YVE UMBRIE Isang nakakatakam na amoy ng ulam ang nagpagising ng aking diwa kinabukasan. Nilaliman ko pa ang paghugot ng aking hininga. Grabi, amoy palang ang sarap na! Walang duda, adobo ang amoy na bumalot sa buong kuwarto ko. Nang imulat ko ang aking mata, ang nakabukas na pintuan ng kuwarto ang unang nahagip ng paningin ko. Tama, iniwan kong nakabukas iyan lagabi dahil... "Hala!" Mas lalong gumulo ang buhok ko matapos kong bumalikwas pa-upo. Sa naalala ko kagabi, nakatulog si Cholo sa braso ko kaya ako napaupo sa sahig habang nakahilig sa sofa. Kung ganon, bakit nandidito ako sa kuwarto? Habang iniisip ang mga posibleng nangyari, unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Binuhat kaya ako ni Cholo papunta dito sa kuwarto ko? Tuluyan ko nang nasapo ang aking magkabilang

