Natinag si Aliyah sa sunod-sunod na paglagabog ng gate. Hindi niya alam ang gagawin kung papasok ba siya sa loob ng bahay at mag lock o kung haharapin niya ang babae sa labas na gustong magwala. Sa huli pinili niya itong harapin baka magsilabasan ang mga kapitbahay kung patuloy na mag iskandalo ang babae. Ang babae ay galit na sinalubong siya ng tingin. Naka dress ito hanggang talampakan ang haba. Napako ang tingin ni Aliyah sa bandang tiyan ng babae ng maaninag ang maliit na umbok nito. Bigla siyang nabahala baka buntis ang babae at baka ma pa'no ito kung hindi siya huminahon. "M-miss, hindi ako kabet ng asawa mo," mahinahon na sabi ni Aliyah. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Baka nagkamali ka lang." Matulog na suminghap si Nyxia. "Talaga ba hindi ka kabet ng asawa ko? Miss, whatever

