Habang nandoon si Cianne kay Dylan inaabala naman ni Nyxia ang sarili sa paghahanap kung saan na ngayon nakatira si Aliyah. Hindi pa siya tapos sa babae. Gamit ang ibang sasakyan nagmamasid siya sa bawat lakad ni Kisses ngunit wala rin siya napala. Mauubos lang ang oras niya sa pag aabang. Bago magdilim kinuha na ni Nyxia si Cianne kay Dylan. Hindi na siya bumaba ng sasakyan. Nasasaktan parin siya sa nangyari sa kanila ni Dylan at hindi niya kayang humarap sa lalaki na maging casual kahit para na lang sa bata. Alam naman na ni Cianne kung ano ang sitwasyon nilang dalawa ni Dylan kaya hindi na kailangang magpanggap pa ni Nyxia sa harap ng bata. Masaya ang kanyang anak ng sunduin niya ito ngunit may kaakibat ng lungkot ngunit kahit ganoon man niyakap parin siya ni Cianne at madamdaming n

