MAINIT ang ulo ni Charlie hanggang makauwi sa Bachelor’s Pad. Pagkatapos siyang layasan ni Jane ay binalikan niya si Vanessa at kinompronta. Noong una ay ayaw magsalita ng babae ngunit napilit din niya ito. Nalaman niya kung ano ang mga sinabi ni Vanessa kay Jane. Galit na galit siya at nawalan na ng pakialam kahit na maraming tao sa paligid. Kaya naman pala labis ang sama ng loob ni Jane. Kaya pala ganoon ang mga nasabi ng dalaga. Kagagawang lahat ni Vanessa. At ano ang ginawa niya? Sinabayan niya ang galit ni Jane na hindi alam kung ano ang tunay na sinabi ni Vanessa. At nasaktan niya si Jane. He told Vanessa he did not want to see her anymore. Nang ipanakot nito sa kanya na hindi na tutulong sa pagtatayo ng law firm ay walang pagdadalawang-isip niyang sinabi na wala siyang pakial

