"GOOD morning, Ma'am," bati ng sekretarya ni Lucey si Lorraine. "Good morning," pormal niyang bati. "Maayos na ba ang lahat para sa board meeting, Miss Alcantara?" Lunes noon kaya't marami siyang aasikasuhin. Nasabay pa sa board meeting ng stockholder ng Vainglory-combined company ng fashion line at modeling agency. Dati ay magkahiwalay ang kompanya ng modeling agency na pinamamahalaan ng mga Santana. Sa mga Gonzaga naman ang fashion apparel. Pitong taon na ang nakakaraan nang mag-merge ang dalawang kompanya na lalo pang nagpatatag dito. Ngayon ay tanyag na ang Vainglory sa fashion industry hindi lamang sa Pilipinas kundi gayundin sa ibang bansa. Ang board meeting na gaganapin ay para sa launching ng bagong collection at fashion show na ipe-present pati sa mga clients nila sa Asia at Un

