YVE UMBRIE "Happy Birthday Yumi!" Bati saakin nina Sam, Tristan,Trixie, Creg, Zella at Apple. Kasalukuyan kaming nasa dalampasigan para e-celebrate ang birthday ko na ilang linggo na ang dumaan. Lumapit sa akin si Apple na hawak-hawak ang kulay light brown na cake. "Blow your cake!" tili ni Apple. Nang mahipan ko ang cake ay isa-isa nila akong niyakap. "Thank you, guys!" "Unaw na uhaw na ang camel, buksan na'yang rum!" ani ni Sam na inaayos ang mga baso. Nagsindi si Creg ng bonfire sa dalampasigan kaya doon ako naupo sa buhangin malapit sa mainit na apoy. Inilapag ni Apple ang cake malapit sa akin. "Anong klasing cake 'to Ple? Mukhang masarap." "Basta pagkain talaga, oh!" singit ni Zella na ikinangiti ko. "That's Russian Honey Cake, yup, masarap yan tikman mo." Pagkasabi ni Appl

