“Nyxia, hanggang kailan mo ba kami perwesyuhin?!” iritableng singhal ni Joli. “Halos kada linggo ka na lang pabalik-balik sa hospital. Hindi ka naman nagbabayad ng tao para magbantay sayo!” “Kami pa ba ang mag problema sa kaiisip ng pagbabantay sayo?!” segunda ni Patrice. “May buhay rin kami. Hindi lang sayo umiikot ang araw namin para bantayan at asikasuhin ka dito.” Nyxia close her eyes pretending not to hear what her sister's say's. Pagod na rin siya sa pabalik-balik sa hospital. Ngunit anong magagawa niya gayong ito ang kalagayang kinakaharap niya? “Mabuti sana kung ilang buwan lang na ganito,” buntonghininga na reklamo ni Joli. “Nyxia, dalawang taon ka ng pabalik-balik sa hospital! Kulang na lang gawin mo na itong bahay!” padabog na tumayo ang ate niya at napailing na lumabas ng ba
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


