"ANONG ginawa mo kay Lucey?" tanong ni Mafi kay Francesca nang dumating na ito. Nakaupo lang siya sa isang tabi upang panoorin ang interogasyon ni Mafi dito. Wala siya sa posisyong humalo sa usapan dahil wala siyang alam. Parang inosenteng tumingin si Francesca dito. "Wala akong alam. Inosente ako. Hindi ko alam ang ibinibintang mo sa akin." "Pero ikaw ang kasama ni Lucey bago nagkagulo-gulo ang utak niya." "Sino may sabi?" "Ako," sagot niya. "Ang pagkakatanda ko, magkasama kayo ni Lucey sa Bulacan. After that medyo nagsimula na siyang maging kakaiba." Parang biglang naalala ni Francesca ang lahat. "Ah, alam ko na. Pumunta kami sa Bulacan. Doon sa hypnotist." "Hypnotist?!" sabay nilang sabi ni Mafi. "Anong ginawa mo sa hypnotist? Bakit doon kayo pumunta?" sunud-sunod na tanong ni Ma

