Episode 4.2

799 Words
PAIKA-IKANG lumakad patungo sa refrigerator sa kitchen area ng unit na iyon ni Spencer si Shea para kunin ang sinasabi ng lalaking chocolate cake at pizza. Agad niya naman iyong nakita at kinuha. Inilapag niya ang kahon ng chocolate cake sa counter bago lumapit sa oven para iinit naman ang pizza na nasa plato. Napabuntong-hininga siya at pinagmasdan ang kabuuan ng kitchen area na iyon. Simple lang iyon at open plan din ang pagkakadisenyo. May mga practical storage na gawa sa frosted glass. Napakalinis niyon. Ibinalik niya ang tingin sa oven nang marinig ang pagtunog niyon. Mabilis siyang kumilos at inihanda ang lahat ng pagkain nila. Impit siyang napasigaw nang maramdaman ang pagpulupot ng mga bisig sa baywang niya. “Let me help you,” bulong ni Spencer sa kaliwang tainga niya. She shivered at the feel of heat conquering her whole being. Isinandal niya ang likod sa dibdib nito at ilang ulit na bumuntong-hininga. His warmth and scent was so addicting. Gustong-gusto niya ang lahat ng iyon. “Tapos na ako,” pinilit niyang kalmahin ang tinig kahit na patuloy pa rin sa malakas na pagkabog ang puso niya. Hindi siya sanay na makipaglapit sa lalaki pero hinahayaan niya ito dahil iyon din ang gusto niya. “S-Saan ba tayo kakain?” Dinampian nito ng halik ang buhok niya bago kinalas ang pagkakayakap sa kanya para kunin ang mga inihanda niyang pagkain. “May coffee table sa bedroom, doon na lang tayo,” ngumiti ito at nagpatiuna na sa paglalakad. Masaya siyang sumunod dito hanggang sa makaupo ito sa isang silya na nasa tapat ng coffee table na tinutukoy nito. Kumunot ang noo niya nang mapansing isa lang ang silyang naroroon. “Bakit isa lang ang upuan?” nagtatakang tanong niya. “Mag-isa lang naman ako dito,” tugon nito. He patted his lap. “Puwede kang umupo dito,” magaspang na dagdag nito. She blushed and stared at his hard body. They were still both naked pero hindi na siya makaramdam ng pagkailang sa bagay na iyon. Instead, she felt so hot and so excited. Siguro dahil unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya nito sa kabila ng ilang oras pa lang nilang pagkakakilala. Ngumiti siya at sinunod ito. She sat on his lap and he started to feed her. Ganoon din naman ang ginawa niya dito. Nakatitig lamang siya dito habang patuloy pa rin ito sa pagnguya. Kahit sa bagay na iyon ay napaka-guwapo pa rin nito. Aktong susubuan pa ulit siya nito pero umiling na siya. Pakiramdam niya ay busog na siya sa kakatitig sa lalaking ito. Napatawa siya nang makitang ito na ang pumapak ng cake na nasa mesa. Tumingin ito sa kanya, nagtatanong ang mga mata. Umiling na lang siya at patuloy na pinagmasdan ito. She was very lucky na ganitong lalaki ang nakasama niya sa gabing ito. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay ayaw niya nang umalis sa loob ng unit nito. Nais niyang manatili na lamang na nakaupo sa kandungan nito at nakatitig sa guwapong mukha nito. Nais niyang patuloy na maramdaman ang init ng katawan nito sa katawan niya. Sumubo ulit ito ng isang kutsara ng cake. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito nang makitang may kaunting smear ng chocolate sa gilid niyon. Napalunok siya. “M-May chocolate sa labi mo,” imporma niya dito. Napatingin ito sa kanya. Akmang pupunasan na nito ang mga labi pero mas nauna siya. She leaned down and licked the smear of chocolate on his lips. Gusto niyang pagalitan ang sarili sa ginawa pero hindi niya na mababago iyon. Bahagya siyang lumayo dito at sinalubong ang tingin nito. There was shock and amazement in his blue eyes but it suddenly changed into flaming desire. Hindi na niya nagawang ibuka ang bibig dahil nasakop na ng mga labi nito ang mga labi niya sa isang nag-aalab na halik. Buong puso niyang tinugon ang halik nito. Ang mga kamay nila ay awtomatikong dinama ang katawan ng isa’t isa. Napaungol siya nang bahagya itong lumayo. Tiningnan niya ito, nagmamakaawa ang mga mata. She wanted him again. “Spencer—” Hindi na siya nito pinatapos dahil mabilis na itong tumayo at pinangko siya. Ilang hakbang lang ay nakarating na sila sa kama at marahan siyang inilapag nito sa ibabaw niyon. She could hear the loud thudding of her heart at the thought of him taking her again. Para bang hindi siya nito inangkin kani-kanina lang at sobra na siyang nangungulila sa bagay na iyon. She bit her lower lip and slightly parted her legs, expecting him to slide his already hard maleness inside her. But he remained there, kneeling on the bed and staring at her. His eyes were filled with admiration and heat. Alam niyang ganoon rin ang ipinapakita ng mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD