa tabi ko nakikinig. Ate, may sasabihin kasi kami sa'yo."
"Ano yun?" Narinig ko pang nag tutulakan ang dalawa kong kapatid kung sino sa magsasabi sa kanilang dalawa.
"Bem, ikaw na ang magsabi. Ano ba'yun?" Pinili ko na si Bem-Bem dahil siya naman ang mas nakatatanda kay Miguel.
"Ate...Malapit na po kasi ang exam," mahinang sagot ni Bem-Bem. "Yung buwanang renta po sa sakahan, kinulang po kasi sa gamot ni tatay ngayong buwan."
Kahit papaano ay may dalawang ektaryang palayan naman kami. Ito 'yong sinasaka ni tatay noon para mairaos ako sa kolehiyo. Natigil tatay sa pagsasaka noong napapadalas ang paninikip ng dibdib niya. Napagpasyahan nalang naming pamilya na parentahan nalang ito para kahit papaano ay may pera kami buwan-buwan para sa pagkain at gamot ni tatay.
Ikinubli ko ang aking buntong hininga. "Oo, Bem, may budget ako para diyan. Magpapadala ako nextweek."
Hindi biro ang magpaaral ng dalawang kapatid sa kolehiyo.Mabuti nalang at nasa huling taon na si Bem-Bem ngayon, samantalang sa susunod na taon naman magtatapos si Miguel.
"Talaga po ate?"
"Oo naman, magpapadala ako ng pambayad para makapag exam kayong dalawa. Mag-aral nalang kayong mabuti para sa exam, huwag na ninyong alalahanin ang bayad ako na ang bahala doon."
"Salamat ate!" singit ni Miguel.
"Miguel, mag-aral kang mabuti ha.."
"Opo ate, nag-aaral po akong mabuti."
Ito ang dahilan kung bakit kinakaya ko. Alam kong maaasahan ko ang mga kapatid ko pagdating sa pag-aaral. Maraming beses na nila pinatunayan saakin na hindi nasasayang ang pagod ko para sa kanila.
Nang magkapag-paalam at naputol ang linya, pabagsak akong nahiga sa kama. Sa'an ako kukuha ng pambayad? May pera naman ako dito dahil kakasuweldo lang namin, pero kulang. Kailangan ko ng raket.
-kinahapunan-
Isang taon na akong naghihintay,
Hinihintay ka sa'yong paglalakbay,
Bawat pintig ng puso ko, hinihintay ang pag pagdating mo.
Ako'y sabik na sabik, sa'yong pagbabalik.
Umaasang madudugtungan pa
ang mga pinagsaman nating mga kabanata.
Inaalala ang mga pangako sa bawat pahina,
Mga pangakong tutuparin na ikaw ang kasama.
Halikana, umuwi ka na.
Sabik na akong makasama ka. Sana'y hindi mo ako nakalimutan,
Mga mukha mo'y gusto ko na masilayan.
Nilukot ko ang papel na may nakasulat na tula, kapagkuwan ay itinapon iyon sa basurahan kasama ang lahat ng mga tula na ginawa ko para sa lalaking yon! Tinapon ko rin ang mga gamit na makakapagbalik ng ala-ala ko na kasama siya.
Akala ko, sa kanya ko matatagpuan.
Pag-ibig na sinasabi nilang walang hanggan.
Pero hindi paman iyon naisasakatuparan.
Puso ko ay kanya ng pinaglaruan.
Tapos na, wala na!
Ayaw ko na magpakatanga!
Sapat na ang isang taon na ako'y umasa.
Isang taong walang nagawa, kundi pakiusapan ang tadhana.
"Gagi! Napapatula nanaman ako. Tama na nga Yumi!" saway ko saaking sarili habang isinisiksil ang lahat ng mga papel at gamit sa basurahan.
RING! RING! RING!
Hinugot ko mula sa bulsa ang cellphone at ikinunekta ang linya.
"Girl?" sagot ko.
"Nasan ka?"
"Nasa boarding house." Hindi ko naitago ang hikbi sa kabilang linya. Kinalma ko ang aking sarili at pinahid ang aking mga luha.
