YVE UMBRIE Nag-inat ako at napahikab. Kasalukuyan akong nasa ilalim ng makapal na kumot ni Cholo. Anong oras na kaya? Alas-onse kaninang umaga nang mahiga ako dito s kuwarto. Dumating na kaya siya? Bumangon ako at nilingon ang digital clock na nakapatong sa bedside table. Alas-singko na. Limang oras din pala akong nakatulog. Nang isuyod ko sa buong kuwarto ang aking tingin, nahinto ang aking pansin sa pulang upuan na parang slide. Ano kaya talaga ang gamit ng furniture na'to? Nasa isang furniture company ako nagtatrabaho pero nabobobo ko sa isang 'to. Dahil sa kinakain ako ng aking kuryosidad, bumangon ako at umupo sa pulang upuan na'yon. Ngayong naka upo na ako dito sa sofang hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang hugis, in fairness naman malambot pala siyang upuan. Sumandal ako

