"What the f**k are you saying!?" Galit na hinila ni Aliyah papasok sa loob ng bahay ang lalaking lasing. Muntik pang masubsob si Dylan dahil sa bigla. Pabalyang binitawan ni Aliyah ang lalaki at confuse na hinarap ito. Namumungay parin ang mata ni Dylan sa kalasingan na nakipagtitigan kay Aliyah. "Are you out of your mind?!" pa singhal na sabi nito. " Sa sinabi mo sa akin sa tingin mo hindi ka isang baliw? May asawa ka! Dios ko naman, Dylan." Napahawak si Aliyah sa kanyang dibdib. Gusto niyang suntokin ang lalaki ng mahimasmasan ito at matauhan na isang kabaliwan ang kanyang sinabi. Galit na sinamann niya ng tingin ang lalaki na hindi mapirmi sa kanyang kinatayuan. "Umuwi ka," aniya at itinuro ang pintuan. "Ipahinga mo 'yang utak mo mukhang d'yan napunta ang alak na ininom mo," napas

