"Sir, may hint na kami kung nasaan ang anak niyo." Humigpit ang hawak ni Limerence sa kanyang baso na may lamang alak sa balitang narinig. Pagkatapos ng ilang buwan na paghahanap, natagpuan na rin sa wakas ang kanyang anak. Problemado ang ginoo sa kinakaharap na financial crisis ng kanilang negosyo. Dahil sa nangyari tuluyan ng pinutol ng mga Lim ang ugnayan sa kanila. Nawalan rin sila ng investors kaya lalong nagalit si Limerence kay Aliyah. Kaya hindi siya tumigil sa paghahanap dito. Nais niyang pagbayarin si Aliyah sa kahihiyang natanggap niya at sa pagdamay nito sa pagbagsak ng kanilang kompanya. "Ihanda ang sasakyan. Aalis tayo," lumagitgit ang ngipin nito hindi na siya makapaghintay na makaharap ang naglayas nitong anak. Dumapo ang tingin niya kay Alyssa. Malamig niya itong tiningn

