MAHINANG napaungol si Shea nang maramdaman ang mga labing humahalik sa kanya, ganoon din ang kamay na naglalandas sa katawan niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nasalubong ang asul na mga mata ng lalaking iyon na nakamasid sa kanya. Agad na sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya nang makilala ito.
“Spencer…” bulong niya sa pangalan nito. Gusto niya ang pangalan nito, ang lahat-lahat dito. Kahit ngayon pa lang sila nagkakilala ay agad niya nang nagugustuhan ang lalaking ito. It was foolish, yes, pero hindi niya magawang pigilan ang sarili.
Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Spencer. “Sorry for waking you up,” sabi nito. Bahagya itong lumayo sa kanya at naupo sa kama. “Hindi ko lang napigilan ang sarili ko.”
Napalabi siya at inabot ito para hilahin pabalik sa pagkakahiga sa tabi niya. Gusto niyang patuloy na maramdaman ang init ng katawan nito. Tumawa ito at sinunod naman siya. Malawak siyang napangiti at iniyakap ang isang braso sa katawan nito, ipinatong niya naman ang ulo sa dibdib nito. Naririnig niya na ngayon ang pagtibok ng puso nito. Napabuntong-hininga siya. Bakit pakiramdam niya ay sobrang lapit niya na dito? Pakiramdam niya ay napakatagal na niya itong kakilala kaya komportable na siyang gawin ang mga bagay na iyon.
Napatingala siya dito nang maramdaman ang paghaplos ng isang kamay nito sa mahaba niyang buhok. Sinalubong lang nito ang tingin niya. They remained like that for a long while – staring at each other without uttering any word. And to her horror, she never felt bored with that, instead, she felt so light and so blissful. He was a stranger but she already liked him. Gusto niya itong mas higit na makilala, gusto niyang magtagal pa ang panahong magkasama sila.
Maya-maya ay lumipat ang kamay nito sa pisngi niya at masuyong hinaplos iyon, patungo sa mga labi niya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin, Shea? That you were a virgin?” tanong nito, nasa tinig ang pagka-seryoso.
Humugot siya ng malalim na hininga at hinigpitan ang pagkakayakap dito. “H-Hindi ka naman nagtanong,” mahinang tugon niya. Tumingin siya dito. “Mahalaga pa ba ‘yon?”
May dumaang inis sa mga mata nito. “Mahalaga iyon para sa akin, Shea,” sabi nito, medyo tumaas na ang boses. “Nasaktan ba kita ng sobra? May masakit pa rin ba sa’yo ngayon?” puno na ng pag-aalala ang mga mata nito.
Umiling siya kahit na nakakaramdam pa siya ng hapdi sa ibabang parte ng katawan. Hindi niya gustong malaman nito iyon at mag-alala pa ito ng sobra. Dinampian niya ng mabilis na halik ang baba nito. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon, sinunod niya lang ang ibinubulong ng puso niya. “Hindi naman ako gaanong nasaktan,” sagot niya.
Lumamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Lumipat ang kamay nito sa buhok niya at marahang sinuklay ng mga daliri nito ang buhok niya. Bumuntong-hininga ito. “Bakit mo ginawa ito, Shea? Puwede ko bang malaman?”
Natigilan siya sa tanong nito. Tiningnan niya ang lalaki. Sasabihin niya ba dito ang pino-problema niya? Hindi niya na naman napigilan ang pangingilid ng mga luha nang maalala ang kapatid. Wala naman sigurong masama kung sabihin niya dito. Kahit hindi niya pa ito gaanong kakilala ay pakiramdam niya ay gusto niyang mag-open up dito, gusto niyang makaramdam ng kahit katiting na comfort mula dito. Hindi niya na kaya pa ang patuloy na dalhin ang bigat sa dibdib niya. Hindi niya na kaya pang kimkimin ang lahat ng sakit na nararamdaman dahil sa pangyayari sa pamilya niya. “D-Dahil k-kailangan ko ng pera,” hikbi niya.
“Ssshhh…” pagpapatahan nito sa kanya. “Huwag kang umiyak. Sabihin mo sa akin, anong nangyari? Bakit kailangan mo ng malaking halaga? Makikinig ako. Sabihin mo sa akin. Gusto kong maintindihan kung bakit mo pinasok ang bagay na ito?” may nahimigan siyang pagmamakaawa sa tinig ng lalaki.
