Bagong bahay, bagong buhay. Ang mga plano nilang gawin sa bago nilang bahay ay unti-unting nagagawa. May garden na sila sa likod ng bahay. Mga iba't ibang gulay at may prutas din. Sa harap naman pina landscape lang nila ayon sa design na gusto ni Aliyah. Sa kabilang bahagi ng bakuran ginawa niya iyon na mini playground habang sa kabila naman ay doon ang kubo na maari niyang paglagyan ng paninda at tambayan ng mga taong bibili. Kaya lang hindi na pumupunta si Cianne sa bahay nila. Kapag tinanong niya si Dylan ang rason ng bata pagod siya sa school. Kahit weekend hindi na siya nagpapakita kay Dylan. Nalungkot si Aliyah ng malaman iyon. Sinisisi niya ang sarili niya. Hindi lang siya nagbibigay ng senyales kay Dylan. "Intindihin mo na lang ang bata. Huwag mong pilitin. Huwag mong pwersahin

