Naka awang ang labi, nahahabag na nakatingin si Kisses kay Aliyah kung paano siya pinahiya ni Nyxia sa maraming tao. Gusto niya itong lapitan at tulungan ngunit napako ang kanyang mga paa sa labis na pagkabigla ng makita ng dalawang mata niya kung anong kahihiyan ang sinapit ng kaibigan. "Di ' ba siya rin ang babae na iyan na pinahiya doon sa labas ng simbahan noong linggo?" "Oo siya yun. Nasaksihan ko kung paano siya ipagtanggol ni Dylan. Tahimik lang siya habang binabato siya ng mga masakit na salita." "Naku kawawa naman. Sa tingin ko hindi naman siya nagsisinungaling. Sa hitsura niya mukhang hindi naman siya ang tipo ng babae na papatol sa may asawa na. Ang ganda niyang bata." "Hindi talaga siya kabit ni Dylan. Wala silang relasyon dalawa. Kapitbahay ko iyan si Aliyah at minsan kong

