“Ang daming star.” mahinang usal ni Green habang nakatingala sa langit sa harapan ng bintana ng VIP room ni chloe. Sila lang ang tao roon. Umuwi muna ang parents nila pero babalik ang parents ni Chloe mamaya para asikasuhin ang mag ina nya kahit meron naman ng silang kinuha para intindihin ang mag ina nya. Nag request na din sila na ilipat na din sya ng kuwarto kasama si Chloe. Hindi pa rin kasi nya kaya ang katawan nya. Nahihirapan pa rin syang kumilos na mag isa. Pinipilit lang nyang gumalaw para makasama si Chloe at ang baby nila. Ayaw na din nyang matulog na tatakot sya na baka di nanaman sya magising. “Green.” napalingon si Green sa dalaga saka ngumiti na naupo muli sa wheelchair saka nagtungo sa katabi ng kama ni Chloe. Tumayo syang muli para maupo sa gilid ng kama ng dalaga. Ina

