DAHAN-DAHANG iminulat ni Lucey ang mga mata. She thought this could be a fine day when she suddenly realized na nananakit ang katawan niya. She thinks she's hit by a virus again. Nagsalubong ang kilay niya nang maramdaman niyang may mabigat na nakapatong sa tiyan niya. Nang ipaling niya ang ulo ay nakita niya ang mukha ni Melvin na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Napabangon siya at napatili sa sobrang gulat. Hindi pa siya nasiyahan at itinulak niya ang katawan nito palayo sa kanya. Kaya't ang nangyari ay nalaglag ito sa sahig. Nang malaglag ito ay kasamang pumulupot dito ang kumot niya. Nagmamadali niyang kinuha ang bathrobe upang ibalot ang sarili. Kinuha rin niya ang baril sa drawer. Oras na gumawa ito ng masama ay papatay siya ng tao. Kumabila siya ng kama upang kumpirmahin k

