Chapter 1
"Congrats, Lucey!"
Tuwang-tuwa siyang niyakap ni Mafi pagkababa niya sa stage. She's still shocked after learning na siya ang nanalo sa essay writing contest sa school nila.
Nangangatog siya habang hawak ang plaque at medal na in-award sa kanya. Alam niyang sanay siyang makakuha ng award noon pa man dahil marami ang nagsasabi na achiever siya. Subalit ngayon lang niya naramdaman na worth it ang nakuha niya.
"Pa-embrace naman, Lucey," sabi ni Francesca na malapit rin niyang kaibigan. At nakiyakap na rin ito kahit yakap pa rin siya ni Mafi.
Tatlo silang malalapit na magkaibigan. Pare-pareho na silang sixteen at nasa fourth year high school. Bata pa lang ay magkakasama na sila dahil sa isang paaralan lang sila nag-aral ng elementary hanggang high school. Sa iisang subdivision lang din sila nakatira-sa Rancho Estate sa Marikina.
Through thick and thin ay sila ang magkakasama. Si Mafi ang kanilang mind reader. Alam agad nito kung ano ang takbo ng isip ng bawat isa. Ito rin ang dakilang tagapayo sa lahat ng problemang pinagdadaanan nila.
Francesca is their clown. Ito rin ang pinaka-weird sa kanila. At ang kakaibang takbo ng isip nito ang madalas makapagpatawa sa kanya.
While she is the brain of the group. Madalas daw siyang mag-isip pero madalang siyang gumamit ng emosyon. Kaya marahil balance ang samahan nila. Kanya-kanya silang expertise.
"Naku, tiyak na matutuwa ang Tito Fermin nito. May award ka na namang nakuha," excited na wika ni Francesca.
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. Iniwas niya ang mga mata at ibinaling sa mga finalist ng beauty pageant na bahagi ng celebration ng foundation day ng paaralan.
Kung may isang bagay na ayaw siyang pag-usapan, iyon ay ang kanyang Papa. Sa tingin niya ay hindi siya nito minahal kahit kailan. Ang pagkakaalam niya ay galit ito sa kanya dahil namatay ang Mama niya sa panganganak sa kanya.
Sure, he sent her to the best schools and she can buy whatever she wishes pero mas mahal pa rin nito ang trabaho. Ginagawa lang nito ang sinasabing 'responsibilidad' para hindi ito pulaan ng mga kaibigan. Nag-aaral siyang mabuti to please him but it seems that nothing could please him when she's concerned. Later on, she quit on trying. Hindi yata siya magagawang mahalin nito.
"Look what you've done!" paninisi ni Mafi dito.
Tinutop lang ni Francesca ang bibig. "Sorry, Lucey."
Malungkot siyang ngumiti. "Okay lang. Alam ko naman na wala kay Papa kung manalo o matalo ako."
Inakbayan siya ni Mafi. "O, tama na ang drama. Mabuti pa kumain na lang tayo sa labas. We should celebrate! Kain tayo sa Goldilocks."
Napahiyaw sa tuwa si Francesca. "Makakakain na naman ako ng libre mula sa inyong dalawa."
May cash prize ang napanalunan niya sa essay writing. Samantalang si Mafi naman ay nanalo rin sa Science Quiz Bee. Kaya alam nito na manlilibre sila.
"Francesca, kapag nanalo kang best actress, ililibre mo rin kami, ha?" lambing ni Mafi dito. May sasalihan contest si Francesca next month. Aarte itong gaya ni Sisa.
"Ayoko nga. A-absent ako para hindi ko kayo mailibre at sosolohin ko ang premyo ko!" madamot na wika nito.
Inirapan ni Mafi si Francesca at umabrisyete sa kanya. "Pwes, kami lang ni Lucey ang kakain. Halika na, Lucey!"
"S-Sandali lang," pigil niya dito. "Susunduin pala ako ni Melvin ngayon."
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtikwas ng kilay nito. "Don't tell me, isasabay mo sa pagkain ang lalaking iyon. Alam mo namang hindi maganda ang vibration ko sa boyfriend mo."
��0�w+