"Umiiyak ka ba?"
"Hindi," pagsisinungaling ko.
"Hayyyy! Petmalu ka kung maka emote. Isang taon mo rin ba iiyakan ang lalaking 'yon?"
"Harsh mo sa'kin, isang araw pa naman akong absent ah."
"Kailan mo balak lumabas dyan sa lungga mo?"
" Girl,wag mo naman akong sermonan please"
"Girl, sesermonan talaga kita kasi kaibigan kita.Ayaw kong nakikita kang ganyan. Hindi 'yan ang Yuming kilala ko."
"Girl, hindi parin talaga mawala sa isip ko ang nakita natin eh. Ganun nalang ba kadali ang kalimutan ang mga pinagsamahan namin?" Nag uumpisa ng magaralgal ang boses ko.
" Oh..oh.. Iiyak kananaman... Hays! . Alam mo yung lalaking yun sa totoo lang, di nan sya kawalan sayo eh"
"Ano bang nagawa kong mali, Girl? Mababaliw nalang ako sa kaiisip wala talaga eh"
"Wala, kasi wala naman talaga. Bahala ka, magkaroon ka pa ng tiririt sa utak sa kaiisip niyan. Ikaw rin, Yumi tiririt."
Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi niya.
"Haaaay! Hindi kita matiis babae ka. Magbihis ka di'yan manlilibre ako ng dinner."
Kumalembang yung taynga ko sa sinabi niya. "Talaga? Anong meron?"
"Mag si-celebrate tayo."
" I-si-celebrate ang alin?"
"Ang pagiging single mo!"
"May pa ganon pa talaga?"
"Oo naman! Exchange court na tayo. Ikaw naman ang single, ako naman ang taken!" Maharot pa ang tono niya sa dulo.
"Landi!"
"Blehh!" sinundan pa niya ng halakhak ang sinabi niya. "Girl, may raket na ako para doon sa problema mo."
Best supporting best friend ko talaga si Sam! "Talaga? nahanapan mo ako ng pageant na sasalihan?"
"Hindi. Hindi pageant "
"Eh, ano?"
"Mamaya na natin pag-usapan. Basta sa Grill Corner tayo mamaya."
Alas-syete ng gabi nang magpakita ako sa kanya sa Grill Corner. Isang Simpleng kainan na patok na patok sa kanilang mga grilled foods.
"Anong nagyari dyan sa itsura mo?" naka busangot na bungad saakin ni Sam.Hindi kasi ako masyadong nag-ayos ng sarili. "Nagsuklay ka lang man ba? Sa anong era ba'yang peg mo?" dagdag niya.
"Girl, tinamaan ako ng katamaran. Napagod ako sa pagtapon ng mga gamit ko kanina na may kinalaman sa lalaking 'yon." walang ka buhay buhay kong sagot.
"Mabuti naman at tinapon mo, nang hindi mo na siya maalala at tuluyan mo na malimutan."
Hinila ako ni Sam papasok sa ladies room. Ayaw niyang magmukha akong alalay niya kaya inayusan niya ako.
"Girl, ano yung raket na nasagap mo? Kailangang kailangan ko na kasi ng datong. Yung sinabi ko sa'yo, exam na ni Bem-Bem at Miguel," sabi ko habang nagpapahid ng tissue sa bibig pagkatapos kumain.
"Madali lang naman, wala kang ibang gagawin kundi a-atend ka lang ng party."
"Yun lang? Magkano?"
"Malaki, twenty thousand."
My mouth formed an O shape. May raket bang ganun? Twenty thousand, tapos aatend lang ng party?
"Really? Aattend lang ng party ganun na kalaki? Sinong kasama ko? May role ba ako sa party?" sunod sunod na tanong ko habang iniaangat ang baso para uminom.
"Escort girl."
Sa pagkagulat ay lumabas sa aking ilong ang tubig na iniinom ko.
"Okay kalang, Girl?" nakatangang tanong ni Sam.
Pinahid ko ng tissue ang aking ilong at bibig bago sumagot. "Gagi, nagulat ako sa sinabi mo." nagpalingon-lingon pa ako sa paligid at baka may makarinig "Escort girl?" bulong ko.
Tumango sabay hagikhik si Sam bilang sagot.
"Seryoso ka ba, girl? Diba...diba ano yun?"
Tinirikan niya ako ng mata. "Hay naku, walang extra service yun, pure escort lang."
"Wheeee...?" taas kilay akong hindi naniniwala.
"Baliw, wala nga!"
I sigh. Nag-isip pa ako ng ilang sigundo. Mas nanaig ang twenty thousand sa isipan ko ke'sa sa magiging trabaho ko. "Sige, laban!"
..... ...... .......
Dahil galing naman si Trixie ang source, siya narin ang nag-ayos saakin kinabukasan. Alas-otso na ng gabi nang matapos niyang ayusin ang aking buhok. Trixie transformed my hair into a simple but sophisticated windblown updo.My intire makeup look shines with a well-done, dramatic smooky eyes and a rebellious lips in a shade of wine-red.
It feels like I'm sparkling under the stars with this black sequinned long one shoulder dress with fitted slit skirt. The asymmetrical neckline reveals my visible collarbone. My sight travels down to my exposed narrow space between my proud hooters and to my thin and slender curves. I love my slit on the legs which allows me to move freely around.
"Gandooooo!" tili ni Sam nang makita akong handa na.
I grin. "Thanks,girl."
"Yumi, maghanda ka na dahil paparating na yung susundo sa'yo. Gaya ng sinabi ko ha, saakin mo kukunin ang twenty thousand bukas. Trust me, wala extra service 'yan. Take note, wag kang iinom para alam mo ang ginagawa mo sa party. Ihahatid ka'rin nila pagkatapos."
"Okay," sagot ko sabay thumbs up.
"Good, oh heto." Iniabot saakin ni Trixie ang itim na maskara. It's a masquerade party.
Hindi ko maiwasang nakaramdam ng kaba habang nasa loob ng sasakyan na sumundo saakin. Kasama ng driver ang isang babaing naka uniporme at naka upo saaking tabi.
Nagpakilala siyang si Kelsea, naatasan raw siyang sunduin ako para ihatid sa Fermount Hotel.Tinanong ko siya kung sino ba ang e-escortan ko pero hindi niya sinabi. Matanda na kaya yung e-escortan ko? Fourty? Sixty? Or baka Eighty? Naku naman bakit ngayon ko lng naisip 'to?!
Pagkarating sa Fermount Hotel, pinagbuksan ako ni Kelsea ng pintuan.
"Thank you."
"Sumunod po kayo saakin, ma'am"
Kelsea lead the way. Kumunot ang noo ko nang nakarating kami sa isang tahimik na pasilyo.Nag-umpisa akong kabahan, ang sabi saakin party, bakit ang tahimik?
"Ma'am tatawagin ko na si Sir, please maghintay lang po kayo ng ilang sandali dito. Siya narin ang magdadala sa'yo sa event hall," Kelsea explained.
"Okay." sagot ko pagkatapos tumango.
Habang naghihintay, isinuot ko ang itim na maskara. Dahil hindi pa naman dumadating yung e-escortan ko, nagtext muna ako kay Sam para ipaalam sa kanya na nakarating na ako sa Fermount Hotel.
"Aaah!!"
Bulalas ko nang hinatak ng kung sino ang aking kamay.Muntikan ko na naman mabitawan ang cellphone ko.
"Let's go, you're my escort right?"
Maryosep naman oh! Alam ba niyang naka heels ako? Sa laki ng hakbang niya na pinapantayan ko, anytime puwedi akong masobsub.
"Yeah..." maikli kong sagot.
Napako ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. It's properly locked. Nang ituon ko ang tingin sa mukha niya, bigo akong matingnan iyon ng maayos dahil parehong natatakpan ng maskara ang parteng ibabaw ng aming mukha.
