“Green. Gising na. Malapit na akong manganak bakit tulog ka pa rin.” usal ni Chloe habang minamasahe ang katawan ni Green. Utos yun ng doctor nito para daw hindi ma stock ang nerve ng binata. Upang kapag daw na gising na si Green hindi ito mahirapan kumilos. “Hindi mo ba ako na mimiss.” tanong pa nya sabay buga ng hangin. Mag sasalita pa sana sya ng bumukas ang pinto at pumasok ang ina ni Green. Tumingin ito sa kanya sabay bumuga ng hangin. “Hindi ka ba nag sasawa sa ginagawa mo Chloe.” tanong ng mommy ni Green sa kanya. After nitong ilapag ang dalang prutas na usually naman sya ang kumakain gaya na din ng utos nito at ng ama ni Green. “Madalas syang pagalitan ng ina ni Green dahil lagi syang nahuhuli nitong nag pupuyat kababantay kay Green. Although tinaggap naman ng mga ito na anak n