Ibinalik niya ang tingin dito. Nakikita niya ang kaseryosohan sa mukha nito kaya hindi na siya nagdalawang-isip at ikinuwento dito ang lahat ng nangyari sa kapatid niya. Hindi nito naitago ang pagkaawa para sa kanya, lalo na sa nakikitang pagluha niya. Pagkatapos niyang magkuwento ay niyakap siya nito ng mahigpit.
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at doon humagulhol. Ngayon lang may yumakap sa kanya ng ganito. Ngayon lang siya nakaranas na i-comfort ng isang tao. Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon hanggang sa tumahan na siya. Pakiramdam niya ay nabawasan na ang bigat na nasa dibdib niya. Pakiramdam niya ay may kung anong liwanag ang sumilay sa buhay niya nang muling magtama ang mga mata nila.
“He’ll be okay,” basag nito sa katahimikan. “Gagaling din siya,” ngumiti ito at maingat na kinalas ang pagkakayakap sa kanya. Bumangon ito at naglakad patungo sa isang parte ng bedroom area na iyon. Nagtataka lang na nakasunod ang tingin niya dito.
Pinilit niya ang sariling bumangon at maupo sa kama. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang kaunting kirot sa parte ng pagkababae niya. Mabilis siyang napatingin kay Spencer at lihim na nagpasalamat nang makitang nakatalikod pa rin ito. May ginagawa itong kung ano.
Tatawagin niya na sana ito nang muli itong humarap at naglakad pabalik sa kama. She licked her lips at the sight of his well-built body in front of her, her eyes focused on his maleness. Bumalik lang ang tingin niya sa mukha nito nang marinig ang pagtikhim nito.
Nakangisi na ang lalaki. “What are you looking at, Shea?” tudyo pa nito. Naupo ito sa kama at hinalikan ang bahagyang nakaawang na mga labi niya.
Pinamulahan siya ng mukha at inilipat na lang ang tingin sa hawak nito. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang mapansing isa iyong tseke. Iniaro nito iyon sa kanya. Sa nangangatal na mga kamay ay kinuha niya iyon.
Nadagdagan ang pagkagulat niya nang makitang isang milyong piso ang nakasulat doon. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki. “H-Hindi ito ang nasa usapan natin, Spencer,” napailing siya. “Kalahati lang nito ang kailangan ko. A-ayokong—”
Naputol ang sinasabi niya nang sakupin na naman ng mga labi nito ang mga labi niya. Hindi niya na napigilan ang sariling tugunin ang mainit na halik nito. Pareho silang naghahabol nang hininga nang maglayo ang mga labi nila.
Ikinulong nito sa dalawa nitong kamay ang mukha niya. “Gusto kong ibigay sa’yo ‘yan, Shea,” sabi nito. “Hindi, hindi para sa’yo, kundi para sa kapatid mo. Gusto kong itago mo iyan. Magtatampo ako kapag hindi mo iyan tinanggap.”
Patuloy lang siya sa pag-iling. “P-Pero, Spencer, sobrang—”
“Gusto mo bang magalit ako sa’yo?” putol uli nito sa kanya.
Napalabi siya at marahang umiling. Muli na namang namukal ang mga luha sa mga mata niya. Lumapit siya dito at niyakap ito ng buong higpit. “Thank you,” buong pusong pasasalamat niya. She sat astride his lap and stared at his blue eyes. Itinaas niya ang isang kamay at marahang hinaplos ang buhok nito. “You are so handsome,” nasambit niya na ang kanina pang ibinubulong ng puso niya.
Ngumiti ito. “And you are so beautiful,” bumuntong-hininga. “Gusto mo ba munang kumain? Nagugutom na rin ako. We can have our midnight snack,” tumawa pa ito.
Sinabayan niya ang pagtawa nito at marahang tumango. “Kailangan pa bang lutuin?” tanong pa niya.
“Hindi,” sagot nito. “May chocolate cake and pizza pa ‘ata ako sa fridge. Initin na lang natin ang pizza.”
Muli siyang tumango at umalis sa pagkakaupo dito. “Ako na ang gagawa noon, hintayin mo lang ako dito,” aniya at bumaba ng kama. Ipinatong niya muna sa bedside table ang hawak na tseke bago dumiretso sa kitchen counter ng unit na iyon. Gusto niya itong pagsilbihan at maipahatid ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ibinigay nito sa kanya. Not only the money, but also the happiness she was feeling at this very moment.