Kanina ay nasa isipan ko na baka nasa forty, sixty or eighty na ang edad ng e-escortan ko, but it turns the other way. Based on my jugment,magka edad lang kami or mas matanda lang siya saakin ng slight.
My escortee's suit speaks the symbol of his status. Hindi naman ako expert sa mga mamahaling suot ng lalaki, pero hindi din naman ako zero knowledge pagdating doon.
Hopefully, my escortee's was as awsome and gentleman as he look.Ay, mali. Hinatak nga pala niya ako ng walang pasabi kaya ekis na siya sa pagiging gentleman.
Nang huminto kami sa tapat ng malaking pintuan ay binawi ko ang aking kamay.
"Nandidito na tayo." imporma niya.
"Okay."
"Just go with the flow."
Magsasalita pa sana ako nang magbukas ang malaking pintuan na nasa aming harapan. Nang inalok niya ang kanyang braso ay hindi ako nagdalawang isip na humawak ako 'don.
"Let's go inside."
Hindi na ako sumagot, pagkuwan ay sabay kaming humahakbang papasok sa event hall.
Nasa loob nga ako ng event hall, pero hindi ko alam kung para saan ang masquerade party na ito. Diba ang ganda ko 'don?
Gold, black and silver. Iyan ang mga kulay na bumabalot sa buong event hall nang kaming dalawa ay nakapasok.
Ang bawat isa ay nakasuot ng eleganteng damit na tila sumasalamin sa kanilang antas. May mga panauhin na nakatago ang kalahati ng kanilang mukha sa likod ng maskara, mayroon din namang halos hindi.
Sa glamorosong pagdiriwang katulad nito, naipapakita na hindi ordinaryon ang mga taong nasa loob ng event hall. The party speaks for the attendees power and status - highclass businessman, lawyers, CEO's and other people in a high position in the society.
Batian dito, kumustahan doon. Chikahan dito, tawanan doon. Halos lahat ay may hawak na champagne glass sa kanilang kamay. Mga magkakilala na nag-uusap na nagkukumpulan sa kani kanilang mga lamesa.
Iyan ang eksena na nasasaksihan ng aking mga mata. Pero kaming dalawa nitong escortee ko, pagdating na padating namin ay umupo kaagad kami sa isang hindi ukupadong lamesa na may apat na upuan. Walang kumausap sa kanya, hindi din naman siya lumapit sa kahit na sino. Sa dinami dami ng bisita, ni isang tao na pinagbuksan niya ng bibig para kausapin ay wala. As in wala.
Ang salbahe siguro ng ugali ng lalaking 'to kaya walang gustong kumausap sa kanya.
Katulad ng ginagawa niya, nagmasid nalang rin ako sa paligid. Makalipas ang ilang minuto napasin kong tutok ang kanyang mga mata sa isang babae di kalayuan saaming kinauupuan.Panay ang tawanan at toast ng babae habang nakikipag-usap sa mga kasama niya sa lamesa.
Hindi ko na mabilang kung ilang baso na ang nainom nitong nasa tabi ko. Bahala siya sa buhay niya kung matamaan siya ng iniinom niya. Ang importante ay hindi ako iinom para hindi ako malasing! Aware na aware pa ako sa paalala ni Trixie. Isa pa, aware din ako kung gaano ka baba ang alcohol tollerance ko.
Yung panga kong nag lock-jaw dahil hindi ako kinakausap ang katabi ko ay bigla nalang nalaglag.
Is this real? He's here? Erick?
Of all people!
Yung baso na nasa kamay ng kasama ko ay bigla ko nalang hinablot sa kamay niya at nisang lagok iyon. Ang tapang!
Napangiwi ako sa tapang niyon. Nanibago ako sa hagod ng ininom ko saaking lalamuna, para akong iminom ng seventy percent alcohol. I mean, yung dissinfectant.
"That was suppose to be my shot," he uttered with a dead voice.
"I'm sleepy, so I need wake myself up," sagot ko sabay lapag sa baso.
"Want more?"
"Yes please." sagot ko habang binabato ng matatalim na tingin ang nakatagilid na bulto ni Erick.