"Aliyah, ayos ka lang?" labis ang pag alala na usal ni Kisses habang sinusuri ang katawan ni Aliyah. "Nasugatan ka ba? Sandali, tatawagan ko si Sir Dylan-" "Hindi na kailangan," pagpigil ni Aliyah. Tinulungan niyang makatayo ang sarili habang naka alalay naman si Kisses sa kanya. "Anong hindi kailangan?" masama ang loob ng tanong nito. "Kailangan iyon dahil subra na itong pananakit ni Ma'am Nyxia sayo. Dapat nga i-report mo yun sa pulis e. Physical abuse na yun-" Napahilamos sa sariling palad si Aliyah. Hindi pa nga lubusang gumaling ang pasa sa katawan na natanggap niya kay Nyxia may panibago na naman siyang natanggap. Nasisiguro niyang namaga ang pisngi niya sa ginawa ni Nyxia. Gusto man ni Aliyah na pagbayarin si Nyxia sa pananakit nito ngunit nagdadalawang-isip siya dahil baka lalo

