"Iiwan mo kami ni mommy?" usal ni Cianne na nakatago ang kalahating katawan sa hamba ng pintuan. Galing siya sa kapitbahay nakipaglaro at nadatnan niyang nagtatalo ang kanyang mga magulang. "May iba ka ng pamilya? Iiwan mo na ako?" dugtong niya habang nag uunahan na lumandas ang mga luha sa mata. Natigilan naman ang mag- asawa. Tila hindi alam kung ano ang sasabihin. Ngunit hindi na nila kayang itago pa ang sitwasyon na mayroon sila dahil narinig iyon lahat ni Cianne. Pamilyar siya sa mga salita na binitawan ng mga magulang niya at alam nito kung ano ang ibig sabihin. Bumubuka ang bibig ni Dylan ngunit walang salita na gustong lumabas doon. Alam niya na darating ang araw na ito ngunit hindi niya napaghandaan ang makita si Cianne kung gaano ito nasasaktan at naguguluhan ngayon. Hilaw na

