Itinigil ni Charlie ang pag-alog sa mga balikat ni Jane ngunit hindi siya pinakawalan. Sa halip ay hinuli ng binata ang kanyang tingin at nagpatuloy sa pagsasalita. “I will not allow you to move on without me, hindi ngayong kasama ka na sa mga plano ko sa hinaharap. Hindi kita hahayaang iwan ako pagkatapos mong iparamdam sa akin kung ano ang buhay na kasama ka. Akala ko, habang-buhay na trabaho ko ang magiging number one priority ko, pero dahil sa `yo, nagbago ang lahat. I still value my job. I still have my dreams, but I’ve realized that my life is incomplete with only those things. You made me believe that I can enter a committed relationship without fearing that I might mess it all in the future. Tama ka, kailangan ko lang ibalanse ang lahat. That I just need to compromise.”

